GENERAL POV
So ano na bang nangyari???
Hmmm.. Mukhang seryosohan na nga talaga ang nagaganap sa dalawa ngayon…
E kay Lee na mismo nanggaling. Seryosohin na nila ung date na ginagawa nila..
Pero… bakit naman kaya??
Baka naman nafall na si Lee??
Hhhmmm… Nakonakonako..
Di natin malalaman yan kung di sasabihin ni Lee ung feelings nya ng straight to the point..
Ilang araw na ba ang lumipas after ng seryosohang halikan na un??
“Tol, problema?” tanong ni Nico kay Lee na nakaupo sa may labas ng bahay nila
“Wala.” Sabi ni Lee
“Weh? Ung totoo? Inlove ka no??” sabi ni Nico
“Gago. Dun ka na nga sa loob.” Sabi ni Lee
“Hahaha! De joke lang. pero seryoso. Anong iniisip mo??” tanong ni Nico
“wala nga.” Sabi ni Lee
“Dude, bata pa lang magkakilala na tayo, at sa tingin mo may matatago ka sa akin??” sabi ni Nico
At oo guys, maniwala kayo sa hindi, magkababata yang dalawa. At isa sa bestfriend ni Lee si Nico. Sadyang may sayad lang si Nico.
“Mayabang ba talaga ako??” tanong ni Lee
NICO: O_________O
Di agad nakasagot si Nico..
“Pano ko ba sasagutin un ng hindi ka nasasaktan tol??” sabi ni Nico
“Ha??” pagtataka ni Lee
“Dude. Truth hurts.” Sabi ni Nico
“TANGINA MO.” Sabi ni Lee
HAHAHAHA! Tangina Nico…
“De, pero dude, alam mo naman sagot jan.” sabi ni Nico
“Pero dude, don’t get me wrong, mabait ka, sadyang mayabang ka lang.” sabi pa ni Nico
“Magugustuhan ba ng babae un??” tanong ni Lee
“Tol naman, di na mabilang mga naging syota mo noon tas nagtanong ka pa ng ganyan.” Sabi ni Nico
“Dude, iba naman kasi ang mga hilig ng babaeng nakarelasyon ko noon, ung nagtagal lang naman ang medyo matino e.” sabi ni Lee
“Dude, gaya ng sabi ko, mabait ka, mayabang ka lang, pero once naman na babae na ang pinag-usapan, well, may kayabangan ka pero gentleman ka naman.” Sabi ni Nico
Di naman sumagot si Lee..