Chapter 4- Crush

332 13 16
                                    

Chapter 4

"Walang hiya ka! Ano ba ibaba mo ko sabi eh! Bingi ka ba?! Hoy! Ibaba mo na ako!" Sigaw ko kay Gavin na buhat-buhat pa din ako na parang sako ng bigas. Palag lang ako ng palag. Ewan ko na lang kung hindi magkapasa yung likod niya sa mga hampas, kurot at palo na ginawa ko.

"Aray! Bakit mo ginawa 'yun?!" Tanong ko sa kanya nang bigla niya akong ibaba. Masakit kaya sa pwet!

"Because you said so." Bored na sabi niya sakin habang ako nasa sahig pa din ako. Buti na lang wala ng tao sa paligid.

"Sabi ko ibaba mo ko. Hindi ibalibag!" Nagkibit-balikat lang siya. "Saan mo ba ko dinala?" Tanong ko sa kanya habang tumatayo ako.

"Just follow me." Nagsimula na siyang maglakad papasok sa isang tinted glass door. Sumunod naman ako sa kanya.

Hindi pamilyar itong building sakin. In fairness maganda. Ibang-iba sa mga buildings na nakikita ko sa school na 'to. May chandelier pa na bubungad sayo pagkapasok na pagkapasok pa lang. Bigla namang may bumukas na elevator. Akala ko sa admin building lang merong elevator?

"Uy! Nasaan na tayo? Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya pagkapasok namin sa elevator. Hindi naman siya sumagot.

"Uy! Bingi ka ba?" Tanong ko ulit sa kanya. Hindi pa din siya sumasagot. Aba bastos na bata talaga 'to. Kinulbit-kulbit ko siya para pansinin niya ko hanggang sa makalabas na kami sa elevator.

"Will you shut the hell up?! You're annoying!" Galit na galit niyang sigaw sakin pagkaharap na pagkaharap niya. Hindi naman ako natakot, nabigla lang. Nakakainis kaya siya!

"Hoy ikaw! Huwag mo akong idaan-daan sa pagsigaw mo ha! Ikaw pa may ganang magalit dyan eh ikaw naman nangdala sakin dito! Nagtatanong ako ng maayos tapos hindi mo naman ako sinasagot!" Sigaw ko din sa kanya. Nagtitigan na naman kami. Parang 'yung nangyari lang sa office kanina.

"Hey! Nice scene dude!" Isang lalaki ang nagsalita na kakalabas lang sa isang room. Sabay lang namin siyang tinignan ng masama kaya naman napaatras siya. "May balak ba kayong patayin ako sa tingin?" Tanong niya sa aming dalawa.

"Alec, the meeting will start. Where is Gavin?" Lumabas si Michael sa pinanggalingan din nung lalaki kanina. Anong ginagawa niya dito?

"I'm here." Sagot kaagad ni Gavin sa kanya.

"Just in time." Sabi ni Michael kay Gavin. Napatingin naman siya sa direksyon ko. "Hi. Are you okay already?" Tanong niya sakin ng nakangiti pa.

Napangiti din ako. Ang gwapo na nga ang bait pa. Hindi gaya nitong katabi ko na gwapo nga pero ipinaglihi yata sa demonyo sa sama ng ugali. "Okay na ako. Thank you pala sa pagtulong mo pati sa mga damit."

"Does it fits you?" Tanong niya sa akin. Nakakailang naman. Naalala ko tuloy yung mga binigay niya. May undies pa kasi.

"Ahh... ehh... Oo. I-ikaw ba ang pumili ng mga 'yun?" Naiilang na sagot ko sa kanya.

"No. It's my designer so don't worry." Natatawang sagot niya. Alam na niya siguro 'yung tinutukoy ko.

"Hehe. Thank you ulit." Sabi ko na lang sa kanya. Ang bait bait niya talaga.

"Ehem! Ehem! Shall we start the meeting? Naghihintay na sila sa loob " Napatingin naman ako sa kanya. Siya 'yung lalaki na unang lumabas kanina sa isang room na tinawag na Alec ni Michael. Nakatingin siya samin ni Michael at nag-wink pa sakin. Mukhang player nga. Tama si Misha.

Nauna ng pumasok si Gavin tapos sunod naman si Alec, Michael at ako. Pagkapasok ko, isang napakalaking conference room ang sumalubong sakin. Wow. Parang sa mga palabas ko lang nakikita yung mga ganito. May malaking pabilog na table sa gitna na parang sa mga company na ginagamit nila kapag may meeting sila. May wide flat screen monitor sa harap at may podium pa. Ang garbo talaga.

The Royalty and The PromdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon