Edward's POV
Hays.... Wala naman akong magagawa... Kakatapos ko lang makipagkulitan kay Dylan sa bahay nila. Actually, ako lang ang nakipagkulit kasi nagalit siya sa 'kalandian' ko daw at pinaalis ako sa kanila. Kalandian ba yun? Eh kung gusto ko lang talagang galitin si Dylan... Hahaha katawa nang mukha niya pag inaasar ko siya.
Pero, sigurado akong magp-practice yun. Tuwing weekends, pumupunta siya sa bahay ng Lolo niya para magpractice dun ng archery niya. Kahit may coach na siya sa school, mas gusto niya paring mag practice sa bahay ng Lolo niya. Sa likod kasi ng bahay ng lolo niya ay may kagubatan kaya nagmistulang training ground na ito ni Dylan sa archery niya, mula na pagkabata niya. Tsaka, archer din ang Lolo niya. Nakasali nga yung Lolo niya sa World- ah basta! International game at kalaban niya ang ibang bansa! Hindi ko talaga forte ang Sports eh... I'm too handsome for that.
Anyway, hindi yun sinasabi ni Baby Dylan kasi Baby talaga siya. Ayaw niyang malaman namin na nagp-practice talaga siya. Hmp. Eh alam na alam naman namin eh. Kahit itago niya, makikita pa rin naming natatakot at kinakabahan pa rin siya tuwing naglalaro.
'Kala niya ha. At kung may nag-iisip man diyan na bakla ako dahil ganito ako kay Dylan, humanda ka. Hindi ako bakla kasi, I'm too handsome for that.
Wala na naman akong magagawa. Wala rin dito ang makulit kong kapatid kaya wala akong kaalitan. Bumalik na naman sa 'bahay' niya eh... Ah basta! Wag na muna natin siyang pag-usapan...
Wala rin si Mama at si Papa kasi umattend ng-ano nga ulit yun? Kasal ata ng 'friend' daw nila. As if. Umiikot lang ang utak nila sa business kaya malabong may kaibigan nga silang dalawa. Business partners, marami. Pero lahat yun peke naman eh. Pagdating kasi sa negosyo, wala kang mapagkakatiwalaan. Akala mo magkaibigan nga kayo, pero di mo alam na baka pagtalikod mo siya pa mismo ang sisira sayo. Natutunan ko yan sa mga pinagsasabi ni Pa- i mean Dad. Ayaw niyang tawagin ko siyang Papa eh.
Makikinig na nga lang ako sa music. Ang tahimik dito sa bahay eh. Pinauwi ko rin lahat ng katulong namin para may privacy at masulit ko na rin ang weekend ko nang walang disturbo. Lagi kasing "Sir" ng "Sir" sakin eh. Kainis. Kaganda ganda ng pangalan ko tatawagin akong Sir... I'm too handsome for that.
Now playing: Don't Go by EXO
What? Di ba ako pwedeng makinig sa Korean na kanta? Di ba ako pwedeng magkagusto sa Korean? Di ba ako pwedeng maging fan ng EXO?
Ano ba kayo? Ang judgemental niyo naman... Gusto ko lang talaga sila. May mga lalaki naman na nagkakagusto sa One Direction eh. Hinuhusgahan niyo ba sila? Wala. Kaya wala rin namang pagkakaiba kung gusto ko ang EXO. Walang pakialaman. Buhay ko'to. Hahahaha.... Pero seryoso, gusto ko ang EXO. As a guy who admire someone of course.
Just to confirm, di ako bakla at ni minsan di sumagi sa isip kong gawin yun kasi nga ITHFT(I'm Too Handsome For That).....
Nasa chorus part na ang kanta nang-
Sino tung tumatawag sakin?! Kainis kung kailan talaga ako nakikinig sa kanta eh....
Hindi ko na lang tinignan ang Caller at inaccept agad. Bahala siya jan. Di ako sasagot hangga't di niya papatayin ang tawag. In short, makikinig lang ako. Kumuha na lang ako ng mansanas na nasa mesa at humiga sa sofa habang hinihintay kung sino ang tumatawag...
(Just so you know, i've already arrived here in Philippines)
Muntik ko nang mailuwa ang kinakain ko nang makilala ko ang boses.
Bakit ngayon pa?
Keisha's POV
Idi-nial ko na ang number ni Mommy at maya maya'y sinagot naman niya ito.
BINABASA MO ANG
Can You Be My Crush?
Humor"Pero sa kabila ng pagiging Salat sa Lovelife, Mayaman naman ako sa Inspirasyon" Sa panahon ngayon, puro na lang GF o BF. May mga tao pa kayang nagkakaroon ng crush? Kung tatanungin mo si Keisha Ann, isang babaeng umiikot sa mundo ng pagkakagusto sa...