Ch. 01

149 4 3
                                    

---

Chapter 1

Warren's POV

"Hello hearty, good morning!" Nakatalikod pa lang ako, narinig ko na ang boses ng pinakamamahal kong girlfriend. Hearty talaga tawag niya sa akin. You wanna know why? Kasi nag exchange kami ng hearts nung sinagot niya ako 2 years ago. At nagpromise kami sa isa't-isa na kahit anong mangyayari, di kami maghihiwalay. Ok, aaminin ko, ako yung nagbitaw ng promise na yun, kasi gusto ko siya na talaga. Sabihan niyo na ako ng kahit ano, pero ganito talaga ako, expressive na tao.

Pagharap ko sakanya, ang ganda ng ngiti niya. Well, maganda talaga siya. Kaya nga ang swerte ko, kasi sa dami ng manliligaw niya, ako yung sinagot niya. Niyakap ko siya since namiss ko siya ng sobra dahil hindi kami masyadong nagkita nung vacation.

By the way, Warren nga pala. Warren dela Cruz. I never imagined my life like this. Tama nga siguro sila, popular na nga talaga ako. Malayo na nga talaga ang narating ko. Actually, simple lang naman ang gusto ko e, yung i-enjoy ang HS life ko with someone I really love, my girlfriend.

You wanna know kung paano nagsimula yung lovestory namin? Okay. Kahit ayaw niyong malaman, ikukwento ko pa rin. Hehe.

Second year niya ako sinagot. September 26, 2010 yun, 1:16pm. Tandang-tanda ko pa. Niligawan ko siya pagstart na pagstart ng SY. Freshmen pa lang kasi kami, na love at first sight na ako sa kanya. Maganda siya at mabait. Pero hindi nakikita ng iba yung kabaitan niya. HEY. Di pa kaya nila lubusang kilala yung girlfriend ko. Duh. Di ko pa siya agad niligawan nung first year pa lang kami kasi nahihiya pa ako. New student kasi ako dun. Popular kasi siya sa school, sossy. Ganon. Natatakot ako na baka hindi niya ako sagutin. Classmates kami nun, at sobrang swerte ko kasi magkatabi kami sa classroom. Tracy delos Reyes name niya. Bukod sa maganda siya, ang sweet ng boses niya. Madalas kaming nagkukwentuhan. Oo, dinadaldal ko kasi siya. At marami rin akong nalaman tungkol sakanya. Kakabreak lang pala nila nung boyfriend niya, I mean ex pala. Tinanong ko kung saan nag-aaral yung ex niya, dun pala sa school ko dati. At ang dahilan ng pagbebreak nila ay dahil bad boy yung ex niya at parang hindi nag-aaral ng mabuti, kaya ayun hindi pa pwedeng maghs. First bf niya yun. At siguro, first love niya. Hindi ko alam. Well, hindi ko pa alam. Umiiyak siya habang nagkukwento sa akin nun, halatang nasaktan talaga siya. E dapat kasi di niya na lang sinagot, e di sana ako yung first bf niya di ba? Haha.

"HEY. Hearty! I missed you!" sabi ng girlfriend ko. "Oh hello, hearty! I missed you, too.  Kamusta ang vacation? Sobrang namiss talaga kita." Haha. Nagsabi na nga ako ng 'I missed you, too', meron pang 'Sobrang namiss talaga kita'. 

Oo, ganon ko siya namiss. Hihi.

Mamaya ko na ipapagpatuloy yung lovestory namin, ha? Magta-time na kasi eh. Baka malate pa kami. Bawal pa naman malate, lalo na ako. Hindi magandang ehemplo na ang isang katulad ko, na President ng HS Dept. ay malelate sa unang araw namin sa eskwela.

"Tara na, hearty! Punta na tayo sa classroom. Iniintay ka na nung mga admirers mo dun." Sabi ko kay Tracy. Haha. Hindi big deal sa amin ang magtuksuan. "Sus. Baka ikaw kamo ang hinihintay ng mga secret admirers mo dun." kinurot ko yung pisngi niya. Oo, ganon kami mag-asaran. Nagsimula na kaming maglakad papuntang classroom. Bawat daanan namin, nakatingin sa amin. "Hey, ayan na sila oh. Nainlove nanaman sa'yo." ngumiti siya sa sinabi niya. Pabulong niyang sinabi yun. Pagtingin ko, yung group of girls na nagbigay sa akin last year ng mga chocolates. Ngumiti din ako. Sabi ko nga inyo, di big deal yung mga ganung pangyayari.

Pagpasok namin sa classroom, may sumigaw: "Mabuhay ang bagong kasal." Natawa kami pareho ni Tracy. Sabi na eh. Si Rocky yung sumigaw. Kahit kelan talaga... :') Si Rocky yung kasabay kong lumipat sa school neto. Actually, tatlo dapat kami kaso di nakagraduate yung isa naming tropa. Si Nick. Bulakbol kasi. Wait. Hindi kaya yun yung... EX NI TRACY?! Di na kasi namin masyadong pinag-usapan yun dati eh. Ayoko na rin itanong kasi PAST IS PAST, di ba? Pero wala naman sigurong masama kung itanong ko, kasi girlfriend ko siya, at di na rin naman siya siguro apektado, sana.

