Third Person's POV:
Nakaupo si Justin sa sofa ng apartment niya habang patuloy na tinititigan ang cellphone niya.
"Come on, come on please...."
*message*
Biglang nagliwanag ang mga mata niya nang makita na nagreply na si Sophia.
Please. Just stop disturbing me. We ended this nonsense a few days ago so just forget it. Just stop disturbing me, i can't concentrate...
Dismayadong binitawan ni Justin ang cellphone niya nang makita ang reply nito. Mula nung naghiwalay sila, walang oras na di tinatawagan o tine-textan ni Justin ang nag-iisang laman ng puso niya. Ngunit kahit ano man ang gawin niya... Ayaw pa rin ni Sophia sa kanya.
"Nakakainis.... Nakakainis na'to!!!!", sigaw niya habang pinupulot ang cellphone niya at buong lakas na ihinagis ito kaya nabasag ang screen nito pero makikita pa rin ang lockscreen niya. Kaya ang nakikita niya ay ang basag na picture nila ni Sophia.
Umupo na lang siya sa upuan at ginulo ang buhok niya sa inis.
"What am i going to do? Sophia..... Sophia please.... Why are you doing this to me?!", sambit niya sa sarili niya habang sinu suntok niya ang glass na mesa sa harap niya. Di nagtagal ay nabasag ito kaya't nagkasugat siya sa kamay. Bigla naman niyang hiniwalay ang kamay niya mula sa mesa at hinawakan ang ngayo'y dumudugong kamay niya.
"Ugh..... This is so frustrating!", sigaw niya ulit at napahiga sa sofa niya habang patuloy lang na dumudugo ang kanang kamay niya. Maya maya'y di man lang niya namalayan na nakatulog pala siya at napuno na ng kanyang dugo ang sofa......
Keisha's POV
*The number you have dialed is unattended. Please try your call later. The number-*
Walang'ya kang lalaki ka!>:( Ano bang nangyayari sayo?!
Tatlong araw na pero di ko pa rin siya nakikita. Sa school wala, kahit nga pagpunta dito sa bahay di na niya ginagawa(-__-)
Usually, pumupunta siya dito ng weekends para ayain akong manuod ng movies, travel, kumain, basta makipag hang out. Pero Linggo na ngayon at wala pa ring ni anino ng Justin na yun ang nakikita ko. Tuluyan na nga ba siyang nawala sa buhay ko?(*_*)
Hay salamat bawas sa sakit ng ulo!!(^O^)
Di joke lang..... Concern na nga ako eh... Saang lupalop ba lumipad ang uwak na yun?
"Maam kakain na po"
"Ah sige. Susunod na po ako Manang"
"Sige po"
Hayss..... Baka mamaya tatawag din yun. Langya. May gusto pa sana akong ipabigay sa kanya eh. Ipapabigay ko sana sakanya yug gift ko sa kapatid niya kaso di naman niya ako binisita. Kahit tawag o text man lang, wala akong natanggap(-_____-) Humanda sakin yung lalaking yun, sasaksakin ko yun at itatapon sa kanal... Brutal eh?;)
Bumaba na ako mula sa kwarto at nakitang nakalatag na lahat ng pagkain sa mesa. Nakaupo na rin si Mommy at Daddy sa upuan nila kaya umupo na ako sa upuang nasa harap nila. Kahit nasa harap na kami ng pagkain...
Si Mommy humahawak pa rin ng cellphone at tila problemado. Probably about school stuffs(-_-)
Si Daddy may hawak ring cellphone na nakalagay sa tenga niya habang may katawag.
Hays.... Busy as always. Kaya gaya ng lagi kong ginagawa, nauuna na lang akong kumain. Kesa naman pagalitan ko sina Mommy diba? O kaya naman hintayin ko sila. Ano to, hunger strike? One thing you should know about me: i EAT a lot. Basta pagksin, di ako aayaw. Tumaba o pumayat man, kakain talaga ako;)
BINABASA MO ANG
Can You Be My Crush?
Humor"Pero sa kabila ng pagiging Salat sa Lovelife, Mayaman naman ako sa Inspirasyon" Sa panahon ngayon, puro na lang GF o BF. May mga tao pa kayang nagkakaroon ng crush? Kung tatanungin mo si Keisha Ann, isang babaeng umiikot sa mundo ng pagkakagusto sa...