Hindi maipinta ang mukha ni Euphie habang naglalakad sila ni Isa papunta sa may palengke upang mamili ng mga kakailanganin sa pagluluto. Mukhang may darating kasi na bisita si Leonard kaya kailangan nilang maghanda at dahil rin dun eh hindi tuloy siya makatyempo ng tanong sa binata na dahilan upang maurat siya ng ganito. Sa totoo lang, Kagabi pa niya talaga sana nalaman ang kasagutan na hinahanap niya kung hindi lang sana sa mga nagiging sagabal sa mga plano niya.
Bago matulog ay nakita niyang kausap pa rin ni Leonard si Hans at pagkagising naman niya ay nakita naman niyang may kausap ito sa telepono. Buong araw niya sana balak hintayin ang binata kaya lang mukhang hindi niya ito makakayanan lalo pa't mabilis siyang mabagot kahit sa kaunting bagay. Mabuti na lamang at inaya siya ni Isa sa pamamalengke't gumaan gaan ang pakiramdam niya.
"Kanina ko pa po napapansin ang pag-seryoso ng iyong mukha, Binibini. May problema ho ba kayo?" tanong ni Isa sakaniya habang tumitingin tingin sila ng gulay sa dampa.
"Wala naman. Medyo naiinis lang ako kasi parang hindi umaayon sakin ang lahat ng bagay eh." tapat na sagot naman ni Euphie sakanya.
"H'wag po kayong mag-alala binibini. Alam ko po na ang lahat ng bagay ay nadadaan sa tamang pagkakataon. Ang kailangan niyo lang pong gawin sa ngayon ay ang maghintay." ika ni Isa para palakasin ang loob niya.
"Salamat Isa." at napangiti na lang siya ng bahagya. "Oo nga pala. Sino daw yung bisitang pupunta ngayon?"
"Paumanhin binibini ngunit hindi ko naitanong eh. Pero mukhang kaibigan din po ng ginoo iyun." sagot naman ni Isa sakaniya.
"Kaibigan huh?" Hindi kaya.. May chance na si Lola na yun?
"Kamusta nga po pala yung trabaho ninyo?" tanong bigla ni Isa sakaniya.
"Ayos lang. Masaya naman. Maraming humanga sa pagkanta ko. Sa totoo lang, ngayon lang ako nakaramdam ng ganun. Iba pala yung pakiramdam ng may nakikinig sayo.. masaya pala." nakangiting wika ni Euphie habang inaalala yung mga pangyayari kagabi kung saan marami ang humanga sakaniya't nais siyang makilala.
"Nakakainggit. Nais ko rin sanang marinig ang iyong boses kahit minsan lang." ani Isa sakaniya.
"H'wag kang mag-alala, Isasama kita dun minsan. Anong malay mo, baka may mahanap ka pala dun." biro naman niya rito.
"Mahanap na alin po?"
"Alam mo na.. Pag-ibig?" sabay ngisi niya.
"Ho? Naku! Hindi ho muna siguro sa ngayon. Bukod pa roon.." kasabay ng pag-iwas ng tingin ni Isa ay ang pamumula naman ng dalawang pisngi niya. Napansin ito ni Euphie at mukhang mas lalo siyang nagkaroon ng dahilan upang asarin ang dalaga.
"H'wag mong sabihin na.. may nagugustuhan ka na? Tama ba?" pabirong tanong ni Euphie sakaniya habang nakangisi ito ng malaki.
"Ho? Naku binibini, Hindi ho sa ganun! Wala pa po.." mahina at nahihiyang sagot naman ni Isa sakaniya.
Deny all you want. Sigurado akong meron na. Halatang halata naman eh. napa-iling lang si Euphie sakaniya't tinigilan na siya.
"Tignan mo binibini, ang gaganda ng mga tinitinda nilang ipit sa buhok!" sigaw bigla ni Isa sabay turo sa isang tabi kung saan may nagtitinda ng iba't ibang uri ng pang-ipit sa buhok.
"Tignan natin?"
Ngumiti at tumango tango lang si Isa sakaniya. Lumapit sila sa nagtitinda't tumingin tingin ng mga makikinang na ornamento sa buhok. Nakakita si Isa ng isang ipit na may hugis bituin at agad niya itong isinukat.
BINABASA MO ANG
The Rain That Reminds Me Of You
Historical FictionAksidenteng napunta sa panahon ng 1941 si Euphie Encarnacion matapos niyang sundan ang isang babae sa gitna ng ulan. At dahil nag-iisa lang siya sa ibang lugar at oras, Tinulungan siya ng isang lalake at nagbukas ng bahay para sakaniya. Pero ngunit...