LEE’S POV
“DEAL?”
O_____________O
“DEAL?”
“You help me fulfill my bucket list, and I will help you na makapasok sa SM as sound engineer.”
O_____________O
“HUY! TBOOM!” gulat ni Lara sa akin
“AY PUNYETA!” sigaw ko naman
“Hahaha! Anyare sayo?? Bat tulaley?” tanong nya
“wala.” Sabi ko
“Sus. Nagsinungaling ka pa. at sa akin pa talaga a.” sabi nya
“Wala nga kasi. Teka, wala ka bang pasok? Anong oras na andito ka pa din.” Sabi ko
“Maya na, wala pa namang customers e.” sabi nya
“Tss. Jan ka na nga, maliligo na ko.” Sabi ko
“Hoy. Tboom, wag kang magtago sa akin, kilalang kilala kita.” Sabi nya
“ano na naman??!” tanong ko
“san ka galing kagabi?? Bat sobrang late mo naman ata.” Sabi nya
TAENA NAMAN. Lahat na lang napapansin ng babaeng to..-_________-
“Wala ka ng pake dun. Isa pa, sa club lang naman ako—“ sabi ko
“E bat di ka naman daw nakita nila Nico?? Dapat nga daw sasabay umuwi un sayo, kaso nung tinanong ka sa kaibigan mong DJ, maaga ka daw umalis.” Sabi nya
Ok. Fine. Huli na.
“Wala, tumambay lang kung san.” Sabi ko
“E bat tulala ka? Anong namgyari sa pagtambay mo?”
JUSKO!! ANG KULIT MO LARA!!
“teka nga, may alam ka ba??” tanong ko
“Bakit? May dapat ba kong malaman??” tanong nya pabalik
LECHE. Tinatanong, ibabalik naman sa akin.-__________-
“Wala! Jan ka na! Ang kulit mo. Nakakabadtrip.” Sabi ko sabay alis na
Jusko. Wala na kong kawala pag di pa ko umalis dun. Kilala ko si Lara. Di un titigil hangga’t nasa harapan nya ko.
Pero may alam nga kaya si Lara?? Alam nya kayang nagkakasama kami ni Yuri??
Pero wait.. Speaking of Yuri…
Alam ko curious kayo…
Kung pumayag ba ko…
GUSTO NYO BA TALAGANG MALAMAN???
EEEE! WAG NA!>_______<
Importante ba un?!
EISH! OK FAYN! Sasabihin ko na…
Sinabi ko sa kanya na…
“PAG-IISIPAN KO.”
OO. Un ung sinabi ko.. PAG-IISIPAN KO..
O?? Bakit?? Masama??
Di naman siguro masamang mag-isip muna..
Guys, wag nyo kong gerahin. Oo, idol na un, oo artista na ung nag-ooffer ng ganun. Pero kasi.. UN NA NGA!
ARTISTA!
Ang laking gulong papasukin ko kung papayag ako.. Pangalan ko nakasalalay. Ako mismo ung nakasalalay pag pumayag ako. Madami akong haharapin, madami syang haharapin. Isa na jan e un, ang dami daming gwapo at deserving na lalaki sa showbiz industry pero bat sa isang tibo pa sya makikipagdate?? Di sa binababa ko ung sarili ko, pero alam ko naman kasi kung kanino ako babagay, at hindi un kay Yuri. Hindi ako babagay kay Yuri. Alam ko position ko.
