"Ikaw nga ba talaga yan?" gulat at hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Euphie habang tinitignan niya ng diretso ang binata sa harap niya.
"Although it's complicated, Oo ako nga talaga ito." nakangiting sagot naman ni Jade sakaniya.
"Pero paano? I want to know everything!"
"Alam ko alam ko. Pero syempre prioridad ko pa rin ang kalusugan mo. Magpahinga ka muna and then we'll talk."
"Pero–" at napakunot ang noo ni Euphie. Paano kapag nawala na naman siya this time? Paano kung hindi pala totoo ang lahat ng 'to?
"Relax. Hindi na ako mawawala. Promise." ngumiti si Jade sakaniya saka lumapit upang halikan ang noo niya. "Go take a rest."
"Okay.." at napatango lang si Euphie sakaniya.
"Good girl."
Hinatid na siyang muli ni Jade sa dormitoryo niya upang makapagpahinga na siya. Naligo muna siya at nagpalit ng damit bago humiga sa kama. Kahit masyadong gising ang diwa niya dahil sa mga nangyayari eh pinilit pa rin niyang matulog para makapagpahinga. Alas syete na nang magising siya. Madilim ang kwarto at mukhang hindi pa rin umuuwi si Hyacinth.
Binuksan niya ang ilaw sa tabi ng kama niya't nakita sa tabi niya ang mga sulat na binigay ni Jade sakaniya kanina. Kinuha niya ito't agad na tinignan. Manipis na ang mga ito at halatang lumang luma na. Dahan dahan niya itong binuksan upang basahin ng isa isa. Hindi na niya kasi maalala yung mga sinulat niya nung mga panahon na iyun eh.
***
Jan 7, 1942
Mahal kong Leonard,
Maraming nangyari pagkatapos mong umalis. Sa totoo lang, natatakot ako ngayon lalo pa't dalawa na lang kami ni Isa na magkasama. Sinabi mo noong bago ka umalis na aalagaan kami ni Hans diba? Gusto kong humingi ng tawad dahil kasalanan ko kung bakit siya nawala na ngayon. Prinotektahan niya kami gaya ng inutos mo sakaniya. Hanggang sa huli ay wala man lang akong nagawa para iligtas siya. Habang buhay ko na siguro 'tong dadalhin sa sarili ko.
Sa ngayon, pagkatapos naming makaligtas ni Isa sa mga hapones ay kinukupkop kami ng isang doktor na nagngangalang Matteo. Sa totoo lang, nakilala ko siya doon sa pagtitipon na naganap sa bahay ni Ginoong Alonzo at kung hindi dahil sakaniya ay baka kung saan saan na kami napadpad ni Isa ngayon.
At ngayon, kasalukuyan kaming naglilingkod bilang mga nars para sa ospital niya. Para sana habang naghihintay kami sa inyo ay may nagagawa naman kami para sa bansa. Sana maging maayos lang ang lagay mo riyan. H'wag kang mag-alala. Ayos lang kami. Po-protektahan ko ng maigi si Isa kaya sana protektahan mo rin si Dan lalo na ang sarili mo.
Walang araw at gabi na hindi ako nangulila sayo. Pero lalakasan ko ang loob ko't maghihintay pa rin sayo.
Lubos na nagmamahal,
Euphie.
***
Jan. 16, 1942
Mahal kong Leonard,
Kumusta ka na? Ito na ang pangalawang sulat ko para sayo pero hindi ko naman alam kung paano ipaparating sayo. Di bale, maghihintay na lang ako ng tamang pagkakataon para ipadala ito sayo.
Alam mo bang lumalala na ang sitwasyon rito sa Maynila. Maraming tahanan at mga buhay na ang nawala at nasira. Unti unti nang nawawala ang ganda ng Maynila dahil sa gyera. Halos hindi na kami makagalaw sa takot sa t'wing nakakarinig ng mga tunog ng mga sirena. Mga hindi na mabilang na tunog ng putok ng baril at mga bomba. At sa t'wing naririnig ko ang mga yun, iniisip ko kung gaano kami ka-swerte ngayon dahil nandito kami at patuloy pa ring nabubuhay.
BINABASA MO ANG
The Rain That Reminds Me Of You
Historical FictionAksidenteng napunta sa panahon ng 1941 si Euphie Encarnacion matapos niyang sundan ang isang babae sa gitna ng ulan. At dahil nag-iisa lang siya sa ibang lugar at oras, Tinulungan siya ng isang lalake at nagbukas ng bahay para sakaniya. Pero ngunit...