Chapter 7
"Rise and shine Ateee!" Naramdaman ko na lang na gumalaw ang hinihigaan ko pagkatapos ng malakas na sigaw na nagpagising sa katawang lupa ko.
Teka?! Kanino boses yung narinig ko? Hindi naman boses ni Mama 'yun ah. Inikot ko ang paningin ko sa lugar kung nasaan ako ngayon. Malaking kwarto, malaking T.V, may mini sala, may veranda, may malaking bintana na natatakpan ng kulay cream na kurtina, may lampshade, may malaking kama--- KAMA?! HINDI KO 'TO KAMA! BAKIT AKO NASA KAMA?! PAANO AKO NAPUNTA SA KAMA NA 'TO?! Bigla naman akong napatingin sa ilalim ng kumot ko. May damit naman ako pero kanino damit itong suot ko?! Hindi sa akin 'to. Wala akong ganitong damit!
"ANONG NANGYARI SAKIN?!" Sigaw na tanong ko sa gumising sa akin sabay higit sa kumot ko pataas at napaupo ako sa kama. Si Gabby pala ang gumising sakin.
"Chill Ate, okay? I saw you sleeping on the couch and when I'm about to wake you up, Kuya stopped me and told me that we need to rest because its getting late na daw. We didn't bother to wake you up because you looked like tired and so exhausted that's why we, I mean Kuya decided to let you just sleep here and he carried you to one of our guest rooms. And about your clothes, don't worry Ate, I'm the one who did it so don't stress yourself out." Paliwanag ni Gabby habang patalon-talon sa kama.
"Ga-ganun ba? Pero si Mama? Hindi alam ng Mama ko na nandito ako. Nasaan na ba yung phone ko?" Kinuha ko 'yung bag ko na nasa may gilid ng kama at nagsimulang kalkalin 'yun.
"Is this what you're looking for?" Napatingin naman ako kaagad kay Gabby at nakita ang phone ko na hawak niya at winawagayway pa sa ere.
"'Yan nga. Paano napunta sayo 'yan?"
"It kept on ringing kasi last night ang Kuya anwered it na lang for you." Inabot na niya sa akin yung phone ko. Kaagad ko naman tinignan ang mga text at hindi na ako nagulat sa dami na message ni Mama na puro nagtatanong kung nasaan na ako. Si Mama din ang puro nasa call history ko kaya sigurado ako na si Mama ang nakausap kagabi ni Gavin.
"Anong sabi ng Mama ko? Nagalit ba siya?"
"I think so? You're not responding daw kasi. She's so freaking worried about you. She almost called a police daw if Kuya not answered your phone."
"Po-police?"
"She tought that someone kidnapped you or something bad happened to you." Ang praning talaga ni Mama. Talagang inisip niya 'yun? "Let's go na Ate. Kuya is waiting na. We will eat breakfast na."
"Ahh sige sandali lang maghihilamos muna ako. Nasaan na pala yung mga damit ko?"
"Its in the laundry Ate but I brought you dress. Here." May inabot siya na paper bag sakin.
"May bukas na bang mall ng ganito kaaga?" Tinignan ko pa ang wrist watch ko pagkakuha ko ng paper bag. 7:30A.M pa lang.
"That is from my boutique."
"Ma-may sarili ka ng boutique?" Namamanghang tanong ko. Mas matanda pa ako sa kanya pero may boutique na agad siya? Grabe lang.
"Yup. I will treat you sometime and I'm sure you will like all the clothes there. I'm really sure that the clothes there are bagay to you Ate! Go change your clothes na." Hinila ako patayo ni Gabby at itinulak ng kaunti papunta sa CR.
Pagpasok ko pa lang sa CR, binuksan ko na agad yung paper bag na binigay ni Gabby and guess what? Isang dress na kulay baby pink ang nasa loob nun. Tinignan ko ng mabuti ang dress na hawak ko ngayon. Simple but elegant. Ang kaso lang, hindi naman ako nagsusuot ng mga ganito. Hindi ako komportableng gumalaw kasi feeling ko makikitaan ako anytime. Saka ano na lang magiging itsura ko kapag sinuot ko ito ng naka-rubber shoes?
BINABASA MO ANG
The Royalty and The Promdi
Fiksi RemajaWhat will happen to a promdi who unexpectedly mess up with The Royalty? Will she survive or give up? Her life is normal not until she met them.