Angel Faith
Habang nag luluto ako ng agahan ay bigla na lang pumasok sa kusina si Zelus, Siya ang panganay sa triplets namim ni Noe, yes triplets.
"Mom may lakad po kami ni Brandon ngayon" Kinuha ko muna sa stove ang pot na nilutoan ko at nilapitan si Zelus.
"Saan ang punta ninyo?" Umupo kami sa upoan ng dining table namin nang dumating ang dalawa pa niyang kapatid at si Noe.
"Baby, aalis daw sila Zelus kasama si Brandon" Tinignan ko ang mga anak ko na si Morpheus at Deimos, ang arte ng mga pangalan. Si Noe ang pumili ng mga pangalan nila, galing iyan sa Greek Mythology.
"Ano nga kasi ang gagawin niyo?" Kinamot ni Deimos ang batok niya at siniko ang katabi niyang si Morpheus.
"kasi mommy, mag lalaro lang naman kami. Diba kuya Zelus?" Tumango naman si Zelus kaya pinaningkitan ko sila ng mata.
"Anong laro?" Nilapitan ako ni Noe at hinawakan sa balikat.
"Hayaan mo na sila, mag lalaro lang naman pala eh. Malalaki na sila at alam na nila ang tama at mali, diba mga anak?" Tumango ang triplets at sumaludo pa talaga sa daddy nila.
Minsan naiisip ko na mali ang masyadong pag spoiled ni Noe sa mga bata, masyado nilang nakukuha ang mga gusto nila kaya minsan inaayawan ko ang gusto nila.
"Okay, mag iingat kayo. Walang gagamit ng motor sa inyong tatlo, mag pahatid kayo sa driver"
"Yes mommy" Nilapitan ako ng triplets at hinalikan sa noo bago umalis sa kusina.
16 years old na ang triplets pero minsan hindi ko sila pinag-kakatiwalaan pag may mga lakad sila kasama ang mga kaibigan nila.
Pero naiisip ko din na baka masakal ko sila pag ganoon kaya kahit mahirap sinusubokan kong ibalanse ang lahat ng gusto nila.
"Huwag ka na mag aalala sa kanila Baby, mag date nalang tayo ngayon total Sunday naman. Wala akong pasok" Tumayo ako at nag hain na nang pagkain sa mesa.
"Kumain muna tayo bago mag date, gutom na ako eh" Natawa kami pareho at nag simula ng kumain.
"Baby, thank you" Tinignan ko si Noe kasi bigla siyang nag salita.
"Thank you for what?"
"Thank you for giving me a wonderful kids and for loving me nonstop" Ngumiti ako at hinawakan ang kamay ni Noe.
"Thank you, thank you for understanding me, thank you kasi hindi mo ako sinusukoan kahit minsan nasasakal na kita dahil sa pagkaselosa ko" Natatawang sabi ko kay Noe.
I'm happy and contended in my life now, hindi man kami araw araw na magkasundo ni Noe ay nakakayanan pa rin namin na maging matatag.
Mahal ko si Noe, higit pa sa buhay ko.
The End.
![](https://img.wattpad.com/cover/114976443-288-k419104.jpg)
BINABASA MO ANG
Tiger 2: Menoetius Menoitios (Completed)
Ficción GeneralWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Angel Faith Naga is Obsess to Noe, Simula pagkabata ay kay Noe na ang attention niya na halos hindi na niya napapansin ang sarili niya dahil puro si Noe...