GENERAL POV
Ehem! May mga inlababo na po..
Pero teka, inlove na nga bang masasabi un???
O sadyang romantic lang si Lee pagdating sa babae??
Pero diba nakilala natin si Lee as ung taong matigas, at walang kinikilala, mapababae man o lalaki?
E bat isang iglap biglang nagbago ang lahat???
Pero teka, ano na bang balita sa dalawa???
Si Lee syempre nasa Pilipinas, habang si Yuri, ayon nasa may Japan. Concert Tour e..
8days din sila dun..
At 8days ding hindi mag-uusap ang dalawa, pero gaya nga ng sabi ni Lee, may baon naman si Yuri na moments nila…
“Oy te! Anong nginingiti mo jan???” tanong ni Hyoyeon kay Yuri
“Ha?? Tss! Wala! To talaga!” sabi ni Yuri
“May iba sayo. Well oo, maganda ka, pero blooming ka e.” sabi ni Jessica
“Blooming tayong GG ano ba?” sabi ni Yuri
“Di e. Iba ung sayo. Parang….. INLOVE KA!?!” gulat na tanong ni Jessica
“H—HA?! Anong inlove?! SIRAULO! Hindi! Tumigil ka nga Sica, kung ano anong naiisip mo.” Sabi ni Yuri
“Seryoso Yul. Iba ka ngayon. Lagi kang nakangiti. Lalo na pagnakatapat ka na sa phone mo.” Sabi ni Sica
“Ay ewan ko sayo. Mabuti pa, tara na at magready na, pababa na tayo at madami ng nakasalubong dun sa harap.” Sabi ni Yuri
“Pssh! A basta, para sa akin, may iba sayo.” Sabi ni Sica at ayon, lumabas na ng plane..
Napangiti na lang si Yuri sa sinabi ni Sica pero napaisip din sya..
Ganun na nga ba kahalatang may kadate si Yuri???
Na pati ibang members e nahahalata ang pagkablooming nya???
Ow well… Fast forward na natin sa hotel…
HOTEL…
“Girls, I’ll give you 2hours para mag-ayos, ayusin ung gamit at ung mga dadalhin nyo then maligo kayo kung gusto nyo, kung gusto nyo matulog ok lang din as long as magigising kayo within that time. Ok??” sabi ng manager nila
“Ok po.” Sabi naman ng mga members..
At ayon, kanya kanya punta ng room na na-assign sa kanila..
Kanya kanya na ding ayos ng gamit…
Habang si Yuri napili namang maligo…
Habang naliligo biglang nagflashback ung dinner date nila ni Lee..
Well, bukod dun nagf’flashback din ung unang kiss nila ni Lee, ung kiss na dare lang, hanggang sa kiss na seryoso na ang lahat.
Napapangiti si Yuri habang naliligo..
Oo guys. Kinikilig sya…
At ang di nya makakalimutan sa lahat…
Ung kagabi… Ung Dinner Date…
Ung romantic dinner date under the moon..
“EEEEEE!!!!” tili ni Yuri sa loob ng CR dahil sa di na nya kayang pigilan ung kilig nya
“HUY! ANONG NANGYAYARI SAYO?!?!” tanong ni Tiffany kasi narinig nya si Yuri
“Ay shet!” sabi ni Yuri pero mahina lang