"Okay, class. You may now take your recess." sabi ng teacher namin.

Sabay kaming nagrecess. Lagi kaming sabay. Sa pagpasok, sa pag-uwi. Parang magbestfriend kami, ganun ang turingan namin. Kasi maganda yung may friendship na nabuo dun sa magkasintahan. Lalim nun ah. Pangit naman kasi pag 'jowa' yung term di ba? Di ko rin alam kung tama yung spelling eh. Haha.

"Bakit parang ang ingay banda dun, hearty? Baka may away na. HEY, YOU'RE THE PRESIDENT! DO YOUR JOB! Go hearty! GOO." Haha. Ganyan yang girlfriend kong yan! Pumunta na kami dun sa mga mukhang nagkakagulo. Ang daming tao. Pero nung nakita nila kami medyo naggive way sila. Nagulat ako. Huwhat? Nagtransfer na pala si Nick dito.

"Tropa." Oo. Yun yung tawagan namin nila Rocky at Nick, tropa.

Nagulat yung mga tao kasi magkakilala kami. Kaya ba nagkakagulo yung mga tao kasi gwapo siya? Tss, halos mga babae kasi yung mga nandun eh. At yung iba, kasama boyfriend nila. Waa. Feeling ko bad boy pa din siya.

"Oy, Nick! Dito ka na pala mag-aaral! Wow! Magkakasama nanaman tayo nila Warren!" Si Rocky yung nagsabi nun. Siguro naintriga rin dahil marami ngang tao. Ngumiti lang ako. Tapos nag-alisan na rin ang mga tao kasi nagring na, so ibig sabihin, time na. Aww. Di kami nakakain. Pati yung gf ko. Lagot. -.-

Bumalik kami ng room, at binigyan ko siya agad ng cookies na kinuha ko sa bag ko. Kasalanan ko kung bakit di siya nakakain ngayong recess.

Tracy's POV

"Hello hearty, good morning!" Magandang bati ko kay boyfie kahit di pa siya nakatingin sa akin. Tapos paglingon niya, hinug niya ako. Parang ang daming thoughts sa mind niya, yun yung nafefeel ko. Bakit kaya? "HEY. Hearty! I missed you!" I missed him so much! Di kasi kami magkasama nung vacation. Napaaga yung pagluwas ko. Tapos late na rin ako nakauwi. Ngayon lang talaga kami nagkita. -.-

"Tara na, hearty! Punta na tayo sa classroom. Iniintay ka na nung mga admirers mo dun." Sabi sa akin ni Warren. Ang cute niya talaga manukso. Haha.  "Sus. Baka ikaw kamo ang hinihintay ng mga secret admirers mo dun." May pagganti. Hihi. Kinurot niya ako sa pisngi. Aww, cute niya talaga. Habang papunta kami ng room, naiinis ako. Ang daming nagtitinginan sa amin. "Hey, ayan na sila oh. Nainlove nanaman sa'yo." Pabulong ko tong sinabi. Ngumiti ako kunyari na mukhang hindi nagseselos, na parang wala lang. Pero nakakainis yung mga babae e, kung makatingin, wagas. Sarap anuhin yung mga mata nila e. Errr. OK, ang bad ko, selfish. Di naman ako selosa talaga pero sumusobra na e. Lalo na yung group of girls na yan. Akala nila nakalimutan ko na, duh. Sila kaya yung mga babaeng  nagbigay ng chocolates kay Warren dati, badtrip.

Ok, recess na, gutom na ako.

"Bakit parang ang ingay banda dun, hearty? Baka may away na. HEY, YOU'RE THE PRESIDENT! DO YOUR JOB! Go hearty! GOO." Sabi ko, since siya na yung President ng HS Department simula ngayong school year na ‘to. Nung naggive way yung mga tao pagdating namin, nagulat ako sa nakit ko. Si EX. Si Nick. OMG, bakit kaya siya nandito?

“Tropa.” Sabi niya kay Warren. Tropa ba sila? Naku. Bakit ba kasi siya lumipat dito? Ang awkward.  Di pa sumasagot si Warren, biglang dumating si Rocky.

"Oy, Nick! Dito ka na pala mag-aaral! Wow! Magkakasama nanaman tayo nila Warren!" Sabi ni Rocky, tropa ni Warren. Wait, siya ba yung sinasabi niyang tropa niya na di nakagraduate nung elementary sila. Oh, wait. EX ko yun e. Nakwento ko na  sakanya pero alam niya kaya na si Nick nga yun?  Sana hindi, para di talaga maging awkward. Pero, pero, pero, sabihin ko na lang kaya, malalaman rin naman sooner or later. Wala na rin naman e. Past is past. Pero, pero, pero…

Switch (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon