Chapter 2- Savior

512 13 18
                                    

Chapter 2

Lunch break na namin at nasa canteen kami ngayon. Umorder kami ng lunch na pagkamahal-mahal. Naubos ang dalawang araw na food allowance ko para sa isang meal lang. May ginto ba ang mga pagkain nila dito? Napapansin ko na panay ang tingin ng mga estudyante sa akin. Alam na din ba nila?

"I still can't believe it. This is history you know. Ikaw pala ang isa sa mga top scorer. You're really something!" Tuwang-tuwang sabi ni Misha habang naghahanap kami ng mauupuan sa loob ng canteen.

Umupo na kami sa may bandang dulo ng canteen. "Kahit nga ako hindi ko ini-expect na makakakuha ako ng mataas sa qualifying exam. Pero pwede mo bang iexplain sakin kung ano bang meron sa qualifying exam na 'yun?" Curious na curious na kasi ako kasi hindi ako sanay sa mga tingin nila dito sa canteen.

"Okay I'll explain it to you since wala ka pang idea sa lahat. Being one of the highest scorer in our qualifying exam is too tough. Hindi lang pasosyalan ang labanan dito sa school. You need brain also. And in your case, I think you're that smart to be one of the top scorer. You have privileges that only the top scorers receive."

"Anong privileges 'yun?"

"Privileges in terms of service of this school and money na hindi naman masyadong big deal para sa mga top scorer since they are rich. Those privileges are effective tomorrow."

Privileges sa money? Hindi naman yata kailangan ng mga nag-aaral dito yun. Pero ako kailangan ko. Nakapasok lang ako dito sa school na 'to dahil sa scholarship. Hindi ako mayaman gaya nila. Buti na nga lang at may kakilala si Mama na siyang nagbigay ng scholarship ko dito. "Anong privileges dun sa money?" Curious na tanong ko.

"Like 10,000 pesos monthly allowance, free meals here in our canteen, 5,000 project allowance, free accomodation in all our field trips and outing. That's all I know about that." Paliwanag niya bago magsimulang kumain.

"Wow!" Manghang sagot ko sa kanya. Totoo ba lahat 'yun? So ibig sabihin libre na pala lahat ako dito.

"Wait. Don't tell me na big deal sayo yun." Natatawang sabi niya sakin.

"Oo naman. Sayang kaya 'yun kung hindi ko gagamitin. Malaking tulong na 'yun sakin." Tuwang-tuwang paliwanag ko sa kanya at nagsimula na akong kumain.

Napansin ko naman na tinititigan ako ni Misha. "Bakit?" Tanong ko sa kanya. Mukha kasi siyang hindi makapaniwala na nabigla pa.

"Are you serious? Big deal talaga sayo 'yun?" Nagtatakang tanong niya.

"Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sayo na dahil sa scholarship kaya ako nakapasok sa school niyo. Hindi ako mayaman gaya niyo. Tulad ng narinig mo kanina sa mga classmates natin sa room, dati akong nag-aaral sa public school at galing ako sa isang probinsya. Feeling ko nga dahil sa background information ko kaya pinagtitinginan at pinaguusapan ako ng mga nag-aaral dito." Paliwanag ko sa kanya.

"Seriously?" Hindi pa din makapaniwalang tanong niya.

"Oo. Kaya maiintindihan ko kung aalis ka na ngayon dahil ayaw mo na akong maging kaibigan."

"Are you crazy?! Why am I going to do that? Alam mo ba na pinapabilib mo ako? Bakit naman kita iiwan dito? Ikaw lang yata 'yung tao na nakilala ko na hindi plastic and social climber. You know what? Hindi ako masyadong nakikisama sa mga estudyante dito kasi pera ang sukatan nila kung kakaibiganin ka nila o hindi." Mahabang paliwanag niya sa akin. Nakikita ko naman na seryoso siya sa mga sinabi niya.

"Thank you ha. Mukhang hindi na talaga ako magiging loner dito sa school."

"Ano ka ba wala 'yun. And I'm lucky that I found someone that is real hindi ka gaya sa kanila." She smiled at me.

The Royalty and The PromdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon