Angel FaithNakaupo ako sa likod ng bahay namin dito sa Alegria, nag iisip kung ano ang pweding gawin pag dating nila Noe dito bukas.
"Anak? Ang lalim ng iniisp mo ah" Napalingon ako kay mommy ng tumabi siya sakin ng upo.
"Yeah, hmm mommy? Paano na inlove si daddy sayo?" Natawa si mommy at umayos ng upo sa tabi ko. Kita ko sa mga mata niya ang kislap nito, oh my god. My mom is so inlove.
"Hindi naman ako nag hirap na mapansin ng daddy mo anak eh, siya pa nga ang habol ng habol sa akin" Natatawang sabi ni mama na para bang binabalikan niya ang nakaraan kung paano sila nagkakilala ni daddy .
"Talaga mom?" Tumingin ako sa pool habang iniisip si Noe, naalala ko pa nakipag away ako dati sa hotel dahil nag dala siya ng babae doon, sinabunotan ko pa iyong babae. Ang sama ko.
Menoetius
Nag mamaneho ako papunta sa isang animal center pero ang isip ko ay lumilipad sa Alegria. Fuck! ayaw ko pa mamatay sa car crash but I can't help it! Angel Faith is roaming in my fucking mind. Like she's owning it.
Pagkarating ko sa animal center ay nag madali akong bumaba sa kotse at pumasok na agad.
"Miss, where's Dra.Balicha?" Nag angat ng tingin ang secretary ni Dra.Balicha.
She has a greenish eyes and thin lips, blond hair, heart shape face, proud nose and beautiful face. Tinignan ko ang name tag niya sa gilid ng uniform, Angelic Sy pretty name but Angel Faith is the prettiest name for me.
"Lumabas po si Dra.Balicha pero saglit lang naman po kaya pwede kayo sa loob ng office maghintay sir" Magalang na sagot sakin ng secretary, pumasok ako sa office at hindi rin nag tagal dahil dumating na si Dra.Balicha.
"Good Afternoon Mr.Meniotios"
"Good Afternoon Dra.Balicha"
Pumasok si Dra. sa isang kwarto at pag labas niya ay dala na niya si Noegel, Noegel is a Chiwawa, a cute Chiwawa.
I named her Noegel, Noe for my name Menoetius and Gel is for Angel Faith. Perfect name.
"Ayos na si Noegel, pero sana bigyan mo na siya ng mag aalaga sa kanya habang nagtatrabaho ka para hindi na maipit kung saan si Noegel" Tango tango lang ang nasagot ko kay Dra.
May pinapermahan sakin si Dra. tapos ay umuwi na ako sa bahay.
Angel Faith
"Anak, kakain na" Rinig kong sigaw ni mama sa labas ng kwarto, hindi ko alam na nakatulog na pala ako kakaisip kay Noe.
"Yes mom! susunod ako" Pasigaw king balik at tumayo na.
Pag pasok ko sa dining area ay nandoon na sila mommy at daddy kaya umupo na ako sa kaharap na upoan ni mommy.
"Faith?" Napatingin ako kay Daddy ng tawagin niya ako, my dad is a pure Filipino while mom is pure Greek that's why NAGA is my surname.
"Yes dad?" Sagot ko habang kumukuha ng kanin at ulam.
"Are you still into Menoetius?" Yeah right my dad knew that I'm into Noe ever since.
"Yes, why dad?" Sumubo muna si daddy kaya sumubo na rin ako habang si mama naman ay kumakain lang ng tahimik pero alam kong nakikinig lang siya.
"Why don't you try to look at the other men? Why Menoetius?" Bakit nga ba? why him?
"I don't know dad, I love him no doubt about that" Tumango lang si daddy at nag patuloy na sa pagkain kaya tumahimik na din ako.
Pagkatapos namin kumain ay umakyat na ako sa kwarto at naligo, total wala pa naman sila Noe dito sa Alegria, mag eenjoy muna ako at mag hahanda na rin. Sisiguradohin kong maguhulog din sa akin si Noe.
--
Resto Bar, medyo maraming tao at mausok ang paligid. Umupo ako malapit sa stage at tumawag ng waiter tsaka ako nag order ng beer.Habang nag hihintay ako ng order ko ay biglang may umupo na babae sa harapan ko, namumugto yung mata niya like hell!
"Ah miss are you alright?" Hindi siya sumagot at mas lalo pang umiyak kaya nag panic ako, baka akalain ng mga tao dito na pinaiyak ko ang babaeng ito!
"miss, please stop crying" Tumigil siya sa pag iyak at tumingin sakin.
"Panget ba ako?" Natulala ako sa tanong niya, I was like. Eh?
"No miss, you're beautiful. What's your nationality?" Sandali siyang nag punas ng luha tsaka sumagot.
"I'm a Half Taiwanese-Half Filipino but born and raise in Malaysia. How about you? what's your nationality?" Ngumiti ako dahil komportable na siyang nakipagusap sakin.
Dumating ang order ko at inoffer ko sa kanya ang isang beer at tinanggap niya naman.
"Half Greek-Half Filipino, Born in Greece but was raise here in the Philippines" Uminom kami ng beer habang nag uusap, mas maganda na ito kaysa uminom ng mag isa.
"What's your name by the way? well, if you don't mind" Niapag niya ang baso sa table namin at sumandal sa upoan niya.
"Micaella DeAsis, but my real name is Angelic Sy. Actually kakarating ko lang galing Manila. Pinauwe ako eh" Nag taka ako, dalawa pangalan niya?
Nakita niya siguro ang pag tataka sa mukha ko kaya natawa siya ng mahina at umiling.
"Hindi mo maiintindihan kung sasabihin ko sayo, hmm thanks for the night miss. I have to go" Tumayo siya at hinalikan ako sa pisngi bago nag lakad palabas ng Resto Bar.
Menoetius
Papasok pa lang ako ng bahay ni Baxter ay rinig na rinig ko na ang tawanan nila Jin.
"Hey weirdo! Tara inuman tayo" inabutan ako ni Jin ng beer kaya tinanggap ko naman at umupo sa sahig katabi niya at ni William.
Napatingin ako kay Baxter na lutang at nakatulala sa kawalan.
"Hey weirdo! You're floating" Pero hindi niya ako pinansin kaya uminom na ako ng beer. Problema nito?
"Bakit hindi mo puntahan Bax? "Tanong ni Jin kay Baxter pero hindi pa rin siya umimik.
"Oo nga naman Bax, total mother's day naman bukas" Sabi pa ni William, napabuntong hininga si Baxter.
"Hindi pwede sa mother's day, it means uuwi ako sa bahay to celebrate with my family" Umingos kami sa sinabi ni Baxter. Oo nga pala at kailangan namin umuwi sa Alegria.
Nandoon na kaya si Faith? hindi niya naman kasi sinasagot ang tawag ko.
"Kailangan ko pa pala bumili ng regalo para kay mommy" Inis na sabi ni William tsaka dumapa sa sahig. Weirdo.
"Oo nga, Private plane ko nalang ang gagamitin para sabay na tayo" Napipilitang sabi ni Jin, ayaw kasi namin na umuwi doon kasi kukulitin lang kami ng mga magulang namin para mag asawa ng maaga.
Tss, I'm just 29 years old. Still young.
Angel Faith
Nakauwi na ako ng bahay na medyo lasing, pumasok ako sa kwarto at kinuha ang phone ko sa bedside table bago humiga sa kama.
Napakunot noo ako ng 347 missed call at 478 messages na agad ang nandito samantalang pitong oras lang naman ako nawala sa bahay.
Galing lahat kay Noe! I don't know how to react, Kikiligin? matutuwa? or what?
So instead of reading all this message, I opened the last message and it says.
'From: Noe
Kanina pa umaga mga tawag at message ko sayo. Mag usap tayo bukas pag dating ko diyan sa Alegria'
Kinabahan ako bigla. What kind of talk? How can I talk to him ? paano ako makikipag usap sa kanya kung malayo pa lang siya nag wawala na ang puso ko.
How?
BINABASA MO ANG
Tiger 2: Menoetius Menoitios (Completed)
Ficción GeneralWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Angel Faith Naga is Obsess to Noe, Simula pagkabata ay kay Noe na ang attention niya na halos hindi na niya napapansin ang sarili niya dahil puro si Noe...