Chapter 10- Luke

418 16 7
                                    

Chapter 10

Ayan na naman tayo. Papasok na naman ako sa school tapos ako na naman ang pagbubulungan at pagtitinginan. Ano na naman bang bago di ba? Pagkatapos ng scene namin nina Misha at ng The Royalty? Talaga nga naman. Bakit ba kahit na pilitin kong tumahimik na lang para hindi maka-agaw ng pansin eh doon ko pa lalo nakukuha ang atensyon nila?

"He's back!"

"True! Nakita ko nga siya kanina and mas lalo siyang gumwapo."

"Oh my gosh! I can't wait to see him."

Aba himala! Anong meron at hindi nila ako pinagtitinginan at pinagbubulungan? Sino na naman kaya ang 'apple of the eyes' nila? Dapat ko na ba siyang pasalamatan kasi dahil sa kanya nakalimutan na nila ang nangyari?

At dahil wala ng pumapansin sakin, ngingiti-ngiti akong naglalakad papunta sa locker ko.

"Haaaay! Sana lagi na lang ganito." Sabi ko sa sarili ko nang makarating ako sa locker ko.

"Ano ba dati?" Narinig ko na may nagsalita sa gilid ko kaya naman kaagad kong sinara ang locker ko para makita kung sino 'yon.

"Kilala ba kita?"

"Kilala mo ba ko?"

"Hindi. Kaya nga tinatanong kita di ba?"

"Kaya nga tinatanong din kita."

"Ako ba niloloko mo?"

"Mukha ba akong manloloko?"

"Alam mo, maganda ang mood ko ngayon kaya pwede ba huwag kang nambibwisit dyan." Naglakad na ako papunta sa classroom namin.

Oh ano na naman ba ngayon? Ano na naman bang tinitingin-tingin nila ngayon? Akala ko ba abswelto na ko? Paglingon ko sa likod ko, nakita ko na naman yung lalaki na nakita ko sa locker kaya naman huminto ako para kausapin siya.

"Sinusundan mo ba ko?"

"Masama na bang maglakad dito ngayon?"

"Lahat ba ng tanong ko sasagutin mo din ng tanong?"

"Hindi ka ba nuubusan ng tanong?"

"Haaaist! Nakakabwisit ka na ha!"

"Talaga?" Saka pa siya tumawa. Yung tawa na parang nanalo siya sa kung ano man 'yun.

"Pwede ba huwag mo na akong sundan! Dyan ka na nga." Iniwan ko siya doon na tumatawa pa din. May saltik ba 'yun? Kung meron man, sayang naman ang lahi niya kung ganun nga. Gwapo pa man din. Tsk tsk.

Bubuksan ko na sana ang pinto sa classroom namin pero napansin ko na nasa tabi ko naman yung lalaki kanina.

"Teka nga lang, bakit mo ba ako sinusundan? Alam mo kung wala kang magawang matino sa buhay mo, maghanap ka ng ibang pagtitripan huh? Hindi yung ako ang pinipeste mo dito." Tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Hindi kita sinusundan Miss Masungit."

"Eh anong ginagawa mo dito sa tapat ng classroom ko? Sa pagkakaalam ko kasi, hindi kita kaklase."

"What a small world." Ngumisi pa siya at tinignan ang I.D ko. "Miss Althea Hernandez."

"Mr. Luke Cortez. Finally you've shown up." Sabi ni Miss I na papalapit sa amin. Luke pala ang pangalan niya. Parang pamilyar. Saan ko na nga ba narinig ang pangalan niya?

"Good morning Ma'am. Napahaba lang po ang bakasyon. Masyado niyo bang namiss ang kagwapuhan ko?" Sagot naman ni Luke. Ang hangin naman pala nito. At kaya naman pala ngayon ko lang nakita dito sa school itong si Luke kasi ngayon lang siya pumasok. Anong petsa na kaya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Royalty and The PromdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon