Kabanata 8 - Nightingale

9.2K 418 68
                                    


Kasabay ng pagbukas ng mga ilaw sa taas ng entablado ay ang simula rin ng pagkanta ni Euphie sa harap ng maraming tao

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kasabay ng pagbukas ng mga ilaw sa taas ng entablado ay ang simula rin ng pagkanta ni Euphie sa harap ng maraming tao. Ngayong gabi hindi muna siya ang pangkarinawang Euphie na madalas pag-guhit at pagtugtog lang ng piano ang alam. Dahil sa panahong ito, binigyan siya ng isang panibagong pangalan upang itago ang totoo niyang pagkatao at yun ay si.. Agatha.

Suot ang isang magarang damit at makikinang na alahas ay mas lalong umangat ang kaniyang kagandahan at mas nagpakinang sa kaniya ngayong gabi. Ang kaniyang boses na lubhang bumabagay sa kantang may mahinahon at malumanay na pakiramdam ay wari mo'y umaakit sayo papalapit sakaniya. Para bang pinanganak talaga siya sa panahon na ito ngayon at nagagawa niyang makibagay sakanila ng walang kahirap hirap.

Isa isang nagsisitayuan ang bisita upang sumayaw at sumabay sa malumanay na romantikong tugtugin sa bumabalot sa kwarto ngayon. Nang matapos na ang kantang may pamagat na The Nearness Of You ay sinundan na naman niya ito ng isa pang kilalang kanta na kung tawagin ay I Know Why (So Do You)  na natatandaan niyang naging paborito rin ng lola niya. Pagkatapos ay agad naman niya itong sinundan ng medyo masiglang kanta na sinabayan niya ng kaunting idayog. Kasabay ng pagpalit ng tugtog ay ang pagpalit rin ng emosyon ng mga manunuod. Napatayo silang lahat at napagpasyahan na sumabay na rin sa indayog ng kanta. Nang makita ito Euphie ay napangiti na lang siya't mas dinama pa lalo ang kanta.

Natapos ang kaniyang pagkanta sa isang malaking ngiti at masigabong palakpakan mula sa mga manunuod. Nagpasalamat siya't bumaba na upang makilala ang mga bago niyang tagahanga.

"Hindi mo nga pa pala siya naipapakilala sa amin, Nadia. Nais naming malaman ang kaniyang pangalan." masayang bati agad ng isang parokyano sakanila.

"Paumanhin mga ginoo, Heto at Ipinapakilala ko sa inyo ang bago naming mang-aawit.. Si Agatha." Masayang pakilala naman ni Nadia sakanila.

"Kumusta ho kayo, Mga ginoo." Magalang na bati naman ni Euphie sakanila.

"Ikinagagalak ka naming makilala, Agatha! Napakaganda ng iyong boses! Pakiramdam ko'y nagbukas ang langit at nakarinig ako ng isang anghel dahil sa pagkanta mo." Puri naman sakaniya ng isang parokyano.

"Ah.. Marami hong salamat." Tanging nasagot lang niya sa mga puring ibinibigay sakaniya.

Hindi ko tuloy alam kung masyado lang ba talaga silang nagre-react o totoo ngang maganda talaga ang boses ko. Hays. Di ko talaga alam pero sige.. makikisabay na lang ako, naibulong niya sa isipan niya.

Nanatili ang pagtugtog ng banda habang patuloy naman ang pagkilala ng iba't ibang tao sa bagong mang-aawit na si Agatha. Kaliwa't kanan ang pumupuri sakaniya, mapababae man o mapalalake, wala itong pinipiling kasarian, edad at nasyonalidad. Hindi man siya sanay ay iniisip na lang niya na isa itong napakagandang panaginip na kailangan niyang tanggapin.

"Mukhang kailangan ko ng umalis kaya mauuna na ako. Maraming salamat ulit sa lahat, Madam." ani Euphie kay Nadia nang makaramdam na siya ng pagod matapos ang isang oras na pakikipag-usap sa mga panauhin.

The Rain That Reminds Me Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon