GENERAL POV
“UY! Anong nangyayari kay Yuri?!” tanong ni Sooyoung ng makita nyang di ako mapakali
“Nalaman na nya ung totoo.” Sabi ni taeyeon
Sya spokesperson ni Yuri since di sya makapag-isip ng maayos…
“HA?! Anong totoo??” pagtataka ng members
So ayon na, isa isa ng lumalabas ang katotohanan…
Pero teka.. Asan na nga ba si Lee???
“Ung totoong dahilan kaya biglaan lahat ng nangyari. Kung bat biglang naging cold si Lee, kung bat biglang si James ang pumalit si James sa pwesto ni Lee.” Sabi ni Taeyeon
“Ibig sabihin alam ni James lahat??” tanong ni Hyoyeon
“Hindi. Pero sa nalaman kasi namin ni Yuri, halata na sobrang importante si Yuri kay Lee, pero pinalabas nya na ginamit nya si Yuri kahit hindi.” sabi ni Taeyeon
“Di ko magets.” Sabi ni Seohyun
Kaya ayon, kwinento ni Taeyeon ung conversation nila ni Yuri kasama ung Violy..
“E anong plano mo ngayon sis??” tanong ni Hyo
“Di ko alam.” Sabi ni Yuri
“E ano pang ginagawa mo dito??” biglang singit ni Tiffany
“Ha??” pagtataka ni Yuri
“Puntahan mo na si Lee! Mag-usap kayo! Sabihin mo na alam mo na..” sabi ni Tiff
Nagtaka naman ang members ng GG kasi anti Lee si Tiff, pero ngayon, pinupush nya si Yuri na puntahan si Lee..
“Sigurado ako about din dito ang sasabihin nya last night kaso naunahan na sya ni James..” sabi pa ni Tiff
“Pero—“ sabi ni Yuri
“Wala ng pero pero! Puntahan mo na sya!” sabi ni Tiff
“ONGA! GO GIRL!” sabi ni Hyoyeon
Ngumiti naman si Yuri sa kanila at ayon, tumakbo na palabas ng studio…
Bago pumunta ng condo ni Lee si Yuri pinuntahan na muna nya sila Lara…
“Yu—Yuri?! Anong ginagawa mo dito?? Wala si Lee dito.” Sabi ni Lara
