Chapter 5💘: Katangahan

17 1 0
                                    

Keisha Ann's POV:

Hays.... Papaalis na ako ng office ni Mommy nang hinawakan ni Justin ang kamay ko at hinila pababa kaya naupo ulit ako.

"Baliw! Ano ba aalis na ako. Sa lahat ng lugar dito sa campus, ang opisina ni Mommy ang pinaka-ayaw ko sa lahat", sabi ko at kumalas sa pagkakahawak niya.

"Tsk. Bibitawan naman talaga kita eh. Alam kong ayaw mo dito, pero makinig ka nga muna sa sasabihin ko", sabi niya kaya natahimik na lang ako kahit gusto ko na siyang sigawan. Nakakainis kasi eh!\(>o<)/ Gusto ko pang maabutan si Alexa sa canteen. Pero...

Matagal tagal na din naman kaming di nakakapag-usap ni Justin kaya hahayaan ko na nga lang.

"Bakit? Ano ba yun? Nag-away na naman kayo ni Sophia?", tanong ko at mukhang tama nga ako.

Hays.....

Sinasabi ko na nga ba eh. Bakit kasi di na lang hinihiwalayan yang Sophia'ng yan?! Baliw din kasi sa pag-ibig tung kausap ko. Nabulag na ng pag-ibig, di niya makita na wala namang gusto sakanya yung Sophia na yun at pinaglalaruan lang siya. Malandi yung babaeng yun at nananalaytay sa dugo niya ang pagiging maarte. Kaartehan is life na niya.

"Ano na naman ngayon ang pinag-awayan niyo? Don't tell me dahil sa ice cream niyang nahulog o dahil hindi niya mahanap ang blush-on niya", ganun. Ganun kababa ang mga dahilan niya kung bakit lagi niyang inaaway tung si Justin.

"Hindi. Na-late kasi ako kahapon at nagalit siya kasi pinag-intay ko siya. Nakakainis kasi yung traffic eh! Ba't kasi may traffic pa edi sana hindi kami nagtalo ni Sophia kahapon", mangiyak ngiyak na sagot naman niya sa akin.

Hay....

Mahirap talagang alisin ang first love sa puso mo. Ganyan si Justin. Halos araw-araw nasasaktan. Hindi niya man lang nalalaman na pinaglalaruan lang siya ng walang hiyang babaeng yun na kulang na lang ay sunugin ko na dahil sa galit ko. Naawa kasi ako kay Justin.

Baliw ka talaga Justin. Hindi ka na dapat ganyan ngayon kung noon pa lang hiniwalayan mo na siya.

Pero ang totoo....

Mayroong katotohanan na di ko magawang sabihin kay Justin.

"Ginawa ko na lahat pero...
Sabi niya makikipaghiwalay na daw siya sakin. Sawa na raw siya sa laging pagtatalo namin at hindi ko naman daw siya mahal kasi ikaw naman ang lagi kong kasama", nagsimulang magsibagsakan naman ang mga luha ni Justin. Nagulat rin ako. Ngayon pa lang niya nagawang sabihin yun sa pagtatalo nila ni Justin at baka totohanin niya.

Kahit ganyan si Justin...

Ayaw na ayaw kong makita na nasasaktan siya. Kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit. At niyakap rin niya ako sabay iyak sa balikat ko.

Kung nasasaktan ka Justin, di mo lang alam pero mas nasasaktan ako.

Dahil sinisisi ko ang sarili ko. Alam ko kung ano ang pinaggagawa ni Sophia pero di ko kayang sabihin yun kay Justin. Buong alam niya ay mahal niya si Sophia at ganun din si Sophia sakanya.

Pasalamat lang yung walang'yang babaeng yun dahil masyadong understanding ang boyfriend niya at di siya magawang iwan.

Si Justin naman....

Lagi na lang umiiyak, nasasaktan, laging pinaglalaruan at kasabay ng pag-iyak niya ay ang pamumuo ng pagka-guilty sa puso ko.

Sana may magawa man lang ako para sakanya.

"Sana....", narinig kong paulit ulit na sambit ni Justin.

"Sana ano?", tanong ko.

"Wala, wala. Aalis na ako K-Ann. Wala akong ganang pumasok sa klase. Kita na lang tayo sa Lunes. Susunduin kita sa bahay niyo ok?", sabi niya at pinunasan ang mga luha niya...

"S-sige", sagot ko naman. Umalis na siya pero ako ay naiwan sa office ni Mommy.

Nag-isip isip pa ako kung ano ba ang dapat kong gawin...

"Madam Princi-", may biglang bumukas ng pinto kaya napatingin ako kung sino yun. At....

Nagulat din siya na makita ako kaya nagkatinginan kaming dalawa...

"-pal", pagpapatuloy ni Jay-C sa naudlot na sinasabi niya at lumapit sa akin.

Napalunok naman ako agad nang malapit na nga siya sa akin.

Napalunok naman ako agad nang malapit na nga siya sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jay-C, baka sumabog ang puso ko sa kakatibok!(>0<)

"Anong ginagawa mo rito?", tanong niya na may kasamang ngiti. Ay ang friendly niya talaga!!!! Gwapo pa....(>_<)
            
"Ah ano.....", ayan na naman ang pag uutal utal ko! Hay umayos ka nga Keisha! Kausap mo si Jay-C ngayon! Hoy!

"Ay oo nga pala. Anak ka nga pala ni Mrs. President, tama?", tanong niya kaya't nanlaki ang mata ko sa gulat.

"H-ha? P-paano mo n-nalama-"

"Anak ni Mrs. President ang pinag-uusapan. Magpapahuli ba naman ako sa balita? Syempre kailangang malaman ng SSG President yun", nakangiting sagot niya.

Ah ok.. So ganun pala yun...

T-teka....

Anong sinabi niya?!

"Ano?! Ikaw ang SSG President? Wag mo nga akong lokohin. Mapatutunayan kong si Ashley Dela Fuente ang President dahil kasama ako sa SSG", buong kumpiyansang sagot ko.

Luh! Anong pumasok sa isip nito?

Di ko alam na may tama to sa ulo. Akala ko pa naman matalino(-_-)

"Hmmm, ano bang position mo?", tanong niya sakin.

Pinagdududahan ba niya ako kasi di ako naniwala sa kanya? Luh, di ako nagsisinungaling Jay-C! Mag classmates tayo noh, pero di mo yata ako kilala....

Oo, anak ako ng principal subalit!

Di naman kasi ako sikat eh. Di naman kami masyadong nagsasama ni Mommy kaya, iilan lang nakakaalam na anak ako ng Principal.

"Vice President", sagot ko naman at natawa naman siya.

"T-teka ano bang nakakatawa ha? Di ako n-nagsisinungaling noh!", kaloka. Pinagtawanan ka ba naman ng Crush mo? Di ka ba naman mahihiya?\(>o<)/

"Sorry sorry. Nag step down si Ms. Ashley noong isang araw, were you not informed? Siguro dahil absent ka noong Friday", hmmm Friday? Ah absent nga ako.

"Oo absent ako dahil masakit ang ulo ko nun, bakit ano bang nangyari?", Hala. Baka kung may ano anong nangyari habang wala ako. At teka, sabi niya nag-step down si Ashley? Naku, bakit? Hala baka nagalit silang lahat sakin kasi wala na ngang President, wala pang Vice-President? Naging hapunan na walang kanin pala ang SSG last week....(^Δ^)

Baka masibak ako nito.

"Kaya pala di mo alam na ako ang pinalit na President"

Ha?!

"I-ikaw?! Ano?!"

Patay..... Edi lagi na kaming magsasama nito.....(0_0)

Author's Note:

Hahahaha ang drama sa umpisa tapos puno ng kalokohan ang sa hulihan. Pagpasensyahan na lang po si Ms. Author.....

Masyado kasing nasobrahan sa inspirasyon kaya't iba iba na ang nasusulat ko.... Mwahaha(^_^)

Also as an Announcement:

From this chapter on, i will put Exo videos at the multimedia! Yehet! Dahil Exo-L si Keisha, dapat Exo na Exo din ang story diba? Kaya watch out for more videos😜 The first video that was in this chapter is Exo-The Eve Dance Practice.

Can You Be My Crush?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon