LEE’S POV
“Pwede ba??” tanong ni Yuri…
ANO BA?! Nakonsensya na nga ko sa sinabi ko sayo tas tatanungin mo pa kung pwede?!?!
“A.. E..” sabi ko
“Gets ko ung sabi mo noon. Oo nga naman, di naman dahilan na nagkikita tayo e friends na tayo, pero ngayon kasi, ang weird naman kung nagd’date na tayo tas di naman tayo friends.” Sabi nya ng nakayuko
Ung totoo?? Baliw ba sya?? Pumayag na ko sa kundisyon nya tapos itatanong nya pa yan..
“Uhm. Ano??” tanong nya
O////////O
WAIT! ANG CUTE NYA!
“A. Ok.” Sabi ko tas hinawakan ko ung kamay nya
Bigla naman syang ngumit..
Napangiti na lang din ako..
Hanggang sa naisipan na naming umuwi. Inihatid ko sya syempre at nakataxi.. Wala naman kasi syang dalang kotse.
Pero bago pa sya bumaba…
“Wait.” Sabi ko sabay hawak sa kamay nya
“Hm??” lingon nya
“Ano. May nakalimutan akong ibigay..” sabi ko
“ano un??” tanong nya
Kinuha ko sa bulsa ko ung papel..
“O. Ung part 1 ata ng bucket list mo.” Sabi ko
“Ay. Oo nga pala. Uhm. Salamat, pero dahil sa nakita mo na iibahin ko na to.” Sabi nya tas ngumiti naman ako
“Cge, uwi na ko.” Sabi ko naman
Di na ko bumaba nga taxi.. Baka may makakita pa.
“Cge, salamat ulit. Uhm. Text na lang kita kung kelan ulit?” tanong nya
“Hm. Cge.” Sabi ko
Hanggang sa umalis na ko…
Lumipas ang mga araw at di na kami nagkita ni Yuri, naging busy din kasi sya. Puro practice ata sila ngayon dahil sa may concert sila sa Thailand naman..
Pero everyday, everynight, basta lagi kaming magkatext.
Well, kung ano anong pinag-uusapan..
Mag-uumpisa sa tanong na kumusta ang araw mo, at magtatapos sa goodnight bukas ulit..
Ganun lagi..
Kadalasang oras na magkatext kami e lunch time hanggang hapon, e kasi naman umaga busy sya, umagang-umaga practice agad, tas break lang ng lunch, then balik ng practice, tapos by 7 naman ako naman ang busy, kasi nga sa club. Tas magtetext na lang ako sa kanya pag break ko. Ganun..
Kung tatanungin nyo kung nagkakakilala na talaga kami, well nalampasan na namin ng onti ung getting to know stage. Pero on the process pa din un, di pa ulit kami nagkikita at di ko alam kung gaano sya kakulit talaga sa personal..
Nung unang date kasi halata namang nagkakahiyaan pa, tsaka nangangapa pa kami sa isa’t-isa. Sa text, dun ko masasabing nagkakagaanan na kami ng loob, pero pag personal ulit?? Di ko alam kung magiging gaya kami sa text. Ung madaming napag-uusapan..
Di ko naman sya gaanong pinupuyat, lalo na at maaga syang nagigising. Kaya pag 12 pinapatulog ko na sya. Kaso ayaw nya, hinihintay nya pa kong makauwi bago sya matulog talaga..
Oo, aaminin ko sweet sya. Pero malay natin. Isa pa, tinutulungan ko lang syang matupad ung bucket list nya. Un lang un. Sweet sya…. Ok na un.
Well, speaking of bucket list, before sya pumunta ng Thailand, gagawin namin ung sunod sa listahan nya… Tatlo daw ung balak nya sa araw na un.
