Keisha's POV
As usual, puro tests, lecture, blackboard, notebook, papel, teacher at classmates ko lang ang nakikita ko.
Hay...ba't di na lang ang laman ng utak ko ang nakikita ko? Di lang pala utak, puso pa!
Mahirap mang paniwalaan pero ako lang ang nag-iisang babaeng walang BOYFRIEND, inuulit ko WALANG BOYFRIEND sa school namin. Kahit walang maniwala, okay lang pero totoo talagang pwedeng pwede ilagay sa Guinness World Book of Records ang pangalan ko dahil ako ang kaisa-isang babae na walang boyfriend o kaya naman, nagkaroon ng Ex.
Paano ko nalaman at paano ko patutunayan? Easy lang.
Kasama lang naman kasi ako sa SSG o Supreme Student Government kaya maraming paraan para malaman ko yun. Isa pa, Mommy ko rin pala ang Principal ng School na'to at ang Lolo ko naman ang may-ari. Pwedeng pwede kong malaman ang gusto kong malaman.
Pero sa kabila ng pagiging salat sa lovelife, mayaman naman ako sa inspirasyon! May crush ako sa iba't ibang sections ng Grade 11 at Grade 12. Sa specialization na STEM lang naman lahat eh. Hehe.
Ang papangit ng nandun sa iba. Pati na kina Alexa sa Cookery.....
Hmp! Di hamak na mas magaganda at mas gwapo ang mga nasa STEM noh.
Sa section namin, Grade 11 section 1-Cassiopeia, o sa classmate ko, si Jay-C.
Jay-C Garcia, matalino, gwapo, mayaman, friendly. Lahat halos nandyan na sakanya pero, ex kasi siya ni Alexa. Alam din ni Alexa na crush ko si Jay-C at wala naman siyang angal kasi, wala na naman sila. Plus, crush lang naman eh. Di ko naman sinabing liligawan ko.
Sa Grade 11-section 2, Orion, si Dylan.
Mahilig sa mahihirap na sports. Paala lang, MAHIRAP NA SPORTS. Gaya ng, chess, billiards, darts, at higit sa lahat ang Archery. Siya lang ang nag-iisang sumasali sa Archery na sports sa school at naipapanalo naman lagi niya ito. Gold medalist yan sa Archery, wag ka! Ayon sa research ko, gusto niya ang archery dahil gusto niya ang sports kung saan, deep concentration at focus ang kinakailangan. Ang lalim diba?
Sa Grade 11-section 3, Triton, si Edward.
Di man siya matalino pero!
Sobrang cute, ay hindi gwapo pala, ay hindi....
"Gwapo na Cute" na lang para fair. Oo, gwapo siya kung serious at cute naman pag nakangiti. Friendly siya at lagi niya akong binabati kahit di naman kami magkakilala. Nginingitian niya ako na lagi namang nagpapatibok sa puso ko. As in!
Section 1 sa Grade 12, Einstein, si Louis.
Nga pala, ang Grade 11-STEM ay mga constellations ang pangalan ng mga sections samantalang ang Grade 12-STEM naman ay mga sikat na scientists.
Back to our topic na si Louis! Bagay na bagay sa kanya ang pangalan ng first section dahil magmumukhang Einstein the second na siya sa kakabasa ng libro. Di ko lang alam kung ano ang totoo pero ayon sa mga nalaman ko sa pag-eespiya ko sa kanya, mga 5 libro ang nababasa niya sa isang araw. Di ako sure, baka mas mataas pa. Pagbabasa ng libro ang hobby niya at grades naman ang pangunahing priority niya. Kaya nga hangang hanga ako sa katalinuhan niya eh. Kailanman, walang nakakapalit ng pwesto niya bilang 1st honor. His Brain is his Heart, being Smart is being his self, and his grades is his life.
Ang isa pa ay nasa Newton o ang section 2. Siya ay si Kent.
Harly Kent ang totoong pangalan niya pero mas kilala siya sa pangalawang pangalan niya na Kent. Gwapo rin pag seryoso at cute naman pag nakangiti. Pero ito. Ito ang matatandaan mo talaga sakanya.
MAGANDA ANG BOSES.
Grabe! Superb ang galing niya sa pagkanta! Maiinlove ka sa tinig ng boses niyang lalaking lalaki.
Grabe....
Sobrang nakakaturn-on ang galing sa pagkanta niya, trust me.At meron pa!
Ang pagiging mapagmahal at overprotective niyang boyfriend.
Paano ko nasabi yan?
Madali lang....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Dahil.....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Malamang may girlfriend siya. Paano siya magiging boyfriend kung wala naman siyang girlfriend, diba? Ang girlfriend niya ay si Akia. Cute siya, Mabait, Matalino at di naman gaanong mayaman. Half-Japanese siya at laging nasa top. Leader type siya na klase ng babae at inosente. Hindi naman ako masosorpresa na naging girlfriend siya ni Kent. Si Akia naman, hindi flirt at mayabang. Kahit na girlfriend siya ng sikat na lalaki, hindi niya ginagamit na advantage yun sa mga bagay bagay. Tahimik lang siya na babae pero masayahin.At kung wala si Akia, di ako magkakaroon ng crush kay Kent.
Dahil ang pagiging ideal boyfriend ni Kent ang nagtulak sa akin para magustuhan siya.
Author's Note:
He-yo Guys! Andito na ako hehe. Second chapter, check!
Fun fact:
Ang story na ito ay based on real life. Ginamit ko ang sarili para buhayin si Keisha Ann Flores. Siya ang maglalarawan sa akin at ang lima kong crush. Kaya naman, ang mga nababasa niyo na iniisip ni Keisha ay ang kadalasang naiisip ko. At ang mga pangyayari na nandirito ay mga pangyayaring gusto kong mangyari. Gusto ko na dito sa story na ito matupad ang mga gusto ko.
See You Next Chapter!!!!
BINABASA MO ANG
Can You Be My Crush?
Humor"Pero sa kabila ng pagiging Salat sa Lovelife, Mayaman naman ako sa Inspirasyon" Sa panahon ngayon, puro na lang GF o BF. May mga tao pa kayang nagkakaroon ng crush? Kung tatanungin mo si Keisha Ann, isang babaeng umiikot sa mundo ng pagkakagusto sa...