Chapter 8- Welcome Party (Part 1)

290 12 15
                                    

Chapter 8

"Anooooo?!" Sigaw ni Misha matapos marinig ang kwento ko tungkol sa nangyari. Nakwento ko lahat-lahat sa kanya. As in LAHAT kasama na pati mga awkward moments ko doon sa mansion nila pati na yung sa pabor na sinabi ni Mama kay Gavin kahapon.

"Sa kasamaang palad, oo pumayag siya." Sagot ko sa kanya habang tumitingin sa mga magazines na nasa harap namin. Nandito kami ngayon sa isang boutique na nasa loob ng mall. Mamaya na ang event kaya bibili daw kami ng susuotin namin at libre niya. Pumayag na lang ako kasi sobrang mapilit siya saka sayang naman kung tatanggihan ko pa. Wala din naman kasi akong susuotin para sa event. Bakit ba kasi kailangan na formal attire pa?

"Si Gavin Berridge na walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya, aalagaan ka? Unbelievable!" Niyugyug pa niya ako. "Katapusan na ba ng mundo?"

"Siguro nga." Sagot ko sa kanya. "Ayaw ko na munang isipin 'yan. Masyadong masakit sa ulo. Ayusin muna natin itong para sa event at nang matapos na. Ano may napili ka na?"

"Wala pa. Alam mo naman na wala akong taste pagdating sa fashion di ba? Libro lang ang tinitignan ko at hindi itong mga magazines. Ikaw may napili ka na?"

"Wala pa din. Anong gagawin natin? Wala tayong mapapala kung magtatanungan tayo tungkol sa fashion."

"Ice ka lang dyan. Masyado kang hot eh. Don't worry padating na si Ate. Model yun kaya I'm sure matutulungan niya tayo." Parang narinig ko na yung sinabi niya ah? Saan na nga ba?

"Hindi ba tayo mali-late? 2 o' clock na tapos 5 o' clock magsisimula yung event."

"Hindi ko lang alam. Mabusisi and strict pa naman din si Ate pagdating sa fashion. Mamadaliin ko na lang si Ate para makaabot tayo."

After 10 minutes...

"Sissy!" Sabay kaming napalingon sa sumigaw na mula sa pinto ng boutique. Napanganga na lang ako sa nakita kong dyosa na papalapit sa amin. Kulang pa yata ang salitang maganda para idescribe siya.

"Ate! Finally nandito ka na din." Nagbeso pa silang dalawa.

"Sorry sissy. Late kasi napack up yung photo shoot ko."

"Heto nga pala si Thea Ate. Siya yung sinasabi ko sayo." Pakilala sakin ni Misha sabay hila papalapit sa kanya. Ngumiti ako sa kanya.

"Hello Thea! I'm Mitch. I heard a lot of things about you. Call me Ate na din." Nagbeso pa sakin si Ate Mitch. Grabe ang lambot ng pisngi niya. Nakakahiya naman yung sakin. "Alam mo maganda ka din katulad ng sissy ko. Kailangan niyo lang talaga ng make over. So shall we start?"

Tumango na lang kaming dalawa ni Misha sa kanya.

Sobrang sikat pala niya. Talagang pinasara pa yung boutique para hindi makapasok yung mga fans na kanina pa nagkakagulo sa labas. Endorser pala siya nitong boutique kaya naman pala ang dami niyang pictures at posters dito sa loob.

"Wear this sissy." Inabot niya kay Misha yung fuschia pink dress na may touch of black. "And this one is for you Thea." Binigay naman sakin ni Ate Mitch ang kulay royal blue na dress na may touch of white.

Sabay kaming pumasok sa magkaibang fitting room ni Misha. Ilang minuto lang...

"Ate hindi ba masyadong revealing itong suot ko? Kita na yung tagiliran ko oh. Hindi pa yata tapos matahi ito pinapasuot mo na sakin." Reklamo ni Misha sa damit niya.

"Ano ka ba sissy. That's what you call sexy. Ang sexy sexy mo tapos tinatago mo sa malalaking shirts mo. Show off some of your assets. Hindi kita sinasama sa mga work outs ko at binibigyan ng diet tips para lang itago 'yan. You look perfectly awesome with that." Tinanggal pa ni Ate Mitch yung mga kamay ni Misha na nakatakip sa kanya at pintayo siya ng maayos.

The Royalty and The PromdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon