CHAPTER 5

35.1K 901 10
                                    


Menoetius

Naglalakad kaming lahat papasok sa private plane ni Jin nang lingonin kami ni Joseph.

"Tss bilisan niyo nga!  ang babagal niyo naman" Napakunot noo kami ni Baxter at Jin tsaka kami tuloyang pumasok sa loob

"Ni hindi pa nga lumilipad ang isang eroplano papuntang Surigao eh! Excited ka ha? seph?" Inis na sabi ni Jin. Napailing nalang ako.

Hindi ko na sila pinansin pa at tumabi na ng upo kay Baxter sa dulo, nakakunot na naman ang noo niya. Lagi naman siyang ganito.

Huminga ako ng malalim at inisip na naman si Faith. Tsk hindi man lang nag abalang sagotin ang tawag ko, akala ko ba gusto niya ako?

"Anong nangyare?" Tanong ni Baxter sa akin, nahalata siguro na wala ako sa mood.

Nilingon ko siya at inilapit ang mukha ko sa mukha niya kaya napaatras siya.

"Gwapo naman ako tulad ng mga kaibigan natin. Mabango naman ako pero bakit iniiwasan ako ni Faith?" Napanganga si Baxter sa sinabi ko.

What the fuck? why did I said that kind of words? I should've told him. Fuck!

"Alam niyo Bax at Noe, naiintindihan namin ang pagmamahalan niyong dalawa. Hindi niyo kailangan itago" Napalingon kami kay Joseph at sinamaan siya ng tingin.

"Gago" Sabay pa naming sabi ni Baxter.

"Tumahimik ka na kasi Seph, alam mo namang ang kambal ko lang ang gusto niyan" Natatawang sabi ni Daniel habang mag babasa ng magazine.

Umiling nalang ako at sumandal sa upoan, mag iisip pa ako kung paano ko makukuha ang attention ni Faith.

Angel Faith

Habang nag aayos ako ng sarili at nag hahanda sa pag dating nila Noe. Hindi ko maiwasan ang maging masaya at malungkot, masaya kasi makikita ko na ulit siya at malungkot kasi alam kong tatanawin ko na naman siya sa malayo.

Siya kasi iyong tipo ng lalaki na walang pakialam sa babae lalo na pag alam niyang kinahuhumalingan siya ng babaeng lapit ng lapit sa kanya, kaya hindi ko alam kung saan ako lulugar.

Nag pakawala ako ng malalim na hininga habang pinag mamasdan ang sarili ko sa malaking salamin ng kwarto.

Simpling T-shirt, short at simpling tsenilas pambahay lang. Ganyan ako manamit pag nasa bahay lamang.

Nabaling ang attention ko sa pinto ng maranig ko ang katok galing sa labas.

"Anak, nandiyan na ang kambal mo at mga kaibigan niyo. Sumunod ka nalang sa bahay nila Baxter okay?"

"Okay mom" Sagot ko kay Mommy. Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin bago pa ako mag desisyon na lumabas sa kwarto.

"This is it! Smile Angel, Smile." Pagkausap ko sa sarili ko bago lumabas ng bahay at tumawid sa kalsada tsaka ako pumasok sa gate nila Baxter.

"Oh! Hi Faith anak!" Nagulat ako ng bigla akong yakapin ng mommy ni Noe na nasa labas pala ng bahay kausap ang parents ni William.

" Kaliméra tita" 'Good Morning' Bati ko sa kanya ng makabawi ako sa gulat.

Ngumiti si tita at humarap ulit sa parents ni William habang hawak pa rin ang kamay ko.

"Diba mars?  bagay sila ni Noe?" Nagulat ako sa tanong ni tita at natawa naman ang mag asawang Dutch kaya napatingin ako sa kanila.

"Naku mars bagay na bagay nga. Mas okay nga na sila lang din mag kakatuloyan at least kilala na nila ang isa't isa"  Napakurap ako dahil medyo naiintindihan ko na ang pinag uusapan nila kaya naman nag salita ako.

Tiger 2: Menoetius Menoitios (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon