Keisha's POV:
"Keisha...."
"Ayoko"
"Keisha sige na please..."
"Ayoko, ano ba?"(-_-)
"Please Keisha please.... Sige na"
"Ayaw ko. Ayaw ko nga sabi eh, ang kulit mo", isa pa at malilintikan ko talaga tung isang to.
"Keisha kahit isang oras lang... Please kailangan ko lang talaga Keisha"
"Ayoko. Marami akong ginagawa"(-_-)
"Keisha naman eh. Wala ka namang ginagawa maliban sa pakikinig sa kanta ng EXO, panunuod ng videos ng EXO, pagtitingin sa mga pictures ng EXO, pagiging fangirl ng EXO eh. Madali lang to promise"
"Aish kahit na! Ayaw ko nga dun sabi eh. Ba't ba ang kulit mo? Ano bang expired na gamot ang nakain mo at ganyan mo kagustong pumunta sa library. Library pa talaga ha? Doon pa talaga sa lugar na ayaw na ayaw mong babae ka. Plus, handa ka pang mangulit sakin para jan. Tsss ang weirdo mo"
"Bakit ba? Dati eh gustong gusto mo ngang pumunta dun. Pinipilit mo pa ako tapos kahit di mo gustong magbasa ng kahit anong libro, nagbabasa ka pa rin para lang sa nerd na yun"
"It's useless to bring up the past", wew Englishera ang lola niyo.
"Weeeeeeee. Ano bang nangyari? Nakita mo na ba ang katotohanang wala ka talagang chance ni isang porsyento dun sa walang modo at nerd mong crush? Good news pala sis eh"
Langya tung babaeng to, sumusobra ka na ah!
"Aray! Ba't mo ko binato ng plastic bottle? Ang sama mo. Pano kung magka bukol ako? Marami ang magluluksa...."
Grabe ang kapal....
"Ang kapal ng mukha mo, ang hangin pa ng utak mo. Ang pakapalan pwedeng tigilan at ang kahanginan pwedeng hinaan?", tssss nakakainis to. Ano bang nangyari sa kanya?
"Loka kang babae ka ah. Ano naman bang nakain mo at ang seryoso mo ha? Mukha ngang ikaw pa yung nakainom ng expired na gamot sating dalawa eh. Diba sabi mo masakit ang tiyan mo? Naku naku, Keisha nababaliw ka na ata eh", may gana pa talaga siyang mang-asar eh noh?
"Wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano!", >:-( Ba't ba naiinis ako???
"Teka ano nga bang nangyari dun sa crush mo? Ikaw ba talaga ang nagligtas dun sa baliw na yun ha?"
Naks di mo lang talaga alam kung ano ang nangyari....
Flashback (Keisha's POV)
"Paano mo ako nakilala? Paano mo nalaman kung sino ako? Sino ka ba ha? I don't remember meeeting someone like you", wow ang lamig ng pagkakatrato niya sakin ah...
"Pasensya na pero di mo ako kilala. Ummm... Ano...uh...n-nakilala lang kita d-dahil dun sa...ano..s-sa mga tao sa baba! Oo! Narinig ko lang pangalan mo hehe", naks nauutal utal na naman ako. Kailan pa ba mawawala tung sakit nato?!(>~<)
"Tsss leave me alone. Mind your own business"
"Hindi pwede yan k-kasi uh....order sakin ng SSG president na pababain ka saka, para din naman to sa kapakanan mo eh. Kahit ano mang problema mo, di naman masusulusyonan yun sa pamamagitan ng pagpapakamatay noh! At t-tsaka marami pang nagmamahal sayo. Iiwan mo lang ba sila? Grabe ka naman. Masasaktan sila!"
"Tsss....what do you know?"
"H-ha?"(O__O)
"Just Forget It. Leave me alone"
BINABASA MO ANG
Can You Be My Crush?
Humor"Pero sa kabila ng pagiging Salat sa Lovelife, Mayaman naman ako sa Inspirasyon" Sa panahon ngayon, puro na lang GF o BF. May mga tao pa kayang nagkakaroon ng crush? Kung tatanungin mo si Keisha Ann, isang babaeng umiikot sa mundo ng pagkakagusto sa...