Chapter 1- The Beginning

1.1K 16 9
                                    

Chapter 1

Wellington High School

School of elites. Cream of the crop. Prestigious school. Lahat na yata ng mga magagandang characteristics ng isang school nandito na. Babagay kaya ang isang Althea Hernandez na isang junior student at nanggaling sa isang public school sa school na 'to?

Heto ako ngayon, nakatingin sa malaking gate ng bagong school na papasukan ko. Harapan pa lang halatang mayayaman lahat ng nag-aaral dito. May mga naglalakihang modern buildings, malawak na parking space at malinis na kapaligiran na makikita kahit na hindi pa nakakapasok sa gate. Paano pa kaya kapag nakapasok na ako sa loob? Mas maganda pa siguro sa loob.

6:30 A.M ng umaga pa lang pero nandito na ako sa school, ready and prepared. 7:00 A.M pa naman ang first subject ko pero mas inagahan ko para makapaglibot-libot sa loob ng school. Teka! Nasaan na nga pala si Manong Guard? Paano ako makakapasok kung sarado pa din ang gate?

"Tao po! Manong?" tawag ko sa loob.

"Manong pakibukas po--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla akong makarinig ng paparating na kotse. Tumabi muna ako sa gilid at nakita ang paparating na Zenvo ST1 na kulay white. Ganito ba talaga kayaman ang mga estudyante dito at pati isa sa pinakamahal na kotse sa buong mundo, nabibili nila? Sa google ko lang nakikita 'yang mga klase ng sasakyan.

Biglang bumaba 'yung binta ng kotse at nakita ko ang isang napaka-gwapong nilalang. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakaka-ilang man pero pinilit ko pa ring tignan siya. "No stand by allowed here." sabi niya ng seryoso sa akin.

"Ha?" yan lang ang nasagot ko sa kanya. Mukha ba akong tambay?!

"Stupid." mahina niyang sabi pero umabot pa din sa pandinig ko.

Sasagot na sana ako sa kanya pero bigla niyang pinaharurot ang kotse niya. Teka?! Paano siya nakapasok? Sarado pa 'yung gate kanina ah!

"Bastos ka ah! Ako tambay at tanga?! Hoy! Bumalik ka dito!" malakas na sigaw ko sa nakapasok na kotse.

Huminto naman ang kotse na ikinabigla ko. Narinig niya ako? Pero dahil sinabihan niya ako ng tambay at tanga, hindi ko siya uurungan! Hinintay kong buksan niya ang pinto ng kotse niya at bumaba siya para harapin ako pero ilang sandali lang ay unti-unting nagsara ang gate.

"Te-teka lang po! Papasok ako!" agad akong tumakbo palapit sa gate para makapasok. Nakita ko din na biglang umandar 'yung kotse ng bastos na lalaki kanina.

Naku naman! Muntikan na kong hindi makapasok. Bakit ba bigla na lang nagbubukas at nagsasara ang gate dito? Weird. Tinignan ko na lang ang papalayong sasakyan ng bastos na lalaki na 'yun. May araw ka din sakin!

Inabala ko na lang ang sarili ko sa paglilibot-libot sa loob ng school. Talagang mas maganda nga sa loob. Sobrang lawak pa. Malaki nga talaga ang pagkakaiba ng school na pinapasukan ko ngayon sa school ko dati. Padami na din ng padami ang mga nakikita ko na estudyante. Pansin ko na lagi na lang silang napapatingin sa akin mula ulo hanggang paa. May mali ba sakin? Maayos naman ang damit ko. Naka-rubber shoes, pants, plain v-neck shirt at backpack.

Dumiretso na lang ako sa room na papasukan ko dahil medyo naiilang na ako sa mga tingin nila na sinasabayan pa ng bulungan at tawanan nila habang nakatingin sakin. Time na din naman.

Bago ko pa mabuksan ang pintuan ng room na papasukan ko, biglang may nagsalita sa likod ko "Excuse me." Nakita ko ang isang magandang babae na papalapit sakin. Nakasuot siya ng eye glasses at sa tingin ko nasa may 20's lang siya. Maputi at nakapusod ang buhok niya.

"Bakit po?" tanong ko sa kanya.

"Are you the new student?"

"Opo."

The Royalty and The PromdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon