Chapter 9- Signs

317 12 7
                                    

Chapter 9

"Grabe naman. One week na nga simula nung mangyari yung sa event pero ang laking issue pa din sa kanila." Sabi ko habang naglalakad kami ni Misha papunta sa cafeteria. Puro kasi bulungan at tinginan na naman sila kapag nakikita ako. Hayaan na nga lang. Magsasawa din ang mga yan.

"Of course! Grabe kaya yun! Una, nagperform ng may kasama si Gavin sa stage eh ayaw kaya nun ng may kasama kasi balita ko ayaw niya ng may iniisip pa na iba. And the most shocking part is he is smiling while singing! Hindi naman kaya madalas nakikitang nakangiti yun. And take note! He is looking at you while smiling! Grabe talaga." Paliwanag ni Misha.

"Parang ngumiti lang eh. Saka ano naman kung nakatingin siya sakin? Baka may dumi lang ako sa mukha kaya nakatingin siya."

"Hindi eh. Parang... parang may something."

"Something?"

"Parang may spark."

"Spark? Ano yun kuryente?" Sarkastikong sagot ko sa kanya. Spark daw?

"Funny." Sarkastikong sagot din niya sakin. "Parang ang magical lang kasi ng moment niyong dalawa."

"Magical? Nasa Hogwartz na ba tayo?" Biro ko sa sinabi niya. Ang dami kasing alam eh.

"Whatever. Pero alam mo Thea, may chemistry kayo ni Gavin. Bagay kayo." Nginitian niya ako ng nakakaloko.

"Una, may spark. Pangalawa, magical. Pangatlo, may chemistry at pang-apat, bagay kami." Isa-isa ko pang binilang sa mga daliri ko sa kamay lahat ng weird na sinabi niya. "Alam mo Misha?"

"Tama ako 'no?" Nakangiting tanong niya sakin.

"Gutom lang 'yan. Ikain mo na lang yan para umayos yang pag-iisip mo." Hinila ko na siya papasok sa cafeteria at nag-order na ng pagkain. In fairness ang dami ng natitipid ko dahil sa free foods.

Umupo na kami sa pinakadulo at pinakasulok na part ng cafeteria. Dito na ang "permanent place" namin ni Misha kapag break namin. Bukod sa hindi agaw pansin, nakakaiwas din kami sa mga tinginan at bulungan ng mga estudyante.

"Bakit ba kasi ayaw mong maniwala sa mga sinasabi ko?" Tanong ni Misha.

"Kasi hindi kapani-paniwala." Sagot ko sa kanya at nagsimula ng kumain.

"Ganito na lang. Kapag may sign na dumating, ibig sabihin totoo lahat ng sinabi ko."

"Sign? Anong sign naman yan?"

"Anything unusual. Kapag may nangyaring kakaiba sa paligid natin, sign na yun na dapat maniwala ka na sa sinasabi ko."

"Sabi mo eh." Pilit na pagsang-ayon ko sa idea niya. "Maiba nga tayo. Kwentuhan mo nga ako kung paano ka inayang sumayaw ni Alec." Nginitian ko siya ng nakakaloko. Oo nakasayaw ni Misha si Alec pero hindi ko na sila napanood kasi umuwi na din ako kaagad pagkatapos ng performance namin ni Gavin. Baka kasi hindi na ako makalabas ng buhay sa tingin mga babae sakin doon kaya ayun, um-exit na ko.

"Wala. Huwag mo na lang itanong." Bigla naman lumungkot ang mukha ni Misha.

"Ano bang nangyari? Dali na sabihin mo na. Sinaktan ka ba niya? Ano?"

"Huwag na nga lang. Nagmomove on na nga ako sa nangyari eh."

"Move on? Bakit?"

"Kasi masakit."

"Masakit? Bakit?"

"Kasi first time ko yun." Napayuko na lang siya sa sinabi niya.

"Masakit kasi first time." Bigla naman nanlaki ang mga mata ko sa naisip ko. "Misha! May nangyari sa inyo ni Alec? Binigay mo na ang perlas ng silanganan?!" Mahina pero madiin na tanong ko sa kanya. Baka kasi may makarinig na iba sa pinaguusapan namin.

The Royalty and The PromdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon