Ch. 06

29 0 0
                                    

Chapter 6

Jessie's POV

Papunta ako ng information board ng mapansin kong sinusundan niya ako. Oo, si Nick nga, si Mr. Bad Boy.

"Sinusundan mo ba ako?" medyo inis yung mukha ko. Badtrip. Hanggang ngayon ba mangungulit pa siya? Ha? "Hindi." tapos ngumiti siya. Hey, nang-iinis ba siya? Nakita niya na ngang bad mood ako e. All because of him. Okay nalang ang nasabi ko at nagdiretso sa paglalakad. Bv.

Nick's POV

Saan kaya pupunta tong babae na to? Wait. Baka mapansin niyang sinusundan ko siya. Sasabihin ko na lang na magpapatour ako kasi hindi ko pa naman kabisado tong school kasi nga bago lang ako. Tama. Yun na nga lang. Lumingon siya bigla. "Sinusundan mo ba ako?" medyo inis yung mukha niya habang sinasabi to sa akin. Duh, akala ko ba matalino to. Di ba obvious? Haha. "Hindi." sabi ko nang nakangiti. Sarap niyang asarin. Haha. Kyut kyut niya talaga. "Okay." mahina niyang sabi tapos nagdiretso sa paglalakad.

"Hoy. Eto naman di mabiro." Ngumiti ulit ako. Yung parang nagpapacute, ganon. Eh gusto kong malaman kung mahuhulog siya sa patibong ko eh. Ganon ako kainlove sakanya. Ganon ako katiyagang kulitin siya. Kasi ngayon ko lang to naramdaman eh. Tinamaan na nga talaga ako sakanya. Yuck. Ano ba tong pinagsasabi ko. Dapat di niya muna malaman na may gusto ako sakanya. Magpapakabadboy ako, para astig tingnan. Di ba?

"Samahan mo naman ako. Itour mo naman ako dito sa school. Dali na. Pls." hinawakan ko siya sa kamay. One point.

Bigla niyang tinapakan yung paa ko. Aww. Aba nakaramdam ang gaga. Sakit din yun, men. Ouch. Ouch.

Warren's POV

Niyaya kong gumala si hearty sa campus. Free time eh. Minsan lang to. Haha.

Malayo pa lang, may nakita akong parang nag-away, na parang nagkukulitan, na parang nagkakatampuhan dun banda. Tinuro ko kay hearty. At yung facial expression. o.O ano daw yun? Haha.

"Sila ba?" tanong ko kay hearty. "No. Si Jessie kaya yan. Di pa yan nagkakaboyfriend. Puro aral nga di ba?" Ay oo nga pala. "E sino yung boy sabi ko?" Ok. Malabo po yung mata ko sa kaalaman ng lahat. "Si. Si. Si..." Hala. Ba't di niya matuloy tuloy? Lumapit kami. President ako di ba? Bawal ang mga nag-aaway sa campus. On the go.

"Haha. Si Nick pala." Di pa kami nakakalapit sakanila pero naaninag ko na. Oh men. Sa dinami-dami, si Nerdy pa. Haha. Good luck, bro.

Switch (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon