GENERAL POV
Don’t worry guys, month of June pa din, at nagkikita pa din ang dalawa…
Well si Lee pumupunta sa dorm ng GG twice a week after nung boracay nila..
Kasi nga, magiging busy na talaga ang GG ng month of July..
AS IN BUSY!
Pero teka, after ng gabing dramahan ng dalawa, ano na bang nangyari???
Well, naging ok na sila at naging malinaw sa dalawa ung kung ano ba sila..
Napagusapan naman kasi nila ung salitang commitment.
“Ano na naman bang mukha yan??” tanong ni Lee kay Yuri
“E kasi di ko alam gagawin ko sa kotse ko na to.” Sabi ni yuri
“Ha?? Bakit?? Ano ba balak mo?? Ibenta?” tanong ni Lee
“Di no! Ayaw ko nga! Alam mo ung gusto ko ng bago sa mata pero ayaw kong gumastos. Ayaw ko bumili ng bagong kotse.” Sabi ni Yuri
“Edi pacustomize mo.” Sabi ni Lee
“Madalas ko lang naman papalitan jan e ung tires lang.” sabi ni Yuri
BMW kasi ang kotse ni Yuri..
“Yul, mahirap naman atang pakealaman ung ganyang kotse. Jusko. Takot akong magkalikot ng ganyan.” Sabi ni Lee
“Marunong ka?!” tanong ni yuri
“Uhm. Sakto lang.” sabi ni Lee
“WEH?! PANO?! Wala ka kayang kotse.” Sabi ni yuri
“MALAMANG! Baka sa states meron kaming kotse??” sabi ni Lee
“Sorry naman.. e malay ko ba kung drive lang alam mo.” Sabi ni Yuri
“E kasi nung nandun ako, kami nila kuya ung naglilinis ng kotse. Tsaka para di na din gumastos ng malaki, kami kami na lang ung nag-aayos. May mga kilala kasi ung panganay kong kuya na mga nag-aayos ng kotse, sinasama nya ko dun at ayon, natuto din ako mangalikot.” Sabi ni Lee
“Edi kaya mo ding ayusin kotse ko??” tanong ni Yuri
“Ayaw kong pakealaman ung exterior. Hayaan mo ng ganyan ang exterior nya.” sabi ni Lee
“Ang gusto ko namang paayos dito e ung interior. Gusto ko kasi ung malastudio ang datingan ng sound.” Sabi ni Yuri
“E sa timpla lang naman un e.” sabi ni Lee
“E malay ko ba.” Sabi ni Yuri
“Hay nako… Cge nga, magpatugtog ka.” Sabi ni Lee
Kaya ayon, nagpatugtog si Yuri…
Normal lang ang equalizer kaya normal lang na tugtugan.. kumbaga kung pano narecord ung kanta un ang labas nya…
“Ano bang gusto mong mangyari??” tanong ni Lee
“Enhance ng sound.” Sabi ni Yuri