Chapter 3- Clash of The Titans

419 14 20
                                    

Read. Vote. Comment. Recommend.

THANK YOU! ♥♡♥

-----

Chapter 3

Pagkatapos ng nangyari kahapon, hindi ko na nakita si Michael para makapagpasalamat. Siya kaya ang pumili ng mga damit? Kasi may kasama pang undergarments. Ang awkward naman kasi.

Nasa harapan na naman ako ng weird na gate na 'to. Ngayon alam ko na kung bakit nagbubukas at nagsasara ng mag-isa 'to. May human detector pala kaya kailangan ko munang magregister kahapon para makapasok ako ngayon. Hanep talaga ng school na 'to.

Maaga na naman akong pumasok ngayon para hindi na naman ako agaw pansin. Lalo na ngayon na kinausap at tinulungan pa ako ng rank 2 nila. Una, naka-tie ko ang rank 3 nila. Pangalawa, tinulungan ako ng rank 2 nila. Ano naman kaya ang pangatlo? Maengkwentro ko ang rank 1 nila? 'Wag naman sana.

"Miss Hernandez, napaaga ka yata." Dinig ko na may nagsalita sa likuran ko. Si Miss I pala.

"Good morning po Miss I. Wala lang po. Gusto ko lang po na makapaglibot-libot dito." Pagsisinungaling ko na lang kahit na nakapag-libot na ako dito kahapon.

"Ganun ba. Bakit hindi mo subukan maglibot sa building niyo. Sigurado ako magugustuhan mo dun." Mas lalo namang ngumiti si Miss I.

"Ah eh, puro rooms lang naman po yung nasa building namin." Nag-aalangan na sabi ko sa kanya. Totoo naman kasi. Puro rooms lang naman ang building ng mga Junior students.

"Hindi building ng mga Junior students ang tinutukoy ko, what I mean is the top scorer's building."

"Top scorer's building?" Tumango lang si Miss I "Ano po 'yun?" Nagtatakang tanong ko.

"Your building. The building of top students in our qualifying exam."

Naalala ko din ang sinabi ni Misha tungkol doon. Bigla naman akong nacurious sa building na 'yun. "Sige po Miss I. Mauna na po ako." Tumango naman siya at ngumiti. Umalis na ako at nagsimulang maglakad.

Nagpunta muna ako sa locker ko para ilagay ang ibang gamit ko pero pagkabukas ko ng locker ko, may isang envelop ang nalaglag na may nakasulat na pangalan ko. Sinumulan ko ng basahin ang nakasulat doon. Pinapapunta ako ni Miss President sa office niya sa admin building. NOW. As in naka-all caps pa ang word na 'yan. Sinarado ko na kaagad ang locker ko kahit na hindi ko pa nalalagay ang mga gamit ko doon at dali-dali akong tumakbo sa office niya sa admin building na nasa pinakataas pa ng building nila na buti na lang may elevator.

Ilang minuto lang, nasa harapan na ako ng office niya. Inhale. Exhale. Nang masigurado ko na maayos na ang itsura ko, kumatok na ako at pumasok. Walang Miss President sa loob ng office pero may isang lalaki na nakaupo sa upuan ni Miss President na nagbabasa ng newspaper habang may kape sa harapan niya. Naka gray v-neck shirt siya.

"Excuse me po, nasaan po si Miss President?" Tanong ko sa lalaki na hindi pa din binababa ang newspaper na binabasa niya kaya nakatakip pa din ang mukha niya.

"This is not a lost and found section ." Seryosong sabi ng lalaki. Aba! Pilosopo 'to ah!

"Mas lalong hindi naman 'to tambayan o dining area para umupo ka dyan, magbasa ng dyaryo at magkape. Antipatiko." Pabulong na sagot ko sa kanya. Namimilosopo kasi eh. Ang ayos-ayos ng tanong ko.

"Are you saying something?" Tanong niya sakin. Hindi pa din niya binababa ang newspaper na binabasa niya.

"May narinig po ba kayo?" Pilosopong sagot ko sa kanya. Wait, tama ba ang narinig ko? Nag-chuckle siya?

"You're not making sense."

"Nagsalita naman yung may sense kausap." Nakita ko naman na binaba niya ang dyaryo na binabasa niya. And to my surprise, "IKAW?!"

The Royalty and The PromdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon