Chapter 5: Their Threat

282 16 1
                                    

CHAPTER 5: THEIR THREAT

MAYA's POV

Nandito kami ngayon sa may Mc Do dahil nagyaya si Cindy kasi nagugutom na naman daw siya.Alam ko kanina pa ako pinapatawa ng mga kaibigan ko pero talaga hindi ko magawang tumawa dahil sa nangyari sa akin kaninang umaga.

FLASHBACK

Pagkagaling ko kanina sa canteen dahil nga tiningnan ko muna nang isang sulyap si Renz dahil nga isusumbong na namin sila sa mgateachers. Naglalakad na ako pabalik ng classroom ng mapadaan ako sa may likod may bigla na lang nanghila sa akin at isinandal niyaako sa may pader at tinakpan ang bibig ko, tiningnan ko siyang maigi at pagkita ko si Renz kasama niya ang tatlo niyang kaibigan na nakatayo sa likod niya. Nanginginig na ako sa takot dahil may trauma na ako sa ganitong pangyayari dahil nung bata pa lang ako may kumidnap sa akin. Idagdag pa ang masasamang tingin nilang apat sa akin na para bang napakalaki ng kasalanang nagawa ko.

"Tatanggalin ko itong kamay ko basta't huwag kang sisigaw." sabi niya at tumango na lang ako.Tinanggal niya na yung kamay niya.

"B---Bakit anong kailangan niyo sa akin?"

"Hindi lang sa iyo pati na rin sa mga kaibigan mo." nagulat ako nung sinabi ni Stephen yun.

"Bakit anong nagawa namin?" bigla niyang sinuntok yung pader , kaya napaupo ako at nakatakip sa ulo ko dahil natatakot na talaga ako.

"Huwag ka ngang mag maang maangan hindi ba nakita niyo kami kahapon na nakikipag away kahapon sa mga students?" Oo nga pala yun siguro yung tinutukoy nila.

"O--oo nakita namin kayo at mamaya sasabihin namin sa mga teachers ang nakita namin." nilakasan ko ang loob ko sa pagsasabi noon,pero talaga natatakot na talaga ako.

"Ha? isusumbong niyo kami ,tingnan lang natin kung kaya niyo." sabi ni Mark na nakangisi.

Lumapit sa akin si Renz at sinabi niyang " Subukan niyo kaming isumbong sa mga teachers at magdudusa ang mga magulang niyo at babagsak ang mga gusali at kompanyang pagmamay-ari ng mga magulang niyo kahit pati ang university na ito, pakisabi na rin sa mga kaibigan mo ha." Umalis na sila pagkasabi ni Renz noon , nakaupo pa rin ako dito at hindi ko maitayo ang sarili ko dahil nanginginig pa rin talaga ako.

Natakot talaga ako noon nung sinabi niya na pati mga negosyo at hanapbuhay ng mga magulang namin eh madadamay kung kami ay magsasabi sa mg teachers ng nakita namin tungkol sa kanila. Mahal na mahal namin ang mga parents namin kaya hindi namin makakayanan na makita silang namomobrelema kaya dapat sabihin ko kin Cindy , Liah at Rea ang tungkol dito. Pero hindi ako makatayo kaya pinilit kong makatayo, nang makatayo ako tumakbo na ako papunta sa classroom at doon ko na nakita sila Cindy , Liah at Rea.

END OF FLASHBACK

"Huy! Maya kanina ka pa namin kinakausap." Bugaw sa akin ni Liah.

"Kanina ka pa nakatulala diyan ah , may iniisip ka ba?" tanong ni Rea.

"A--AH eh wala naman."

"guys eto na yung mga order niyo."

"Ah salamat cindy."

"sige na Maya sabihin mo na sa amin ang dahilan."Panimula ni Cindy.

"Ok guys, eto na Please wag na natin sila isumbong sa teachers ha."

"Eh bakit nga?"

Love Rides in a Melody (Very Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon