Kabanata 4 - Selcouth

11.4K 512 37
                                    


Pagkatapos mag-agahan ni Euphie ay bigla niyang naisipang maglibot libot sa paligid upang makita ang 'dating' Maynila na hindi pamilyar sakaniya. Ngunit hindi akma ang kaniyang ayos at kasuotan dahil nga sa galing siya sa modernong panahon, kaya naman kinausap niya si Isa kung maaring manghiram siya ng isang bestida niya kahit pansamantala lang.

"Walang problema po sakin. Binibining Euphie." sagot naman ni Isa sakaniya kaagad. Ngumiti lang si Euphie sakaniya't tinanggap ang kulay asul na bistida na ipinahiram sakaniya. Bumalik siya sa silid niya upang magbihis nang mapansin niya ang lumang suot niyang blusa at pantalon.

Andito pala 'to? Nakalimutan ko na ganto nga pala yung suot ko kagabi. Kinuha niya ang mga damit niya't napatigil siya nang bigla siyang may makapang matigas na bagay sa pantalon niya. Mabilis niya itong kinuha upang tignan at nang makita niya kung ano ito ay agad siyang nagulat at napangiti ng malaki.

My Cellphone! Oh my god! I can't believe it! Nakangising irit niya habang sinisiyayat niya ang cellphone niya. Mabuti na lamang at hindi ito nasira nung nabasa yung pantalon niya pero bukod sa lahat ay wala namang pinagbago rito, nawalan lang ng signal.

Of course. This is 1941. Hindi pa nga naman uso ang mga smartphones dito kaya imposible talagang magka-signal ako. she scoff.

Hinalughog rin niya ang iba pang laman ng bulsa niya't nakita rin ang earphones niyang nakapulupot at mukhang ayos at gumagana pa rin. Napangiti siyang muli at inisip na masuwerte siya't makakapakinig pa siya ng musika sa panahon na ito ngunit na isip rin niya na wala siyang dalang charger kaya mas pinili na lang niya na iwan ito at iniligay sa ilalim ng unan niya.

Pagkatapos niyang magbihis sa hiniram niyang bestida ay nagpatulong naman siyang magpaayos ng buhok kay Isa. Inirolyo nito ang kaniyang buhok gamit ng makalumang rollers saka nilagyan ng lasong kulay rosas.

"Andyan ba si Leonard? Gusto ko sanang magpa-alam sakaniya." ani Euphie kay Isa pagkatapos niya siyang ayusan.

"Mag-paalam? Bakit ho? Hahayo na ho ba kayo binibini?" nag-aalala at gulat na tanong agad ni Isa sakaniya.

"Ay hindi! Magpa-paalam sana ako na gusto kong lumabas para makita yung paligid." sagot naman niya kaagad.

"Ahh.." at napatango lang si Isa sakaniya. "Mag-isa lang ho ba kayong aalis?"

Napaisip sandali si Euphie sa tanong ni Isa sakaniya. Hindi niya kabisado ang lumang kalye ng Maynila at kung mag-isa siyang aalis ay malaki ang posibilidad na maari siyang maligaw. Napadako bigla ang mata niya kay Isa at napatitig sakaniya.

"..Pwede mo ba akong samahan?" mahinang tanong niya.

"Ho?"

"Uhm.. Hindi ko kasi kabisado yung buong Maynila kaya baka maligaw lang ako. Itatanong ko sana kung ayos lang sayo na samahan akong.. mamasyal?" nahihiyang tanong niya kay Isa. Napangiti lang ang inosenteng dalaga sakaniya't mabilis na sumang-ayon kaagad.

"Wala hong problema sakin. Ngunit kung hindi tayo papayagan ni Ginoong Christopher ay wala tayong magagawa kundi ang sundin siya." sagot naman ni Isa sakaniya.

Napangiti ng malaki si Euphie sa mabilis na pag sang-ayon ni Isa sakaniya. Kaya lang tama rin siya na wala silang magagawa kung hindi sila papayagan ni Leonard na lumabas dahil amo siya ni Isa at nakikitira lang si Euphie sa bahay niya.

"Manang, alam niyo ho ba kung nasaan si Ginoong Christopher?" tanong agad ni Isa sa matandang kasambahay nang hindi niya matagpuan ang amo niya.

"Naku umalis na si Ginoong Christopher. Isinama siya ng bisita niyang si Ginoong Williams. Mukha atang may pagpupulong silang gagawin at kailangan niya ring dumalo." sagot naman agad sakaniya.

The Rain That Reminds Me Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon