"Binibini, hindi ko ho maintindihan ang nais niyong sabihin. Seryoso po ba kayo na gusto niyong iligtas ang ginoo?" tanong sakaniya ng lalake sakaniya.
"Mukha bang nagbibiro lang ako? Teka sandali, ano nga bang pangalan mo?" tanong niya habang seryoso silang naglalakad papunta sa kuta ng mga hapones.
"Diego ho, binibini." sagot naman nito kaagad.
"Diego.." at tumango tango lang si Euphie sakaniya saka nagpatuloy muli sa paglalakad. Dinala siya ni Diego sa isang bahay kung saan nakalagay ang isang malaking bandila ng hapon sa labas ng bintana. Nang makita niya na may ilang nagbabantay na sundalo sa labas ay agad silang nagtago sa malayo at nagmasid muna. Tumingin muna siya sa orasan at nakinig ng maiigi sa mga nangyayari sa paligid.
"Eksatong alas sais ng gabi ay sigurado akong aalis muna sila upang pumatrol. Base sa bahay na 'to ay mayroong dalawang pinto rito. Isa sa harap at isa sa likod. At kung magtatago man sila ng mga bihag ay tsak akong ilalagay nila ang mga ito sa likod. Kaya makinig kang mabuti sakin." saka siya seryosong humarap kay Diego.
"Paano niyo po nalalaman ang mga ito, Binibini?" manghang tanong naman ni Diego sakaniya.
"Hindi na mahalaga yun. Basta ito ang plano. Kusa akong papasok doon dahil mukhang ako naman talaga ang pakay nila sa simula pa lang. Gusto kong malaman mo na hindi nananatili ng matagal ang isang sundalo sa kuta niya. Makikipag-usap ako sakanila na kung maari nilang pakawalan si Matteo at kung hindi sila pumayag ay sesenyasan kita gamit ng pagsipol ng malakas. At kapag ganun ang nangyari.. gusto kong kunin mo naman ang pagkakataon na iyun upang makapasok sa likod upang hanapin si Matteo at iligtas siya. H'wag kang mag-alala dahil kalahati ng pwersa nila ay mapupunta sakin ang atensyon at ang kalahati naman ay nasa pagpapatrol. At Nakikita mo ba yun?" sabay turo niya sa bakod at malaking puno sa likuran ng bahay.
"Yung puno ho?" tanong niya kaagad.
"Oo. Maari kang umakyat doon para makapasok sa loob. Patawad kung dinadamay kita rito. Wala na kasi akong ibang alam na paraan eh. Ikaw na sana ang magligtas kay Matteo kapag hindi umayon ang lahat sa magiging plano ko." wika ni Euphie sakaniya.
"Wala hong problema sakin Binibini!" matapang na sagot naman nito sakaniya.
"Mabuti kung ganun. Pero wag kang kikilos hangga't hindi ako sumesenyas maliwanag? Eto pa nga pala.." sabay abot niya ng baril na kinuha niya kay Hans bago niya ito iwanan. "Gamitin mo 'to kung kinakailangan."
"M-masusunod po!"
"Shss. Magtago kang maigi! Palabas na sila!" babala kaagad ni Euphie sakaniya.
Nagtago silang mabuti at pinanuod lang ang paglisan ng ibang sundalong hapon sa bahay. Tumingin lang si Euphie kay Diego saka niya ito sinenyasan. Tumango lang ang lalake sakaniya't kumilos na kaagad.
Samantalang naiwan lang si Euphie roon at dahan dahang lumabas at naglakad papalapit sa bahay. Pero bago yun ay bigla siyang napatawa dahil sa mga nangyayari sakaniya.
Ano ba 'to. Hindi ko akalain na mangyayari 'to sakin kahit na kailan. Ano kayang ire-reaksyon ng magulang ko kapag nalaman nilang kusa akong pupunta sa kuta ng mga hapones sa ganitong panahon na alam naman ng lahat na kilala sila sa pagiging walang-awa at mapang-abuso. Kapag nalaman 'to ni Leonard ay tsak na papagalitan niya kaagad ako. Afterall, isa itong walang kwenta at istupidong ideya.
Pero nandito na ako eh. Wala nang atrasan 'to. Hindi ako matatakot o kakabahan dahil alam kong kaya ko nang bumalik mag-isa.. sa lugar at panahon kung saan naman talaga ako nararapat.
"あなたは誰!?" sigaw ng hapones kaagad sakaniya saka siya hinarangan gamit ng pagtuktok ng bayoneta sakaniya. (Who are you!?)
"Tell your commander that I'am agatha. Do you understand what I'm saying?" matapang na wika niya rito.
BINABASA MO ANG
The Rain That Reminds Me Of You
Historische RomaneAksidenteng napunta sa panahon ng 1941 si Euphie Encarnacion matapos niyang sundan ang isang babae sa gitna ng ulan. At dahil nag-iisa lang siya sa ibang lugar at oras, Tinulungan siya ng isang lalake at nagbukas ng bahay para sakaniya. Pero ngunit...