Ch. 15 - 18

26 0 0
                                    

Chapter 15

Jessie's POV

Ang aga kong nagising ngayon. Buti naalala ko na kailangan ko pang magsulat ng mga possible games.

Math Relay.

Treasure Hunting.

Quiz Bee.

+ others. .

Pwede na yan. Magtatanong-tanong na lang rin ako mamaya sa iba.

So, naligo na ako, naggayak at pumasok na sa school.

Pagpasok ko, nakita ko si best. No, di ko muna siya tatawaging best. Bad Boy. Ok ok. Akala niya nakalimutan ko na. Nakakatakot kayang sumakay sa motor tapos ganon pa siya magpatakbo? Tss. Tapos kung makangiti siya ngayon. Iih, sarap tanggalin yung ngipin isa-isa e. 

Chapter 16

Nick's POV

3 days na akong hindi pinapansin ni Best, ni secret girlfriend. Ok. Wala kayong pake kung yun yung tawag ko sakanya. E hindi naman niya malalaman eh. Ang manhid kaya nun. Tinawag ko na ngang YAM na nangangahulugang You Are Mine, kinindatan ko na, wala pa rin effect. Pero infairness ha, kinilig ako nung niyakap niya ako nung isang araw. Ay? Kelan nga ba yun? Basta nung bago niya ako hindi pansinin. Nung hinatid ko siya sa bahay nila nung gabi. Okay, di niya sinasadya yun, alam ko naman eh. Pero ako yung nananadya. Haha. Binilisan ko talaga yung pagpapatakbo ng motor para yakapin niya ako ng mahigpit. Wala namang problema sa akin yun kahit higpitan niya pa ng sobra-sobra. Perfect night with the perfect girl I want to share my life with. Sus. Ano ba tong pinagsasabi ko makatulog na nga.

Good night.

Hayst. Hindi ako makatulog. Ano kayang gagawin ko para pansinin niya ako ulit? Wait, ano nga bang kasalanan ko dun? Ano ba naman to. Nagiging weirdo na ako huh. Basta gagawa nalang ako ng paraan para magkausap na kami. Alam ko na. Sasali na lang ako sa mga games nila sa Math Week. Matutuwa yun sa akin kasi nakikipagcooperate ako, di ba? Hoy, sagutin niyo naman ako. Mababaliw na ako dito eh. Help.

Chapter 17

Warren's POV

"Ayos. Tapos na. Pwede nang magstart ang Math Week. Yes!" Tapos nag aja move siya, si Jessie. Ang cute rin ng batang to.

"Tama. Tara, maglista na tayo ng mga players para sa mga games para matapos na to at wala ng isipin pa." sabi ko sakanya.

"Ako na lang ang kukuha nung sa 3rd and 4th year." habang nakaraise yung hand. Haha. Ang cute talaga.

"May magagawa pa ba ako e nagvolunteer ka na. Haha. Go!" tapos nag apir kami at pumunta na sa mga classrooms.

Hindi ko masisisi kung bakit si Jessie yung nagustuhan ni Nick, bukod sa maganda na, mabait at matalino pa.

Hey. Wala akong gusto sakanya ha. Mas swerte kaya ako kasi si Tracy delos Reyes yung girlfriend ko. :3

Chapter 18

Jessie's POV

Naks. Close na kami ni Warren. Haha. Pumunta na muna ako sa 4th year classrooms para kunin ang names ng mga players. Nagvolunteer yung GF ni Warren. Si Tracy. Naks ha. Tapos ang dami ring iba pang nagvolunteer. So, ang bilis natapos. Thank you, Lord. Mababait pala sila. Hehe. Wala kasi akong pakialam sa mga taong to noon eh.

Pag punta ko sa classroom namin, tumayo si Bad Boy. Ok, bad boy pa rin tawag ko sakanya. Hindi na ako galit. Haha. Trip ko lang hindi pansinin bakit ba.

"Hi best." sabay ngiti. Ngumiti na ako. Haha. Ok. Yun na yung sign na bati kami though di naman away yung nangyari sa amin. Nainis lang ako sakanya. Haha.

Tapos yun, ang dami ring nagvolunteer. Thank you, classmates. Di ako masyadong nahirapan. Si Warren kaya? Kaya niya na yun. Idol ko yun eh. Haha. 

Switch (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon