Chapter 5- Fall

306 14 15
                                    

Chapter 5

Pagkatapos akong ilibot ni Michael sa buong building, gumawa na ako ng sarili kong schedule para matapos ko lahat ng pinapagawa sakin. Next week na daw yung event na iyon kaya may five days pa ako para mag-prepare pero doon sa three days, sa vacant time lang ako pwede dahil may klase pa ako at hindi pwedeng hindi ako pumasok. Sa last two days lang ako free buong maghapon dahil weekends na iyon.

Sa loob ng three days na may vacant ako, sinimulan ko na yung ibang dapat gawin na naturo na ni Michael sakin kung paano. Dahil may gagawin din sina Michael at Alec para sa event na 'yun, hindi na ako nagpasama pa kahit na pinipilit nila ako. Sinabi ko na lang na tapusin muna nila yung gagawin nila bago nila ako tulungan.

"Thea, kamusta na yung mga ginagawa mo? Okay na ba?" Tanong ni Misha habang naglalakad kami. Friday na ngayon at wala akong klase sa section namin ni Misha. May special class ako sa top building kasama ang Royalty.

"Hindi pa eh. Kalahati pa lang nung mga gagawin ko yung natapos ko."

"Sabi ko na kasi sayo tulungan na kita sa ginagawa mo eh."

"Kasi naman nakakaistorbo lang sayo saka sa amin naman inutos 'to."

"Okay lang naman sakin. What are friends for di ba? Ano tulungan na kita this weekend?"

"O sige. Tatlo na nyan kayong tutulong sakin sa weekend."

"Huh? Tatlo?" Napahinto siya sa paglalakad kaya huminto din ako.

"Ok tatlo. Ikaw, si Michael at si Alec."

"Si A-Alec ka-kasama?" Nauutal pa niyang sabi habang gulat na gulat. Ah oo nga pala! Crush pala nito si Alec 'The Great Playboy'.

"Oo. Ayaw mo ba? Sige okay lang naman." Biro ko sa kanya sabay ngisi.

"A-ah hindi. Gusto ko kaya. Anong oras ba bukas? Saan ang meeting place?" Ngiting-ngiti na siya ngayon. Mukhang excited na siya para bukas.

"8:00 A.M. Sa may event hall ng school ang meeting place. Sige kita na lang tayo bukas baka ma-late pa tayo sa klase natin."

"Sige. Bye!" Tumakbo na siya paalis. Ano kayang mangyayari bukas? Baka mamaya kiligin lang 'yun kay Alec.

"Good morning Ms. Beautiful!" Biglang may umakbay sakin habang papasok ako sa top building. Pagkatingin ko kung sino, si Alec pala.

"Kung gusto mong maging good pa din ang morning mo, tanggalin mo 'yang kamay mo." Tinignan ko siya ng masama habang nakangisi pa din siya sakin at naka-akbay.

"Easy! Ang aga-aga nagtataray at nagsusungit ka dyan. Wala bang good morning kiss?" Kinidatan pa niya ako.

"Gusto mong humalik sa kamao ko?" Tinaggal ko na yung kamay niya na naka-akbay sakin sabay pakita ko sa kamay ko na naka-kuyom.

"Ice ka lang dyan! Masyado kang hot eh. Tara na nga baka ma-late pa tayo sa klase natin." Aamba pa sana siya na aakbay ulit sakin pero lumayo na ako sa kanya. Tumawa na lang siya sa ginawa ko.

"Playboy talaga!" Inirapan ko siya at nagpunta na sa elevator. Siya naman tawa pa din ng tawa.

Ilang sandali lang naman papasok na kami sa room at tawa pa din ng tawa si Alec. Ewan ko ba dito kung bakit tawa siya ng tawa. Wala namang nakakatawa. Una siyang pumasok sa room.

"Good morning!" Sigaw ni Alec pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan. Nakita ko naman sina Michael at Gavin na nakaupo na. Wala pang teacher sa harap.

Tumayo si Michael at lumapit samin ni Alec. "Good morning din. Tapos na namin ni Alec yung mga gagawin namin para sa event kaya pwede ka na naming tulungan. So ano ng gagawin natin bukas?" Umakbay siya sakin sabay kindat.

The Royalty and The PromdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon