CHAPTER 1

47.6K 1.1K 10
                                    


Angel Faith

"52, 53, 54, 55, 56, 57, 58." 58 Person who entered and exited in this ice cream shop but still there's no sign of Noe.

Sobra naman akong nalungkot, pinaghandaan ko ang date namin na ito. Sa katunayan ay hindi lamang ito ang pagkakataon na nag hintay ako sa kanya, simula pa lamang high school ay lagi na niya akong pinapaasa.

But I don't care, because I love him. Kahit na ilang taon pa ang abutin basta siya ang hihintayin ko ay okay lang. Mag hihintay pa rin ako.

My twin brother says that I'm obsessed, die hard and pathetic. Pero alam ko naman na way niya lang iyon para tigilan ko na si Noe.

Mabilis kong kinuha ang phone ko pouch dahil ng ring ito, at laking tuwa ko na si Noe ang tumawag kaya agad kong sinagot.

"Hey annoying woman?" Oh god! His voice is really good as if I'm in heaven.

"Yes Noe?"

"Malapit na ako, mag hintay ka nalang diyan." Gusto kong tumili dahil sa sinabi niya, at last! makakapag date na rin kami!

"okay, I'll wait here. Na proséchete." (Take care)

Masayang pinatay ko ang tawag at wala sa sariling napatingin sa gawi na malapit sa glass wall, kumunot ang noo ko ng mamukhaan ko ang babaeng nag pupunas sa mukha ng batang lalaki, sa pagkakaalala ko ay isa siya sa waitress doon sa Restaurant ni Noe.

Siya pa mismo ang pinagtanungan ko. Nag madali siyang binuhat ang batang lalaki at nag lakad na kaya sinundan ko siya ng tingin. Pag bukas niya ng glass door ay siyang pag pasok nila Noe at... Baxter? anong ginagawa ng lalaking ito dito?

May pinagusapan sila Baxter at iyong babae, tatayo na sana ako ng makita kong umalis na ang babae at sinundan ni Baxter kaya bumalik nalang ako sa pag upo ko. Naglakad na si Noe palapit sa table at sobra sobra ang kaba na nararamdaman ko.

Ganito ang epekto niya sa akin, halos mawalan na ako ng hininga sa sobrang lakas ng kabog dito sa dibdib ko.

"Bakit hindi ka pa nag order?" Nagtatakang tanong ni Noe na siyang nagpabalik sa akin sa realidad.

Ano ba yan Faith! Umayos ka nga! nasa harapan mo ang Greek God kaya dapat na umayos ka.

"Hinihintay lang kita, shall we order now?" Tumango lamang siya at umayos na ng upo sa tapat ko kaya nag taas ako ng kamay at tiniwag ang waiter.

"Yes ma'am? what's your order?"

"Ice cream, fráoula flavor" Nakita ko ang pagtataka sa mukha ng waiter at narealize ko naman kung anong lengwahe ang ginamit ko.

Ang tanga mo talaga Faith.

"Sorry, what she mean is Strawberry flavor" Napatango tango naman ang waiter at nginitian ako kaya ngumiti din ako, namula pa talaga ang waiter kaya mas lalo akong napangiti na siyang ikinayuko ng waiter.

"Sorry to interrupt that fucking staring session. Can I order now?" Naputol ang pagtingin ko sa waiter at bumaling kay Noe na sobrang irita ang mukha, anong problema nito?

"Yes sir."

"Bigyan mo ako ng kapareha sa kanya" Tumungo ang waiter at nag simula ng maglakad papunta sa counter.

"Lumalandi ka pa eh nasa harap mo na ako, tsk." Medyo nasaktan ako sa sinabi ni Noe, ni isa ay wala pang tumawag sa akin ng ganyan. Hindi ko siya maintindihan.

Tiger 2: Menoetius Menoitios (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon