GENERAL POV
“E pano kung ikasasaya mo ung maririnig mo?? Pano kung makabuti sayo? Pano kung ito na ung start para magmahal ka ulit ng walang takot??” singit ni Lara sa mga kapraningan ni Lee
LEE: O_________O
“Onga tol. May point si Lara. Anong mangyayari kung habang buhay ka na lang matatakot dahil sa nangyari sayo 2 years ago??” tanong ni Nico
Ano nga bang nangyari kay Lee 2 years ago?? Bat ba ganyan ang usapan nila??
Kanina ang saya saya nila tas ngayon ganyan kaseryoso..
Nasaktan ba ng babae si Lee noon??
Pero akala ko ba 6months ang pinakamatagal nya??
Pero sa bagay, wala naman sa tagal un..
Pero ano nga kayang dahilan??
“Alam ba ni Yuri ung naging kundisyon mo??” tanong ni Lara
“Hi—hindi.” sabi ni Lee
“Wala kang balak sabihin??” tanong ni Lara
“Wala.” Sabi ni Lee
“Bakit??!” tanong ng tatlo
“Guys, mas mahihirapan ako kung malalaman nya un. Ayaw kong baka sa awa kaya sya magstay sa kung anong relasyon ang meron kami. Isa pa, di na nya kailangang malaman un dahil 2 years na ang nakakalipas. At siguro naman wala ng mangyayaring ganun ulit.” Sabi ni Lee
“Pero di ba may karapatan si Yuri??” tanong ni Lara
“Hayaan nyo na lang akong dumiskarte sa bagay na yan. Wala naman akong nararamdamang sakit e. Wala na. Ok na ok na ko. Impossibleng bumalik un e ilang taon na ang nakakalipas.” Sabi ni Lee
NAGUGULUHAN AKO..
TANGNA..
ANO BA KASI YON?!?!
2 DAYS LATER…
At yes, papuntang Hongkong ang GG ngayon para sa Asian Concert Tour na naman nila..
Pero babalik din sila agad ng Manila after ng concert, yes, sa plane na sila nagpapahinga after concert..
Tas pagbalik dito, kanya kanya agenda sila, depende kung anong nakaschedule sa kanila..
Habang si Lee ayon, naiwang may tanong sa isip nya…
“AARRGGHH!! Ayaw ko na mag-isip!” sigaw ni Lee sabay gulo ng buhok nya
“Hey Dude! You okay?” tanong ni Tyler
“Oo brad. May iniisip lang.” sabi ni Lee
“siguro, it’s chickababes na naman no?? Tama me??” sabi ni Tyler
“Siraulo. Teka, bat ba andito ka? Diba dapat nandun ka?? Tapos na ko sa turn ko e.” sabi ni Lee
“Kalma dude. It’s ok lang naman kung I’m not there, Lander is there naman.” Sabi ni Tyler
“Dude, sa tagal mo sa Pinas di ka pa din nadiretsong magtagalog??” tanong ni Lee
“That’s me dude, I don’t know. Para kasing ang hard magstraight tagalog. So I prefer this taglish na lang. It’s ok naman diba?” sabi ni Tyler
“Ok naman. Wag ka lang nakainom. Medyo nahihirapan akong intindihin.” Sabi ni Lee
Di naman na nagsalita si Tyler..
At para di na maisip ni Lee ung naiwang tanong sa isip nya about sa feelings ni Yuri sa kanya, naisip na lang nya na kung anong pwedeng gawin nila pagbalik ni Yuri..