CHAPTER 10

33.2K 830 7
                                    

Menoetius

Matagal kaming nagkatinginan ni Daniel sa sinabi ko, mag sasalita na sana ako ng biglang dumating si Victor.

"Weirdos. 8pm at Restobar" Nag taka ako sa sinabi ni Victor kaya hindi ko mapigilang mag tanong.

"Anong gagawin natin doon?" Tinignan niya ako ng hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Seriously weirdo? Kasal na si Joseph kaya mag celebrate tayo"

"What the heck?/What the fuck?" Nagkatinginan kami ni Daniel dahil sa sabay kaming nag mura sa sinabi ni Victor.

"Sabay pa talaga kayo ah. By the way, bawal mag dala ng babae" Napangisi ako dahil himala na bawal mag dala.

"Hindi ako pupunta, kakausapin ko si Faith mamaya" Sabi Daniel at akmang aalis na pero humarap ulit siya sa akin.

"Noe, kausapin mo si Faith bago ka pumunta sa Restobar" Tumango ako kay Daniel at tuloyan na itong umalis.

"Anong nangyari kay Faith?" Nag pakawala ako ng malalim na hininga at umiling.

"Misunderstanding"

"Ang hirap talaga humawak ng babae, kaya ayaw ko mag girlfriend eh" Mahina akong natawa dahil sa sinabi ni Victor.

"Pag ang puso na ang umiral, wala ka ng magagawa" Tinaasan ako ni Victor ng kilay at biglang sumimangot ang mukha nito.

"Tsk! Nagiging cheesy ka na, bahala ka diyan" napailing nalang ako dahil akonlang yata ang naniniwala sa pag ibig saming mag kakaibigan.

Balang araw, mahahanap din nila ang katapat nila.

Angel Faith

Nakaupo ako sa kama habang sinusuklay ko ang mahaba kong buhok. Nakatulala akong nakatingin sa bintana ng kwarto habang himihiling na dumating si Noe dito.

"Faith" Napatingin ako sa pinto ng pumasok si mommy at tumabi sa akin ng upo, binalik ko ang tingin ko sa bintana at nag patuloy sa pag suklay ng buhok ko.

"I know you love Noe so much but, baby you're hurting your brother. Sinasali mo siya sa galit mo" Hindi ako sumagot pero nakikinig ako kay mommy.

"Hindi ka naman ganito kalala dati, what happened to you Faith?" Hindi pa rin ako sumagot pero ang mga luha ko ay nag pupumilit na lumabas sa mga mata ko.

Tama si mommy, hindi naman ako ganito noon, hindi naman ako ganito kalala, hindi ko naman nadadamay si Daniel dati, ibang iba ako noon.

"Lalabas na ako, pahinga ka na muna" Mom kissed my forehead. Tinigil ko ang pag susuklay ko sa buhok at pinunasan ang luha ko na hindi ko namalayang lumabas na pala.

"Gusto kong mapag-isa" Sabi ko ng marinig ko na bumukas ang pinto sa kwarto ko.

"So ayaw ako makita ng baby ko? " Nabigla ako at napatingin sa pinto nang marinig ko ang boses ni Noe.

Mabilis kong tinakbo ang distansya namin at niyakap siya ng mahigpit.

"Namiss kita! akala ko, akala ko pinag-palit mo na ako!" Umiiyak ako ng sinabi ko iyon, hindi ko alam kung bakit nagiging OA na ako.

Hindi naman ako ganito ka-emosyonal dati.

"Bakit ko naman ipagpapalit ang baby ko" Pinunasan ni Noe ang luha ko at hinalikan ako sa noo "Stop crying, you look ugly" Natatawang sabi niya kaya sumimangot ako at sinampal siya ng pabiro.

"Pangit ako? kaya pala madali mo akong pinagpalit" Kumunot ang noo ni Noe at biglang umiling kaya yumuko ako.

"Faith, I am doing everything just to work this relationship out okay?" Biglang may pumasok sa isip ko ng sabihin niya iyon, tumingala ako sa kanya at umatras ng isang hakbang kaya nag taka siya.

"Ginagawa mo lang ba ito kasi naaawa ka sa akin?" Hindi nakasagot si Noe, tumalikod ako at pinunasan ang luhang lumabas sa mga mata ko.

"Tell me Noe, ginagawa mo ba ito kasi naaawa ka na sa akin? O baka naman napupuno ka na sa akin kaya mo ito ginagawa para sa susunod na araw sasabihin mong hindi nag work ang relationship natin tapos ay iwan mo ako?" Humarap ako sa kanya at lumapit tsaka ko dinuro ang dibdib niya "Ano Noe? Sumagot ka!"

Umiling ulit si Noe at hinilot ang sintido niya na para bang napupuno na siya sa kakulitan ko.

"Mag ayos ka ng gamit mo, babalik na tayo sa Manila bukas ng maaga. May pupuntahan lang kami ng Tigers ngayon" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinalikan niya ako sa noo at tinapik ang balikat ko bago siya tuloyan na lumabas.

Menoetius

"Nakausap mo ba ng maayos?" Tinignan ko si Daniel sa baba ng hagdan at nilapitan siya.

"Hindi eh, inakusahan agad ako ng kung ano" Naiiling na sabi ko kaya napatingin si Daniel sa second floor ng bahay.

"I don't know what to do with my sister" Tinapik ko si Daniel sa balikat niya kaya tinignan niya ako.

"Ako na bahala kay Faith, aalis na muna ako. Babalikan ko siya dito bukas ng madaling araw" Tumango naman si Daniel kaya nag simula na akong mag lakad palabas ng bahay nila.

Tiningala ko muna ang kwarto ni Faith, nakadungaw siya doon pero sinungitan lang ako at umalis sa bintana kaya napailing ako.

"Stubborn"

----

Sinalubong ako ng maingay at mausok na Restobar sa Alegria, hinanap ko ang table nila Joseph.

"Weirdo!" Lumapit ako kay Jin na may bitbit na beer, "Nasaan sila Joseph?"

"Nandoon sa table natin, hinihintay namin si Baxter. Tara na" Inakbayan ako ni Jin at nag lakad na kami papunta sa table namin.

"Hey man!" Sinalubong ako ni Victor at nag fist bump kami, sumunod naman si Lelantos na may hawak pa talagang Barbie.

"Seriously Lan? hanggang dito ba naman dala mo yang girlfriend mo?" Natatawang sabi ko sa kanya kaya sinimangutan niya ako.

"Upo na nga tayo, ang tagal naman ni Baxter. Umisa pa yata sa Esposa niya" Tumawa kami sa sinabi Jin at uminom ng beer habang hinihintay si Baxter.

Nakita kong tulala si Joseph sa tapat namin kaya nilapitan ko

"Weirdo, maganda ba asawa mo?" Sinamaan niya ako ng tingin kaya tinaas ko ang dalawang kamay ko.

"Tsk! hindi ko nga kilala asawa ko eh" Hindi ko mapigilan na matawa ng malakas dahil sa sinabi ni Joseph.

"Asawa mo hindi mo kilala? what the fuck is that?" Nagulat ako kasi hinila ako ni Victor sa tabi niya at inakbayan ako.

"Kinasal silang hindi nakita ang isa't isa"

"Pwede ba'yon?" Nag kibit balikat si Victor at sumandal sa upoan.

"Ang tagal ni Baxter"

Nilingon ko ang entrance na sakto namang pag pasok ni Baxter

"Ito na! Ang tagal mo naman Baxter"  tumayo ako at tinapik ang balikat niya.

"Malamang matatagalan ako, ang layo kaya ng Placer dito" Paliwanag niya pero tinawanan lang si Jin kaya umupo na ako.

"Wag mo ako lokohin Baxter, sa mukha mo pa lamang ay kita nang nakascore ka sa Esposa mo" Nagatawang sabi ni Victor sabay kindat kay Baxter kaya nakitawa na din ako.

Hindi ko na magawang makinig sa kanila dahil inaalala ko Faith,  kumain na kaya siya? tsk. Matigas pa naman ulo ng babaeng iyon! Kung hindi ko lang siya mahal–wait, what?

"Nasan ang bagong kasal?" Nagising ako dahil sa boses ni Baxter, tinuro ni Victor si Joseph sa hindi kalayoang bahagi ng Restobar.

Umiling ako dahil may kahalikan siyang babae, tinuon ko nalang ang pansin sa barkada at uminom ng beer.

"Lan? kanina ka pa nakatingin sa stage, may type ka sa isa sa kanila?" Nakangising tumango si Lelantos kaya ngumiwi ako.

Creepy.

"Shit weirdo, wag ka nga ngumisi! nakakakilabot" Natawa kaming lahat kasi sinubsob ni Lelantos ang ulo niya sa leeg ni Victor, isip bata talaga.

Tiger 2: Menoetius Menoitios (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon