"Hindi mo pa nga pala nasasabi sakin ang iyong buong pangalan, Ginoo." wika ni Euphie kay Matteo pagkatapos niya silang dalhin sa maliit na ospital na pagmamay-ari niya.
"Hindi pa ba? Kung gayun, hayaan niyo akong magpakilala sa inyo mga binibini. Ako nga pala si Matteo Natividad at isa akong doktor." magalang na sagot naman ni Matteo sakanila.
"Ikinagagalak ko ang makilala ka Ginoong Matteo. Ako naman ho si Isa."sagot naman ni Isa sakaniya.
"Hindi mo na kailangang maging pormal, Matteo na lang."
"Tutal tinulungan mo kami ay nais kong magpakilala rin ng pormal sayo. Ang totoo ko nga palang pangalan ay Euphemia.. o Euphie at hindi Agatha." tapat na pakilala naman ni Euphie sakaniya.
"Euphie.." paguulit ni Matteo habang nakatingin sakaniya. Ngumiti ito't tumango. "Walang anuman sa akin iyun. Ang mahalaga ay ligtas kayong dalawa."
"Pero ano nang plano? Wala akong alam sa pag-aalaga ng tao." tapat na sagot naman ni Euphie sakaniya.
"H'wag kang mag-alala dahil tutulungan ka naman ng mga tauhan ko rito. Ang ilan rito ay nag-boluntaryo lang din na tumulong. Hindi mo kailangang mangamba." sagot naman nito sakaniya.
"Naiintindihan ko. Pero hangga't maari nais ko ring tumulong."
"Ituturo sayo ni Marisol ang lahat bukas. Mabuti pa at magpahinga muna kayong dalawa."
"Maraming salamat.." at tumango lang si Euphie sakaniya.
Dinala sila ni Matteo sa isang bakanteng kwarto na mayroong dalawang kama. Nagbihis muna sila sa damit kung saan sila magiging kumportable bago tuluyang humiga sa kama.
"Matulog ka ng mabuti, Mas maganda kung hindi mo muna iisipin ang mga nangyari kanina. Magiging maayos din ang lahat." sabi niya kay Isa.
"Maraming salamat po sa lahat binibini." at ngumiti lang si Isa sakaniya.
Mabilis na nakatulog si Isa sa halip ay nanatili namang gising si Euphie at tahimik na nakatulala habang tinititigan ang cellphone niya. Binuksan niya ito upang muling tignan at agad bumagsak ang kaniyang mukha nang makita niya na 15% na lang ang natitira sa baterya nito. Napabuntong hininga na lamang siya saka napadako ng tingin sa natutulog na si Isa.
15%? Paano ko mapo-protektahan si Isa kung ganito na lang ang natitira para sakin. Sa kaunting oras ko dito ay hindi pa rin magiging sapat ang lahat. Paano kung bumalik si Leonard at nalaman niyang wala na ako? Paano kung hindi ko na siya makita pang muli? Parang hindi ito kayang tanggapin ng puso ko.
Tumayo si Euphie at kumuha ng papel at panulat saka siya umupo sa tabi ng bintana kung saan medyo maliwanag at doon nag-umpisang magsulat. Kung mawawala man siya ay sisiguraduhin niyang may maiiwan naman siya kahit papaano. Lalo pa't ayaw niya ng umaalis nang hindi nagpapa-alam.
***
"Magandang umaga sa inyong dalawa. Ako nga pala si Mirasol. Ang punong nars sa ospital na ito." pakilala ni Mirasol sakanilang dalawa.
"Magandang umaga rin, Mirasol." magalang na sagot naman nila Isa at Euphie sakaniya.
Si Mirasol ay nasa edad trenta pataas na. Kayumanggi ang balat nito at medyo may kalakihan ang hugis ng katawan. Ngunit kahit ganun ay makikita naman sa ekspresyon ng mukha niya na isa siyang mabuting tao.
"Mabuti na lamang at nagkasya sa inyo ang mga uniporme." ani pa niya sa dalawa.
"Pasensya na kung kakaunti lang ang alam ko sa pag-aalaga. Titser kasi ang kinukuha kong kurso at hindi nars." nahihiyang sagot naman ni Isa sakaniya.
BINABASA MO ANG
The Rain That Reminds Me Of You
Historical FictionAksidenteng napunta sa panahon ng 1941 si Euphie Encarnacion matapos niyang sundan ang isang babae sa gitna ng ulan. At dahil nag-iisa lang siya sa ibang lugar at oras, Tinulungan siya ng isang lalake at nagbukas ng bahay para sakaniya. Pero ngunit...