"Look! Yan yung girlfriend raw ni Jade oh!"
"Patingin nga! Ay iba, maganda infernes."
"No I think she looks normal."
"Wag nga kayong bitter, Admit it.. maganda nga siya."
Napabuntong hininga na lang ng malakas si Euphie sa mga paulit ulit niyang naririnig pagkatapos malaman ng lahat na boyfriend na niya ang isa sa hinahangaang estudyante sa unibersidad nila at yun ay walang iba kundi si Jade. Hindi man siya sanay ay hinayaan na lang niya ang mga ito, sa halip ay umakto lang siyang normal tulad pa rin ng dati.
"Oy! Euphie right?" tawag bigla sakaniya ng isang lalake sa likod niya. Agad siyang napalingon at nakita ang nakangiting si Claude sakaniya.
"Oy Claude! Musta? Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang klase?" natanong kaagad ni Euphie sakaniya.
"Uhm.. medyo late eh. Na-stuck ako sa traffic. Ikaw? Wala ka bang klase?" tanong naman ni Claude sakaniya pabalik.
"Actually, katatapos lang."
"Oh? Nice! Tara samahan mo muna ako. Tutal hindi na rin naman ako aabot sa klase ko eh." saka niya hinila si Euphie.
"Teka teka! Aabsent ka?!" napairit agad ni Euphie sakaniya.
"Ganun na rin naman yun eh, kaya okay lang yan! Tara libre kita!"
"Hays. Sige na nga.." at napa-iling na lang si Euphie sakaniya't sinundan na lang siya.
Pumunta silang dalawa sa isang stall muna upang bumili ng ice-cream saka umupo sa isang bench malapit sa track and field. Tahimik lang silang kumakain at nakaupo roon nang bigla na lang magtanong si Claude kay Euphie.
"Yung totoo, paano kayo nagkakilala ni Jade?" tanong niya bigla.
Napakamot muna si Euphie sa ulo niya bago sumagot. Ano bang isasagot ko dito? Bakit ba pag ganyan yung tanong lagi akong naiistress sumagot?
"Basta.. mahabang kwento. Bakit?" tanong naman niya pabalik.
"Wala lang. Nakakagulat lang kasi na bigla na lang magkaka-girlfriend ang kaibigan ko lalo pa't alam kong mailap yun sa babae." sagot naman niya.
"Mailap? Talaga?" hindi makapaniwalang sambit naman ni Euphie habang sinusubo niya ang ice-cream niya. "Parang hindi naman.."
"I know right!" at natawa lang si Claude sakaniya. "Mukha lang siyang babaero pero hindi talaga siya nakikipag-usap ng madalas sa mga babae. Hindi ko 'to sinasabi dahil kaibigan niya ako ha! Pero Maniwala ka sakin!"
"Pero noong nakaraan parang may binanggit kang babae sakin. Sino ba yun? Uhm.. Margarita?"
"Margarette." Pagtatama naman niya.
"Sorry. Okay si Margarette. Ano bang meron? Ex ba siya ni Jade?" tanong niya kaagad.
"Ex? No!" at natawa muna si Claude sakaniya. "Kababata niya si Margarette. Matagal na silang magkaibigan at magkakilala. At siya lang naman ang katangi-tanging babaeng sinasamahan at kinakausap ni Jade noon. Not until he met you.."
"Kababata huh?" at napataas lang ng kilay si Euphie sakaniya.
"Hindi ko alam na selosa ka palang babae! Ano ka ba! Wala lang yun! Pag sinabi ko sayong kababata, kababata lang talaga yun!" wika naman ni Claude sabay tapik ng balikat niya.
"Okay fine. Naniniwala na ako."
"Pero seryoso.. para talagang nakita na kita noon." Pahabol pa ni Claude sabay titig kay Euphie.
BINABASA MO ANG
The Rain That Reminds Me Of You
Historical FictionAksidenteng napunta sa panahon ng 1941 si Euphie Encarnacion matapos niyang sundan ang isang babae sa gitna ng ulan. At dahil nag-iisa lang siya sa ibang lugar at oras, Tinulungan siya ng isang lalake at nagbukas ng bahay para sakaniya. Pero ngunit...