GENERAL POV
AYON O! Pumayag na si Lee!
Pano ba yan???
Tuloy na tuloy na itey!
Pero teka, since sure na, anong araw na ba??
Kelan ba sila pwede???
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
“ANO?? OK NA BA TO!?!” tarantang tanong ni Lee kela Nico
“Uhm… Wala ka ng ibang damit?? Palit ka nga.” Sabi ni Lara
“Teka, dude eto o, pwede pa to. Sinuot ko to nung nag acquaintance party kami sa school. Try mo.” Sabi ni Genald sabay bigay ng polo
“Cgecge.” Sabi ni Lee at ayon sinukat na nya
At nung matapos sya, pinakita nya na kela Lara..
“Ano?? Ok na ba??” tanong ni Lee
“Wait. Necktie o.” sabi ni Genald at inayos na ni Lee
“Tol ang sagwa, mukha kang nagbebenta ng sabon na kumakatok sa mga bahay bahay..” sabi ni Nico
“Tangina mo.” Sabi ni Lee
“ahahaha! Seryoso!” sabi ni Nico
“MAgpalit ka ulit. O eto try mo.” Sabi ni Lara sabay bigay ng napili nya sa mga damit nila Nico at Genald
“Napipikon na ko. Seryoso.” Sabi ni Lee pero pumasok pa din ng kwarto nya para magsukat
E kasi guys, ilang oras na lang pupunta na sya sa dorm ng GG..
Oo guys, ngayon na un…
Ilang araw ding nag-ipon ng lakas ng loob si Lee..
Medyo busy kasi ang GG ng ilang araw kaya ngayon pa lang sila magkikita.
2 days bago ang alis ng GG…
Dinner ang usapan nilang oras..
Un din kasi ung oras na free lahat ng members..
Teka, ano ng nangyari kay Lee??
“I QUIT! TANGINA! Bat ba ganito kakumplikado?!” pagrereklamo ni Lee
“AHA!” biglang sabi ni Nico
“Ano?!” iritang sabi ni Lee
“Ano ang sinusuot mo sa club??” tanong ni Nico