Ch. 03

49 1 0
                                    

Chapter 3

Nick’s POV

“Nasaan na kaya siya?” Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko. Grabe, ngayon lang ako nagkaganito. Feeling ko siya na ang karma ko dahil sa ginawa ko kay Tracy e. Oo, alam ko naging unfair ako sakanya pero pinagsisisihan ko na lahat yun.

Hi. Ako nga pala si Nick. Nick Chua. Mabait naman ako, pag tulog nga lang. Hahaha. Mr. Bad Boy ang bansag sa akin ni Tracy, ex ko. First girlfriend, pero hindi ko masasabing first love. Maganda siya, maporma. Medyo naging popular ako sa dating school namin nung nalaman nilang girlfriend ko ang pinakasikat na estudyante sa kabilang  school.  Lagi ko siyang sinusundo tuwing pauwi kami. Lagi kaming nagtatawanan. Kaibigan lang talaga ang turing ko sakanya, ewan ko kung bakit ko siya niligawan. Trip ko lang. Basta  lang. Kung ano lang ang maisipang gawin. Pinanindigan ko na lang yungg pagiging ‘boyfriend’ ko sakanya since nag-eenjoy naman ako . Duh, popular dre, popular. Big deal yun sa akin lalo pa’t chick boy ako. Haha.

Nung grade 6 naging kami. Ang babata pa namin no? Well, ganon talaga.  Naging pabaya ako sa studies ko, kasi wala lang ulit. Trip ko lang ulit. Di ko ineexpect na hindi ako makakagraduate sa pagpapabaya kong yun. Kailangan ko pa mag-ulit ng isang school year para makagraduate na ako sa Elementary.

Dream school namin yung school nila Tracy. Sobrang sikat kasi, alam mo naman ako, basta usapang sikat, goooooo naaaa! Tatlo kami sa tropa. Ako, si Rocky at si Warren. Si Rocky, gusto niya din kasi kung saan daw kami, dun din daw siya. Tama kayo. Gaya-gaya. Si Warren naman, maganda daw talaga dun. Marami daw matututunan. Oo, ganon yun. Hindi siya masyadong sikat sa amin dati kasi nga ako yung sikat. Pero binalitaan ako ni Rocky nung kelan na si Tracy at Warren daw. Alam naman ni Warren na may girlfriend akong sikat dun pero di niya siguro alam ni Tracy yun. Xie kasi tawag ko dun minsan e.  Di niya pa nameet kasi nga wala siyang pakialam. Kinagulat ko talaga na marunong pala manligaw ang mokong. At nakakagulat nga kasi EX ko, alam niya yun.

Hep hep hep. Pag-usapan na nga natin yung kanina ko pa hinahanap. Nasaan na ba kasi yun. Alam ko kasi dito siya sa school nila Xie nag-aaral e. Sure ako, kasi marami na akong napagtanungan about sa kanya.

Alam niyo ba kung saan ko siya nakilala? Sa school namin nung elementary pa kami.  Dun kasi dinaos yung parang labanan ng mga may brains. Okay, gagawa na lang ako ng paraan para maging meant to be kami. Hihi, talandi ako. I know. Nakakabading. Lumalambot na ata puso ko.

Di ko alam name niya. Di rin kasi alam nung mga napagtanungan ko, basta familiar yung mukha niya sa amin, yun na yun.

Habang inaalala ko yung mga pangyayari noon, may bigla akong nabangga. Aww. Nakakainis, kahit sino pa to, humanda to sa akin. Eto nanaman ako, pinairal yung pagkabadboy ko. Di ko maiwasan, ang sakit kaya, ba’t kasi di marunong tumingin sa dinadaanan. Badtrip. Napaluhod pa ako. Aba aba, ang dami pang books na dala, tapos di nag-iingat. Ano ba yan. Stupid.

Pag-angat ko ng ulo, parang nag-iba yung mood ko. Parang nakakita ako ng anghel sa ganda. SIYA. Siya yung hinahanap ko. Siya nga, hindi ako nagkakamali. Siya yung sinasabi ko sa inyong matalinong laging pinapadala ng school nila para isabak sa mga laban-laban. Kaya pala ang daming books na nalaglag, siya naman pala yung nagmamay-ari nung mga libro. Nerd nga talaga, pero iba yung impact niya sa akin. Kakaiba. Ginayuma ba ako ng taong to? Tiningnan ko yung ID niya. Chance na to, tsong. JESSIE FERNANDEZ. A, yun pala ang name niya. Now I know.

Pagpasok ko sa room, pinakilala ako ng teacher namin as a new student.  At dahil sinuswerte ako, nakita ko agad siya. Wow, classmates ako. Mas matanda ako sakanya. Ahead DAPAT ng isa pero dahil sa kapabayaan ko sa studies ko, ayun, bumalik pa sa pagiging grade 6. Pero thankful pa din, kasi magkabatch na kami. Everything happens for a reason talaga. Ang saya lang.

Nung pagpasok ko, bago ako ipakilala, may nilelecture pa yung teacher. Kaya pala naniningkit yung mata niya, nandun kasi siya banda sa likod e, farsighted siguro. Malabo na mata nun, for sure. Kaaral siguro.

Pinaupo ako malapit sa place niya. Actually, may pumapagitna lang sa aming dalawa. At yung classmate pa namin na yun, pasaway. Laging lumilipat ng upuan, so lagi akong tumatabi sakanya since then. Lagi ko siyang kinukulit, pero walang epekto, feel ko.

Hindi ko alam kung bakit subsob na subsob siya sa pag-aaral, samantalang ako, pa-easy easy lang sa life.

Switch (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon