Chapter 6- The Mansion

351 11 14
                                    

Chapter 6

"Stupid." Sabi ng lalaki na sumalo sakin. Nakahiga siya sa sahig habang nakadagan ako sa kanya.

"Gavin?" 'Yan lang ang nasabi ko. Ewan ko kung bakit pero parang na-magnet ang mga mata ko sa mga mata niya. May gray eyes pala siya. Ngayon ko lang napansin.

Tatayo na sana siya pero napangiwi siya. "Ouch."

Doon lang ako natauhan. Nakapatong nga pala ako sa kanya. Ang sagwa lang tignan. "So-sorry. Nasaktan ka ba? Sa-saan?" Hinawakan ko pa ang mukha niya nung nakaupo na ako.

Umiwas lang siya ng tingin sakin kaya tinaggal ko na yung mga kamay ko na nakahawak sa mukha niya. Bakit ba kasi yung mukha niya yung hinawakan ko? Ano ba 'yan! Wrong move naman.

"Thea! Okay ka lang ba?" Tumabi sakin si Misha.

"Oo okay lang ako." Sagot ko sa kanya habang nakatingin pa din kay Gavin na ngayon ay tinatayo na nina Michael at Alec.

"Sarado ang clinic ngayon kaya dadalhin ka na lang namin sa hospital." Sabi ni Michael kay Gavin nang nakatayo na siya.

"I'm okay. Kaya ko ang sarili ko. 'Yung isa dyan ang tanungin niyo." Napatingin sa akin sina Michael at Alec.

"Okay lang ako."

"Dear students!" Sabay-sabay kaming napatingin sa nagsalita. Si Miss President pala na nakaupo sa gilid ng Event Hall. Kailan pa siya dyan? Anong ginagawa niya doon? "Dahil ilang oras na kayong nag-dedecorate dyan at konting ayos na lang ay matatapos na kayo, pwede na kayong umuwi at magpahinga. Gavin and Thea, maiwan muna kayo sandali at kakausapin ko muna kayo." Sabi niya sa aming lahat.

"Thea mauna na ako. Sure ka ba okay ka lang talaga?" Tanong ni Misha sa akin bago siya umalis.

"Okay lang talaga ako. Ingat ka na lang sa pag-uwi. Salamat sa tulong mo." Tinignan ko din sina Michael at Alec na papalapit na din sakin. "Salamat din sa tulong niyo. Ingat na lang sa pag-uwi."

"Okay ka lang ba talaga? Walang masakit sayo?" Tanong ni Michael sakin.

"Hindi ko na alam kung pang-ilang beses niyo na akong natanong ng ganyan pero uulitin ko. Okay lang ako." Ngumiti na lang ako sa sobrang concern nila. Hindi naman kasi talaga ako nasaktan kanina.

"Mas mabuti na yung sigurado." Kinindatan pa ako ni Michael na feeling ko nagpapula sa pisngi ko. "Ingat ka na lang. Bye!" Sabay-sabay na silang umalis. Kami na lang nyan nila Miss President at Gavin ang natira dito sa Event Hall.

Bigla namang nagsalita si Miss President nang wala na sa paningin namin ang tatlo. "Bilang kayo ang in charged dito sa Welcome Party, gusto kong makita lahat ng report niyo sa lahat ng gastos dito para sa event at bigyan niyo na din ako ng copy kung paano ang flow ng event para makita ko kung maayos lahat. And I want it tomorrow morning so you may start doing it now."

"I can do it alone." Sabi ni Gavin.

"Oh yes you can my dear cousin but I won't allow you. Alam ko na ang dami-daming ginawa ni Thea for this event and I bet you need her help para sa mga part na ginawa niya na pinagkagastusan ng school fund natin. I'm just making sure na tama ang gagawin mong report."

"Dumadaan lahat sakin kaya I know everything."

"Are you trying to disobey me? I'm the President here and you will do whatever I say." Matapang na sagot ni Miss President kay Gavin. Nagsukatan na naman sila ng tingin. Ang awkward ko naman dito sa pagitan nila.

"Ah-eh... Excuse me Miss President. Ba-baka pwede po na gawin ko na lang yung part ko dun sa re-report?" Sabat ko sa kanilang dalawa.

"No. Just do what I said Gavin and Thea." Sabi ni Miss President habang nagsusukatan pa din sila ng tingin ni Gavin. Okay sabi ko nga pangit ang naisip ko na idea.

The Royalty and The PromdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon