Alexa's POV
Habang kumakain kami ni Jay-C, di ko maiwasan ang pagngiti.
"Hey, why are you smiling?", natatawang tanong niya sakin kaya umiling na lang ako.
"Before I forgot, kamusta pala yung graded performance niyo kahapon?", tanong niya.
"Yung Spanish Dish? Hmm I got 97", sagot ko pero nagulat ako agad nang makita ang ngiti sa labi niya.
Ineexpect ko sanang pagsabihan niya ako nang: "Try harder next time" o "Not enough" gaya ng dati pero ngayon.....
He seems contented?
"Hindi kasi talaga ako marunong ng Spanish dishes kaya wala akong naitulong sayo"
Tama naman yun. Sa pagkakatanda ko kasi, Italian food ang specialization ni Jay-C dahil sa Mommy niyang Italyana.
Nagulat ulit ako dahil sinisi niya ang sarili niya? The Jay-C I knew would never blame himself and would rather hurt others just to be on top.
He changed a lot.
I can't help but fall again....
Teka teka Alexa.
Hindi. Ganitong ganito rin yun dati. Nahulog ako sa isang maginoong Jay-C pero sinalo ako ng isang Jay-C na hindi ko nakilala.
Hindi, hindi pwede. Ngayon lang sya ganyan.
Ngayon lang.....
Habang iniisip ko yun, hindi ko napansing napakapit pala ako ng mahigpit sa mantle.
"Alexa, okay ka lang?", tanong niya habang inaalala ang kamay kong nakahawak sa mantle.
Shit. Napabitaw ako agad pero nang bitawan ko ito, nahulog naman ang kutsilyo sa paa ko!
What the freaking fudge?! Alexa!!!
"Alexa! You're hurt....", aniya at lumuhod sa harap ko.
Ah kabanas! Nahiwa ang hinlalaki ko sa paa. Nakasandals kasi ako, kung sana ay nag shoes na lang ako kanina edi hindi sana ako nasaktan!
Kinalas niya muna ang sandals ko at tinignan ang sugat ko.
It looks mild though....
"Hindi naman seryoso pero mukhang di ka makakalakad niyan. Punta muna tayo sa hospital para magamot agad"
Pero pinigilan ko siya. Grabe naman, ang liit ng sugat nato para ipaospital.
"Wag na please. O-okay lang naman ako Jay-C eh...", medyo mahapdi lang pero makakalakad din naman siguro ako.
"You sure?", tumango ako bilang sagot.
"Fine. Pero kailangang lagyan ng kahit band aid man lang yan. No, I think betadine would be better"
Haysss eto na naman tayo sa kaOAhan niya. Napangiti na lang ako sabay iling.
Keisha's POV
Hayyssss kapagod!!!
Kabwisit yung Jay-C na yun. Di na kita crush, wag ka! (*~*)
Ang sakit ng katawan ko huhuhu (°__°)
"K-Ann?", narinig ko ang isang pamilyar na boses sa likod ko habang naglalakad sa hallway. Yung asungot pala
(-_-)+"Justin, gulong gulo na ang utak ko tsaka ang sakit sakit na rin ng katawan ko. Please lang, wag mo nang dagdagan", halos magmakaawa na ako sakanya.
Pero ang loko ngumiti pa.
"Mabuti nga yan sayo, K-Ann. Ang tamad mo naman eh. So, whatever President Garcia is ordering you, exercise mo na lang yan. Tumataba ka na rin pala oh", tumawa pa siya. Wow sarap kutusan eh!
"Ah ganun? Eh kung utusan niya akong bigwasan ka, sasabihin ko bang warm up lang yun?", kainis to (-___-)+
"Chill, K-Ann. Masyado kang hot, sarap mong yakapin. Tiglamig pa naman", aniya at kinindatan ako.
Tinignan ko lang sya ng masama at pinakita ang kamao ko.
"Gusto mo pati halik pa eh. Dito nga lang", sabi ko pero nagulat nang hinila niya ang kamay ko at hinalikan niya nga (0___0)
"BWISIT KA TALAGA JUSTIN WILLS!!!", sabi ko at pinaghahabol siya nang magsimula siyang tumakbo.
