Ch. 02

56 2 2
                                    

Chapter 2

Tracy’s POV

Matutulog na sana ako nang bigla kong naalala ang mga nangyari kanina. Grabe, hindi ko talaga ineexpect  na lilipat siya dito. Bakit kaya? Infairness, gwapo pa rin siya. Siyang siya pa rin. Bad boy look, bad boy pa rin, I guess.

Mag-iisang taon na SANA kami kung hindi lang niya ako binreak. Hindi ko alam ang gagawin non, sobrang sakit. First love ko siya. And akala ko, hindi na kami maghihiwalay. Napakapihikan ko sa lalaki. Maraming nanliligaw sa akin, pero ewan ko ba kung bakit sa bad boy ako nagkagusto.

Siguro ganon lang talaga. May mga boys kasi na sa una lang seryoso, pero ramdam ko naman na sineryoso niya ako, sana. Kasi kung hindi, lagot siya sa akin.

At yung reason kung bakit niya ako binreak? Tssssss. Nafall daw siya sa isang girl na hindi niya kilala. ERRRR. To think na sobrang tagal ng relationship namin? Bakit pa niya pinatagal? Baka nga hindi siya nagging seryoso sa akin, bakit ko ba naiisip ang mga bagay na ganito? At sino kaya yung babae na yun? Ayokong magkimkim ng galit pero  nakakainis kasi e.

At eto pa. May nakapagsabi sa akin na kaya lang raw ako  niligawan ni Mr. Bad Boy, I mean Nick, ay dahil sikat ako sa school namin, e kasi nagmomodel ako. At pinagtitiisan lang raw ako kahit masama ang ugali ko. HEY. Yun kasi yung tingin sa akin ng iba, na masama raw ugali ko.

NOOOOO. Di ko na dapat iniisip to. Masaya na ako sa boyfriend ko ngayon. At siya yung taong tanggap ang buong pagkatao ko. Sige na, matutulog na ako

Switch (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon