AND THEY MEET AGAIN

1.7K 34 7
                                        

GENERAL POV

Lumipas ang ilang araw at di na nagkita ang dalawa..

Mukhang natupad ang sumpa ni Yuri a. Hahaha! Di na talaga sila nagkita e..

Pero wag munang pakasaya si Yuri, malay nya, magkita na naman sila sa isang maling pagkakataon…

Pero asan kaya ngayon si Lee???

“Tol, sigurado ka bang ayaw mong sumabay sa akin?? Papasok na ko, ayaw mo magpasa ng resume?” tanong ni Nico

“Ayaw ko brad. Pag-iisipan ko pa.” sabi ni Lee

“Ocge, sabihan mo na lang ako agad. Alis na ko.” Sabi ni Nico at umalis na sya

E anong plano ni Lee ngayon?? Mukhang wala talaga syang planong mag-apply sa iba e.. Papanindigan nya pa din ba ung SM e di nga sya tinatanggap…

“LARA! AALIS NA KO!” paalam ni Lee

“San ka na naman pupunta??” tanong ni Lara

“Sa SM.” Sabi ni Lee

“SM?? Mall?” tanong ni Lara

“hindi. Entertainment.” Sabi ni Lee

“ANO?! DUN NA—“ sabi ni Lara

“Cge na! BYE!!” paalam ni Lee at inalisan si Lara

Walang sukuan to Lee?? Ganun talaga?? Nako ka..

SM BUILDING…

“Dali naman na. wala namang masama kung susubukan nyo ko e!” sabi ni Lee

“Pwede ba? Di nga kasi! Dumadaan sa process ang pagkuha ng magiging employee ng building!” sabi naman ng babae

“Ni hindi nyo pa nga ko pinapadaan sa interview e!” sabi ni Lee

“E kasi nga tinitignan namin ung resume, at after nun dun lang kami magtatawag kung sinong dadaan sa interview!” sabi ng babae

“E bat galit ka?!” tanong ni Lee

“Ang kulit mo kasi! Umalis ka na, pakiusap, madami pa kong ginagawa.” Sabi ng babae

“A HINDI! DI AKO AALIS!” sabi ni Lee

“Tatawag ako ng guard!” sabi ng babae

“Tatawag ako ng pulis!” sabi ni Lee

“AT BAT KA TATAWAG NG PULIS?!” tanong ng babae

“E BAT TATAWAG KA NG GUARD?!” balik na tanong ni Lee

“PARA PALABASIN KA!” sabi ng babae

“O! EDI PARA PALABASIN KA DIN!” sabi ni Lee

“UGHH!!!! ANO BANG—“ sabi ng babae

“Ate Violy, anong problema??” bigla namang may sumingit

“A. Hello Yuri.. Wala po.” Sabi naman ng babae

OO GUYS. Si Yuri. HAHAHAHA!

“A.. ocge, ok ka—“ natigil si Yuri ng mapansin nya si Lee

Napatingin naman si Lee…

LEE: O___________O

“IKAW?!?! ANONG GINAGAWA MO DITO?!” pagsabog ni Yuri

“NAG-AAPPLY!!” sabi ni Lee

“AY NAKO! ATE WAG NA WAG NYO TONG KUKUNIN!” sabi ni Yuri

“HOY HOY! SINO KA PARA SABIHAN SI ATE?!” tanong ni Lee

BUCKET LISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon