Ch. 27

32 0 0
                                    

Chapter 27

Warren's POV

At dumating na nga ang araw na pinakahihintay ko. September 26. Second anniversary namin ni hearty. Sana maging masaya siya sa mga hinanda kong surpresa. Namin, I mean. Maaga kaming pumasok. Mabuti na lang at hindi nakalimutan ni Rocky, kasi lagi tong late pumapasok eh. Thanks tropa.

Bumili ako ng roses dun sa flower shop malapit dito sa school bago ako pumunta dito. Bale 3 yun. Ako yung hahawak nung isa, tapos si Rocky, tapos. . WAIT! Isa pa? Konti pa lang ang nasa school. Sino kayang pwedeng mahingan ng favor? Nakita ko si Jessie parang may hinihintay. Pero wait, sino muna kasi ang hahawak nung isa pang rosas?

Tapos ayun. Dumating si Nick. Okay, siya na lang. Sana pumayag siya. Sana. Tropa, pls.

Tumakbo ako papalapit sa kanya, yung way niya papunta kay Jessie. Ayoko sana silang istorbohin pero kailangan eh. Papasok na si Tracy, kailangan nang makapaghanda. Tapos yun, sinabi ko na nga kay Nick, pumayag siya. Narinig ni Jessie yung usapan namin, at nagsuggest siya na bakit di na lang sa stairs gawin yung pagsosorpresa. Maganda rin yun. Umakyat na kami tapos pinapasok nila ako ng room. Sabi nila sila na daw ang bahala eh. Thank you, batchmates.

Di ko alam kung ano yung gagawin nila pero ako naghanda na rin kasi gusto ko siyang kantahan bago ko ibigay yung rose. Yung kanta sana namin. Prinactice ko na yun kagabi eh. Pero kinakabahan ako. Sana maging masaya siya kasi ako, sobrang saya ko na umabot kami ng ganito katagal.

Jessie's POV

Wow. Second anniversary na pala ngayon ng pinakasikat na couple dito sa school namin. Nagpatulong siya kay Nick sa pagsurprise kay Tracy, pumayag naman si best. Hey, bf yun ng ex niya di ba? Ang awkward. Pero okay lang siguro kasi tropa sila. Ewan ko kung ano ang feeling ng ganon. Besides, di pa naman ako nagkakaroon ng lovelife at mukhang hindi naman magkakaroon so ba't ko pa poproblemahin, di ba?

Pero gusto kong makatulong para maging mas memorable tong anniversary nila. Aha. Sinabi ko kay Warren na pumasok na siya sa room nila at kami na ang bahala. Since parami na ng parami yung pumapasok. Kinonchaba namin sila. So lahat ng students parang nasa gilid, tapos nung dumating na si Tracy, para siyang ikakasal. Siya yung naglalakad dun sa gitna. Nakita ko siyang ngumiti. Masaya siya. Sino ba namang hindi sasaya e boyfriend mo yung pinakagentleman at pinakamabait na lalaki dito sa school? Swerte talaga.

Tracy's POV

Di niya ako sinundo ngayon. Medyo late na nagising pero di naman ako siguro malelate.

HAPPY SECOND ANNIVERSARY SA AMIN NI HEARTY! <3

Pagpasok ko, ang daming tao. Ok, alam nila lahat na anniversary namin. Nagulat ako. Paakyat ako ng stairs, ang daming tao pero nasa gilid lang talaga sila. Napangiti ako. Pakulo kaya ito ni Warren? Haha. Hearty talaga. Lagi nalang ako sinusurprise. Kaya mahal ko yung taong yun eh.

Dun sa labas ng classroom namin may dalawang boys. Si Rocky at si Nick. Binigay nila yung roses. Okay. No big deal. Hehe. Friends na kami di ba? 

Tapos bigla kong naalala na tuwing monthsary namin ni Nick dati, laging may roses. 5 roses to be exact. I love you so much daw meaning nun. Anyare sa 'I love you so much' niya? Parang load lang? Nag-expire agad. Kfine. Wala na yun sa akin no. Naalala ko lang, masama ba yun? Pwede ba.

Ok. Anniversary namin ni Warren. Siya ang dapat intindihin ngayon. Nasaan na nga pala yun? Oh well. Pumasok na ako ng room. Then nakita ko siya. May hawak na rose. Pag tingin ko sa board, 'Happy Second Anniversary, Hearty'. Tapos may maraming pusong nakadrawing. Aww! Ang sweet! Warren. Please. Tama na. Kinikilig na ako ng sobra-sobra. Maraming tumitingin sa window. Ok, para silang nanunuod ng palabas. Nakakaloka. Di ko mapigilang umiyak lalo na nung kinanta niya yung theme song namin. No, kanta niya pala para sa akin, sabi niya.

Forevermore.

"You were just a dream that I once knew. I never thought I would be right for you." Awww!

Iyak parents. Eto yun eh! Mahal na mahal ko tong taong to. Niyakap ko siya. Then I said: "Thank you. Thank you for everything. Thank you for making me happy.. always." yun na lang yung sinabi ko. Kasi sobrang saya ko talaga.

Nagulat ako, pumasok na si Rocky sa room pati yung mga classmates namin. Ok time na.

Si Nick nag ok sign kay Warren. Oh well, he's not that bad boy na pala talaga. Nagbago na siya.

Dumating na rin yung teacher namin. Ngumiti siya sa amin tapos ginreet kami. Oo nga pala, di pa nabubura yung nasa board. Haha. Nahiya ako pero 'Thank you, Ma'am.' yung sinabi ko. Wait, ba't ako mahihiya? Duh, pinaghirapan kaya yun gawin ni hearty ko. Hekhek. Ang swerte ko naman sakanya.

Switch (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon