Chapter 8- Welcome Party (Part 2)

295 12 7
                                    

Dedicated kay Ate Aril :) Thank you sa meet up/bonding last Thursday (06.05.14) kasama sina Ate Alesana, Ate Helena, Ate Coleen pati na mga Wattpaders sa Tarlac. :D

P.S

Madaldal si Ate Aril saka nanlilibre. Haha :D

------

Chapter 8 (Part 2)

"Announcing the arrival of Miss Mishalyn Brown and Miss Althea Hernandez." Bungad ng isang boses sa amin na nanggagaling sa stage at dinig na dinig sa loob ng event hall.

Pagtingin ko sa paligid, ALL EYES ON US.

Nagbubulungan lang ang mga estudyante na nadadaanan namin habang tinitignan nila kami mula ulo hanggang paa. Hindi ko naman sila marinig dahil sa may aisle ng event hall kami naglalakad at medyo malayo sa mga tables yun.

Awkward....

"This way to your seat Ma'am." Iginiya kami nung waiter na nagseserve papunta sa table na kinabibilangan nila Michael, Alec at Gavin. Buti na lang walang arrangement pagdating sa kung sinong makakasama mo sa table dahil kung hindi, baka hindi ko katabi ngayon si Misha.

"Hey! Thought you're not coming." Sabi ng isang clown--- este isang babae na kasama namin sa table. Nasabi ko na bang 10 kami ngayon sa malaking round table na 'to? Sa kasamaang palad, kasama namin ang G's.

Nasa left side ko si Misha na sinundan ng isang babae tapos si Alec, babae ulit, babae ulit, si Gavin na halos katapat ko na tapos sinundan ng dalawa pang babae at ni Michael na katabi ko ngayon sa right side ko.

"Baka nanggaling pa sa province nila kaya na-late." Umismid pa yung katabing babae ni Misha.

"Ano bang sinakyan mo? Kalabaw? Haha." Dagdag naman ng babae na katabi ni Alec sa left side niya.

Napayuko na lang kaming dalawa ni Misha sa sabay-sabay na tawa nila. Kung hindi lang siguro ako namomroblema sa performance ko mamaya, baka naghalo na ang balat sa tinalupan dito sa event hall.

Bigla namang may kamay na pumisil ng bahagya sa kanang kamay ko. "Ang ganda niyong dalawa." Pagtingin ko sa nagsalita, nakita ko ang isang Michael na naka-ngiti sakin.

"Salamat." Napangiti na lang ako sa kanya. Ayan na naman siya. Kahit sino sigurong babae magkakaroon ng crush kapag ganito yung pinapakita niya lagi. Nakakagaan lang sa pakiramdam.

"Dapat pala laging may event para lagi kang nag-aayos Thea." Sabi ni Alec na nakapatong ang dalawang braso sa magkabilang upuan. Para tuloy siyang naka-akbay sa mga babaeng linta na katabi niya. "Maganda ka naman pala."

"Ako lang?" Tanong ko sa kanya. Hindi ba niya babatiin si Misha? Ang ganda-ganda kaya niya lalo ngayon.

"Sino pa ba?"

"Si Mi--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang may pumisil sa kaliwang kamay ko. Pagtingin ko kung sino, nakita ko si Misha na naka-ngiti sakin. Ngiti na halatang hindi totoo at pilit.

"Third batch performers tayo. Anong sayo Kael?" Tanong ni Alec.

"I will play Kiss The Rain through piano. Ikaw?" Sagot ni Michael sa kanya.

"Sasayaw na lang. Wala ako sa mood kumanta. Ikaw Gav?" Tanong ni Alec. Agad naman akong napatingin kay Gavin.

"Same as the last time." Sabay inom niya ng tubig.

"Mababawasan na naman nito ang mga babae ko." Umiiling na sabi ni Alec. "Ikaw Thea?" Baling naman niya sakin. Nakatingin lahat sila sakin na para bang worth one million dollor ang tanong ni Alec.

The Royalty and The PromdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon