Sam

988 35 13
                                    

GENERAL POV

 

“TOL?! PANO NANGYARI UN?!?!” tanong nila Nico kay Lee

“Nangyari.” Tipid na sagot ni Lee

“tangina mo tboom. Umayos ka ng sagot mo.” Sabi ni Lara

“ANO?!” tanong ni Lee

“bat nangyari un?! Bat magda’date si James at Yuri?!?! Anong kagagahan yan!?” tanong ni Lara

“Aish! Pwede ba?! Si yuri at ako, walang something sa amin. Ano ngayon kung magdate ung dalawa??” sabi ni Lee

“Lee wag mong lokohin ang sarili mo.” Sabi ni Nico

“Di ko niloloko ang sarili ko sa ginawa ko. Mas niloloko ko ang sarili ko kung hahayaan kong ganun kami ni Yuri kahit di naman tama.”

“Anong hindi tama??” tanong ni Lara

“Walang tama sa ginawa namin ni Yuri. Lahat ng pagpapanggap na un, wala un. Kasama lang lahat ng deal un.”

“At sa tingin mo nagpapanggap din si Yuri sa mga pinakita nya sayo?? Lee, wag tanga please.” Sabi ni Lara

“Fine. Sabihin na nating totoo lahat ng pinakita ni Yuri. Pero anong magagawa ko??! Di ko na kayang pangatawanan pa ung pagiging date nya. Isa pa, ok na din ung si James ang makadate nya. atleast kilala ko. Isa pa, it’s time naman siguro para sa totoong date ni Yuri diba?? Hindi ung dahil sa deal.”

“Masaya ka ba sa ginawa mo??”

“Oo. Lalo na ngayon at nakuha ko na ung matagal kong gusto.”

“Anong ibig mong sabihin??”

“Ung makapagtrabaho sa SM.”

“ANO?! Tinanggap mo?!?”

“Oo. Bat naman hindi?!”

“E mas lalo mong pinatunayan na ung deal lang ang habol mo kaya ka pumayag na makipagdate kay Yuri!”

“Bakit?? Hindi ba??! Umpisa pa lang naman malinaw na ung usapan namin. malinaw na ung deal namin. tutulungan ko sya na makaexpi ng date, at tutulungan nya kong makapasok sa SM ent. At un na, kinuha na ko, un na din ung oras para itigil namin ni Yuri ung ginagawa namin. Sakto nga at anjan si James. Kahit papano di na mahirap sa aking iwan si Yuri.”

“Tarantado ka Lee..” sabi ni Nico

“Huh??” sabi ni Lee sabay lingon kay Nico

“TARANTADO KA! Sana di ka na lang nagpakita ng kahit na ano para mafall ung tao sayo! Paasa ka!” sabi ni Nico sabay alis

“What the???” sabi ni Lee

“Lee, sinayang mo sya.. Grabe ka.” Sabi ni Genald na dahan dahang yumuko sabay talikod kay Lee at inalis din

Si Lara na lang ang natitira ngayon at si Lee…

“O?? Wag mo sabihing aalisan mo din ako??” sabi ni Lee

“Hindi. bakit?? Gusto mo maramadam ung feeling ng maiwan?? Aalis na ko.” Sabi ni Lara

“Tss.. ewan ko sayo. Jan ka na. Maliligo na ko at may pasok pa ko.” Sabi ni Lee at pumasok na ng kwarto nya

BUCKET LISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon