Tahimik at nakapaang naglalakad ang dalaga sa kawalan habang pinagmamasdan niya ang mga sirang gusali, ang maruming kalsada at ang madilim na ulap na wari mo'y bubuhos ang malakas na ulan ano mang oras.
Napatigil siya saglit at napatingin sa mga kamay niyang puno ng galos at kalyo. Ang kamay na nagpapakita kung gaano siya naghirap sa mundong ito. Dahan dahan niyang ibinaba ang kaniyang kamay at muling napalingon sa walang katao-taong kalye. Bigla siyang nakaramdam ng kung anong kalungkutan na wari niya'y unti unting dinudurog ang puso niya.
Nakakalungkot isipin na ang dating masigla at mataong lugar kagaya nito ay ngayo'y nagmistulang abandonadong lugar na. At ang mas ikinalulungkot pa niya ay mukhang wala talaga siyang ibang magagawa kundi ang tignan at magbigay simpatya lang. Dahil una sa lahat, Hindi naman siya nararapat sa lugar na 'to at mukhang hanggang dito na lang talaga siya. Tapos na ang tungkulin niya. Nagawa na niya ang lahat ng makakaya niya upang mabuhay at magligtas ng buhay, at sa ngayon.. Ito na ang tamang panahon upang lumisan.
Napangiti na lang siya ng bahagya habang pilit na tinatanggap ang lahat ng bagay. Ano pa nga bang silbi ng pananatili niya sa lugar na 'to kung lahat rin naman ng taong kilala at importante para sakaniya ay iniwan na siya. Mag-isa na lang siya ngunit alam niyang kailangan pa rin niyang magpatuloy.
"Binibini, Anong ginagawa mo dito? Nakalikas na ang iba, Bakit nandito ka pa?" tanong bigla ng isang sundalo sakaniya na mukhang nagiisang iniikot at binabantayan ang paligid. Tinignan niya lamang ito't umiling.
"Wag kang mag-alala. Aalis na rin naman ako eh." tanging sagot lang niya rito at nagpatuloy nang muli sa paglalakad.
"Binibini!" huling sigaw na narinig niya sa sundalo bago niya ito iwanan ng tuluyan. Walang tigil ang mga paa niya sa paglalakad hanggang sa narating niya ang isang tulay kung saan nagumpisa nang bumuhos ang malalaking patak ng ulan.
"Babalik ako. Kaya kailangan hintayin mo ko."
Yun ang mga katagang tumatak sa isip niya bago pa man siya iwan ng lalakeng pinakamamahal niya. Nagkakilala sila sa gitna ng malakas na ulan. Nahulog at parehas na umibig. At ngayon, mukhang sa bawat pagpatak ng ulan ay siya na ang unang taong iisipin at hahanap-hanapin niya. Umaasa na sa muling pagbuhos ng ulan ay maipapatupad niya ang pangako niyang babalik siya.
BINABASA MO ANG
The Rain That Reminds Me Of You
Historical FictionAksidenteng napunta sa panahon ng 1941 si Euphie Encarnacion matapos niyang sundan ang isang babae sa gitna ng ulan. At dahil nag-iisa lang siya sa ibang lugar at oras, Tinulungan siya ng isang lalake at nagbukas ng bahay para sakaniya. Pero ngunit...