"Oh Keisha Ann?", natigilan ako nang may tumawag sakin.
Paglingon ko, wala namang tao.
Shocks! Multo ba yun?! (O_O)
"Justin may multo!!!!!", sabi ko at naunahan pa siyang makalabas sa hallway at kumaripas sa hagdan.
Oh my gosh, oh my gosh, takot na takot ako!!! /(>0<)\
Hindi ko na namalayang nakauwi na pala ako. Bwahahaha(^0^) Ang bilis ko pala kapag natatakot.
"Maam Keisha! Maam Keisha!", shocks..... Siya ba ulit to? (*_*) Wag mong sabihin na sinusundan ako ng multong yun pati dito sa sala?!!!!?!?!!
"MAAM KEISHA!"
"Ay mult-"
Pero nagulat ako nang may kamay na tumakip sa bibig ko. Tinignan ko kung sino iyon at nakita si Manang. Shockssss akala ko multo na naman (^~^)
"Shhhhhh", napakunot ako ng noo sa inaaasta niya.
"Bakit po?", bulong ko nang kinuha na niya ang kamay niya.
"Ang Mommy ay Daddy mo. Nag away na naman", nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Manang. Pilit akong ngumiti.
"I-imposible naman po ata yan Manang"
"Narinig ko. Nagtaasan sila ng boses at mukhang ikaw pa ang pinag uusapan nila", hindi talaga sana ako maniniwala kung hindi lang sa narinig ko.
"WHAT?! He's calling off the engagement?!! Why the hell!"
Sigaw ni Mommy yun ah.
"I don't know!", sagot naman ni Dad.
"This can't be! I've already chosen a man for my daughter to marry and it seems that they're fine about it. And now, he's interfering again?!"
Ang pinag-uusapan ba nila ay tungkol dun sa engagement ko na gustong palitan ni Lolo? So, matutuloy talaga?
Paano yun? Paano si Justin? Paano ang partnership ng Wills Group at ng pamilya namin?
Hindi ba't para rin naman sa pera ang engagement namin ni Justin? Eh ano pang kailangan ni Lolo?
"Go talk to your father and change his freaking mind, Steve! I can't believe this!"
"You know I can't just do that. What Dad wants, Dad gets! You try and talk to him if that's what you really want, Laurelle!"
Pumasok na lang ako sa kwarto ko nang tinatabunan ng dalawang kamay ang magkabilang tenga habang umiiyak.
Hindi na ako bata. Naiintindihan ko na ang mga bagay na to at alam kong hindi naman ito nakapagtataka pero....
Ayaw ko lang tanggapin ang katotohanang matutulad rin sina Mommy sa buong pamilya namin. Separated and Lonely. I can't accept the fact that they will change.
Edward's POV
"What?!", napatayo si Dylan sa upuan niya matapos ang paliwanag ni Kent. Ako naman ay di makagalaw sa upuan ko.
"Kent that's not how you deal things, dude....", sabi ko pero mukhang final na talaga ang desisyon niya.
"Kent.....", ani Dylan.
"I'm sorry. Alam kong masyado itong mabigat na gawin para sa inyo... Don't do it if you won't guys", tumahimik muna kami ni Dylan at nagkatitigan.
I sighed.
"Fine", sabi ni Dylan at umupo.
"Alright we'll help dude. Pero siguraduhin mong dito ka sasaya kung hindi, ako mismo ang tatapos ng buhay mo", sabi ko at nakitang ngumiti naman si Kent.
"Thanks dude. I'm sure about this"
Ngumiti ako sakanya pero deep down.....
Hindi ko alam kung bakit parang may sumasaksak sa puso ko. This is shit.
--------------
BINABASA MO ANG
Can You Be My Crush?
Humor"Pero sa kabila ng pagiging Salat sa Lovelife, Mayaman naman ako sa Inspirasyon" Sa panahon ngayon, puro na lang GF o BF. May mga tao pa kayang nagkakaroon ng crush? Kung tatanungin mo si Keisha Ann, isang babaeng umiikot sa mundo ng pagkakagusto sa...