FIRST ANNIVERSARY

320 2 0
                                    

FIRST ANNIVERSARY~

"Sometimes, you just love the person so much that being with her for a whole year feels like a second. Because you look at her and see like it's the first day."

12-01-2011

Before 2 months, I started thinking and preparing what to do for our 1st anniversary. Kinakabahan ako. Ano kayang magandang gawin? Di ko alaaaam. >.< It was my first time kasi na mag-surprise sa Anniversary e. Tinulungan ako ni Ate Athena para mag-isip ng idea. At nagtanong tanong din ako sa mga kaibigan ko. At ayun kanya-kanyang suggestions.

And ako ganito yung naisip ko. Gawan ko siya ng kanta (Nakakakilig naman siguro yun diba?) So I started writing and composing.

Ang hirap naman pala. 1 week ata bago ako nakakuha ng magandang tono for my first song I will do for her. So this is it.

Nagtataka siya kung bakit sobrang tagal ko magtext, kaya dinahilan ko na lang e nag-guitar lang ako at kung ano-ano pa. At heto na.. Yehey! After 1week. Finally! Natapos ko na din sya. ^__^

Excited naman ako syempre. Balak ko sana kantahan ko nalang siya while playing the guitar. Pero baka pag nakita ko na siya makalimutan ko na ang mga lyrics at magkamali lang ako, so I decided to take a video na lang for this. Infairness ah, ang hirap pala mag-record.

My next plan is to give her a ring. E pano naman? Basta basta ko na lang ibibigay? Yh sagwa naman nun. XD Basta makakaisip din ako. Can't wait for that day.^///^

Okay malapit na, inaayos ko na ang lahat ng balak ko for our anniversary. Gumagawa ng mga poem, nagpaprint na rin ng pictures naming dalawa at mga chuvanes na kailangan. (Haha) Yh malapit na talaga. Excited nako. :) At..

Wew Anniversary na namin! ^_____^ Parang kelan lang nung nililigawan ko pa lang siya. (Diba? Hihi) I'm so happy na umabot kami ng 1year and I know mas magtatagal pa kami. Forever and ever, amen! :D Tinext ko na siya para igreet ng Happy Anniversary and nag-speech na naman. (Haha) When I woke up tinawagan ko siya and greeted her again. Naririnig ko yung mga kasama niya na sumisigaw, naiiyak daw si Audrey at kinikilig. (Ako din naman ah! :D)

Nung nasa school na, I'm planning to do my first surprise to her..

First surprise ko for her, i gave her chocolates, her favorite chocolates, a small card and 1rose. Pinabigay ko lang yun sa nalate niyang classmate na si Kams. (Buti na lang late siya. Peace.:P) Akala ata niya yun lang ibibigay ko sa kanya. Pwedi ba naman yun? (Syempre hinde!XD) After niya nareceive yung mga pinabigay ko, nagtext siya agad saying thank you and I love you with kilig face. ^///^

Second surprise ko for her is to give my another gift. Nagpatulong ako sa mga barkada ko para mabigay ko ng maayos yun. Pero malayo pa lang kami nakita na kami ni Audrey ko. (Akala ko bang malabo mata ng babaeng 'to? Haha)

Pumunta na kami sa covered court kasi dun sila nagkaklase. PE class nila. Tapos pumunta kami dun malapit sa place nila.

May kanya-kanya kami ng hawak ng card na may nakasulat na letter H A P P Y A N N I V E R S A R Y per card. Parang gusto niyang tumayo sa kinauupuan niya kaso nagka-klase sila, kaso bawal e. Yung mga kaklase niya, nagsisinyalan, nakangiti at kitang kita mo na kinikilig din sila. (Haha) Nagform na kami at sumigaw ng Happy Anniversary.

Yung mga batang naglalaro nakatingin sila samin at binabasa yung nakasulat at sumisigaw ng HA-PPY A-NNI-VER-SA-RY, HAPPY ANNIVERSARY! Ilang beses nila sinigaw yun. (Parang kasabwat ko din sila e. Haha) Lumapit ako kay Audrey at mabilis na binigay yung gift ko sa kanya and greeted her a Happy Anniversary and said I love you. At tumuloy na lang kami dun sa canteen para di halata dun sa prof niya. ^__^V Napakasaya niyang tignan ng mga oras na yun. Mga ngiti niyang nakaka-overwhelmed. :''>

My First TimeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang