Ch. 31

65 2 0
                                    

Sorry po natagalan! :)

Chapter 31

Chapter 31

Nick's POV

"Ang sarap ng luto mo, babes." Hahaha. Kaloko ko.

"Nung ilang araw na nakalipas. . Best. Tapos kanina, YAM. Tapos ngayon, Babes. Hmm. I smell something fishy." Tapos ngumiti si Rocky. Haha. Ramdam niya na yun. Tropa eh. Para-paraan nanaman men.

"Thank you. Pero don't call me babes, best. Imba." Cute ni secret girlfriend. Dati-rati, kami lang yung nagsasabi ng word na 'Imba'. Haha. Nahawa na ba siya sa amin? K. Maganda nga yun eh. :3

Wait. Kami lang ata ang maingay. Anyare kay Tracy at Warren? LQ? A, ewan.

Eto naman kasing si Tracy, hanggang ngayon, ang arte arte pa rin. Buti pa 'tong si Jessie, kahit saan pumunta, okay lang. Asawang-asawa nga ang dating. Eto yung babaeng kasama kong pupunta sa altar balang araw. Tandaan niyo yan.

"Hoy! Sabi mo masarap yung luto ko. E ba't nakatunganga ka dyan?! Ituloy mo na nga ang pagkain." Ang cute niya talaga pag nagagalit.

"Eto naman. Saglit lang po. Iniisip ko pa nga kung ano na kaya tayo 10 years from now. Mag-asawa na siguro tayo non, no?" Sabay kindat. Haha. Ano ba tong sinasabi ko?

"Tigil-tigilan mo nga ako." Sabi niya sa akin. "..Tayo na lang nandito oh. AT HINIHINTAY NA LANG PO KITANG MATAPOS DYAN SA PAGKAIN MO. Kaya please, wag mo na akong paghintayin pa, kung hindi, ikaw ang maghuhugas." Eto talaga. Ang KJ. Future na nga iniisip e. Pero teka, bibilisan ko na ang pagkain. Ayoko kayang maghugas, never ever.

HEHE. Tapos na po akong kumain, pero dahil mabait ako at kasama ko tong taong to, ang taong mapapangasawa ko pagdating ng panahon, syempre sinamahan ko na lang siya. Nagsiakyatan na kasi silang lahat eh. Di ko naman siya pwedeng iwan? At ang dilim pa. No. No way. Sasamahan ko talaga siya.

Talaga naman oh.

Ang ganda. Ang ganda ganda talaga niya.

Kung papapiliin ako ngayon kung si Tracy o si Jessie, walang duda, si Jessie ang pipiliin ko.

May something kasi sa kanya na parang...

WAIT. Di ko maexplain. Basta. Alam niyo yun? Ang ganda niya pero hindi yun in a way na nag-aayos. Minsan nga napagkakamalan nilang tomboy to kasi kung manamit, pang lalaki. E kasi nga walang arte sa katawan. Effortless ang kagandahan, kumbaga. Ganon.

Kitams.

Pati ata ikaw nabibighani na.

Pero paprangkahin na kita. Akin yan! Ako ang nauna sakanya kaya please, wag ka nang umepal pa. :3

Ano ba yan. Nagiging selfish na ako.

Ano ba kasing pinakain sa akin ng taong to?

Hayyyyyyyyyyyyyy!

Walang duda. Inlove na talaga ako sa BESTFRIEND KONG TO!

Aish. BESTFRIEND.

Tsss.

Kahit ipa-LIE DETECTOR TEST NIYO PA AKO. Di ako nagsisinungaling.

This is the girl I want to spend my life forever.

'Will you marry me?' 

Switch (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon