"Do I really have to wear this? I mean.. kailangan ba talaga nating magsuot ng ganto kabongga?" tanong ni Euphie sa mga kaibigan niya matapos siya nitong hilahin at bihisan ng kung ano ano.
"Well yeah duh! Malamang party yun eh. It's a sem-ender party! Kahit ngayon man lang eh magpabongga naman tayo!" sagot naman ni Reina sakaniya habang abala ito sa pagaayos ng damit niya.
"Oo nga pala, Rave muna tayo ha!" sabad naman ni Hyacinth habang naglalagay naman ng make up sa mukha niya.
"Rave? Ba't naman tayo pupunta dun?!" gulat na tanong kaagad ni Euphie sakaniya.
"Well, syempre. Makiki-mingle. Kailangan rin naming lumandi kahit paminsan minsan okay?" sagot naman ni Hyacinth sakaniya.
"Ehh. Paano naman ako? May boyfriend na ako remember?" paalala ni Euphie.
"Ikaw yun, Eh kami wala!"
"Speaking of.. Nasaan na nga pala yung boyfriend mo?" tanong naman bigla ni Reina sakaniya.
"Hmm.. Ewan. Sabi niya may kikitain lang daw siyang kaibigan eh." sagot naman ni Euphie kaagad.
"Wohh. At gaano ka naman kasiguradong kaibigan nga talaga yung kikitain niya aber?"
"I trust him. Kapag sinabi niyang kaibigan, kaibigan lang." pagtatanggol naman kaagad ni Euphie.
"You trust him? Sa ganung kaikling panahon?" hindi nila makapanilang irit.
"I know him at naniniwala ako na hindi siya ganung klaseng tao." paninigurado naman ni Euphie sakanila.
"You barely know him Euphie! Baka nakakalimutan mo, Kailan mo lang siya nakilala." pagdidiin pa ni Reina sakaniya.
"Ah basta! At tsaka, tigil-tigilan niyo nga yung pagsasabi niyo sakin ng ganyan."
"Whatever. Anyway, bagay talaga sayo lagi yung retro style Euphie."
"I know right." at napatingin na lang siya sa salamin upang ayusin muli ang suot niyang denim na dress na sinamahan pa niyang bilugang retro eyeglass at turban sa ulo.
Sabado ngayon at mamaya gaganapin ang Sem-ender party ng unibersidad nila. Maguumpisa ito simula alas-sais ng gabi hanggang sa ala-una ng madaling araw. Mayroon silang tatlong magkakasunod na events, Una ang malawakang booths and fair na nakatayo at nakakalat sa buong campus. Pangalawa ang Rave party kung saan maaring mag-sayaw ang mga estudyante at ang panghuli at ang Pangatlo ay isang free concert ng isang sikat na banda.
Tutal hindi naman siya sigurado kung gusto bang pumunta ni Jade sa event ngayon ay hinayaan na lang niya ang sarili niyang sumama sa mga kaibigan niya na mag-rave. Ang bawat daan sa unibersidad nila ay napapalibutan ng mga ilaw at iba't ibang stalls ng pagkain o tindahan. At kasama pa roon ay ang palaro at isang merry go round sa gitna ng campus nila.
Napanguso lang si Euphie nang makita niya ang mga ito. Ang ganda sana ng pagkakataon na 'to upang makasamang mag-enjoy si Jade pero mukhang wala ata talaga itong balak na magpakita kaya sumuko na lang siya.
Pagpasok niya sa loob kung nasaan ang rave party ay kaagad silang sinalubong ng malakas na tugtog ng remix version ng Boombayah ng Blackpink. Kasama pa nito ang magulong ilaw at ang mausok na lugar. Napakunot lang ang noo ni Euphie at kaagad nagtakip ng ilong at dumikit sa mga kaibigan niya dahil lalo pa't hindi talaga siya sanay sa ganitong klaseng lugar.
"Seryoso ba kayo? Dito talaga tayo?" pasigaw na tanong niya kanila Hyacinth at Reina dahil hindi sila magkakarinigan sa sobrang lakas ng tugtog.
"Oo naman! Wait kuha lang akong drinks! Dito lang kayo!" sigaw naman ni Reina saka ito umalis saglit.
BINABASA MO ANG
The Rain That Reminds Me Of You
Historical FictionAksidenteng napunta sa panahon ng 1941 si Euphie Encarnacion matapos niyang sundan ang isang babae sa gitna ng ulan. At dahil nag-iisa lang siya sa ibang lugar at oras, Tinulungan siya ng isang lalake at nagbukas ng bahay para sakaniya. Pero ngunit...